“Ano na ang desisyon mo?” nasa isang suite sila sa hindi masyadong kilalang hotel pero maganda naman ang pamamalakad nito siguro ay bago pa itong hotel kaya walang masyadong nagpupunta
dito.
“Hindi ko alam, pero teka may balita ba kayo ni Darren?” bigla na lamang tumahimik ang mga kaibigan niya.
“Uy ano na?”
“Allanah, si Darren kasi… ipinilit na pakasalan iyong Jilliana the Bitch para hindi ka na guluhin ng Ate niya”
“So totoo pala? Ganon nalang? At alam niyang matagal ng may galit ang Ate niya sa akin, pero bakit?!”
“Iba na kasi ang ginawa ng Ate niya. Sisiraan ka niya sa lahat ng fashion designer ditto sa mundo kung hindi niya papakasalan ang babaeng iyon. Kahit anong gawin niya wala siyang magawa at ayaw niyang mawala ang pinaghihirapan mo”
“Tsk. Napakababaw naman ng rason niya! Hindi niya kasi alam kung gaano kabigat itong pinapagawa ng ina kong walang magawa sa buhay! Akala niya siya lang ang –“
“Understand him Allanah, may mga rason na nakatago sa lahat ng iyon, hindi niya sinasabi sa amin pero ramdam ko, ramdam naming lahat”
“Fine” padabog siyang tumayo at pumunta sa Terrace ng suite nila. Iniisip niya ang desisyon niya. Tama kayang magpanggap ako? Pero ayaw kong mangloko ng tao. Kung mahal niya si Alliana, maiintindihan niya ito pero
“Allanah, sorry” napalingon siya kay Quieenee. Sa kanilang lahat si Quieenee ang pinakamabait kahit na galitin mo ito o aasarin, wala lang sa kanya iyon though minsan napipikon talaga siya pero agad iyong nawawala, kumbaga may control siya sa sarili.
“It’s okay Quieenee, nga pala paano na ang event natin sa Paris?”
“Actually okay na siya ang date na lamang ang hihintayin natin. It’s next week kaya pinabook ko na sa secretary ko ang flight natin doon”
“Thanks Quieen” tinignan niya ang kabuuan ng metro.
“Everything’s change right? Iniwan natin ang Manila dahil sa mga hatred na pinaramdam nito sa atin, pero look okay na sana diba? Pero bakit feeling ko, problema na naman ang ibibigay nito sa akin?”
“Alam mo Allanah, when I was in New York, studying for my carreer may nagsabi sa akin ‘Everything happens for a reason’ umalis tayo para makalimot at ihilom ang mga sakit na nasa puso natin pero hindi ibig sabihin noon ay mawawala na lamang iyon ng parang bula. Minsan kasi wala iyan ngayon pero pag okay na ang lahat babalik at babalik parin ito sa atin to test if we really deserve it” ito din ang isa sa mga nagustuhan niya kay Quieenee, minsan kasi ang mga sinasabi nito ay iyong mga nararamdaman niya. Iyong tipong hugot talaga ang lalabas sa bibig niya para maintindihan mo kung bakit kailangan mong mabuhay.
BINABASA MO ANG
The Surrogate Girlfriend (Run Away Series #1)
RomanceSi Allahna ay may kakambal na kamukhang-kamukha niya pero walang nakakaalam na may kakambal siya, except sa boyfriend niyang si Darren, masaya siya sa piling nito at maganda na din ang buhay niya sa New York, pero nung mga panahon na ikakasal sila m...