"Lucy hoy gumising ka na. Jusmiyong batang toh." nagising ako sa pagyugyug ni mama sa akin.
Kinusot ko ang mga mata ko saka nag-inat. "Mama naman umagang-umaga pa eh." tiningnan ko ang alarm clock sa gilid ng higaan ko at 5:10 pa lang.
Usually bumabangon ako ng mga 6:00 tas 1 hour para prepare at kain na din tas pumapasok ako ng mga 7:00 na.
"Kagabi pa kita ginigising pero mukhang pagod na pagod ka kaya di na kita inabalang gisingin pa. May nag punta dito kagabi kaso nga lang ayun nga tulog ka kaya sinabi niya babalik daw sya kinabukasan." May naghahanap sakin? Sino? Sila Elara ba? Ang aga naman.
"Ma pakisabi kina Alkina at Elara na saglit lang mga 5 minutes tutulog muna ako ulit." aakto pa sana ako na magtataklubong bg kumot pero hinila yun ni mama.
"Hindi sila ang naghahanap sayo." wika ni mama.
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Kung hindi sila, sino?
Mukhang nabasa ni mama ang ekspresyon ko kaya nagsalita na sya "Yung lalaki sa hospital, sya yung bumibisita sayo."
Kaagad na nanlaki ang mga mata ko at lumabas sa kwarto papunta sa sala. Naabutan ko si Levi na prenteng nakaupo at may dala-dalang bulaklak kasama si Stefan na naglalaro ng cellphone niya.
Tumingin sa direksyon ko si Levi at nagtama ang mga paningin namin. Maganda din pala mata ni Lev sa malayuan noh? Ampangit kasi pag malapitan char.
Bumaba ang tingin niya at saglit nanlaki ang mga mata niya bago nag-iwas ng tingin ganun din ang ginawa ni Stefan.
Binaba ko ang tingin ko kung saan sya nakatingin kanina at bigla akong napatakbo patungo sa kwarto ko naabutan ko pa si mama na pababa sa hagdan.
Shemayy wala pa pala akong bra! Tas naka white sex top lang pala ako at makikita ang hulma ng dibdib ko pag tiningnan. Bobo amp.
Sana kunin na ako ng mga lupa ngayon din!
Dali-dali akong nagpunta sa banyo at naligo ng 10 minutes lang ata. Takte. Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko na yung uniform ko para diretso nako sa school pagkatapos kong kumain.
Nilalamig pa nga ako eh kaya ayaw kong maligo sa pagitan ng 5 o'clock kasi ang ginaw. Mas malamig pa sa convo niyo.
Nung tapos na akong magbihis, kinuha ko ang bag ko saka bumaba. Nasa hapagkainan na silang lahat.
"Oh andyan na pala si Lucy." aniya ni Mama. Napalingon naman agad si Levi at Stefan sakin. Magkatabi sina Levi at Stefan sa kanilang mesa samantalang si mama naman ay nasa kabilang side bali.
Nakita ko naman yung bugkos ng bulaklak na nasa tabi lang ni Levi. Kagat-labi akong tumungo sa hapag at tumabi kay mama.
Magkaharap kami ni Levi. Tiningnan ko sya at nakatitig lang sya sa akin.
Sarap saksakin ng mata nito. Kagigil. Nakipaglaban ako ng tinginan sa kaniya. Kala niya ha di ako papatalo.
Unang bumawi ng tingin si Levi ng biglang tumikhim si Mama sa tabi ko. Kinuha niya yung bulaklak sa tabi niya at iniabot iyon sa akin.
"Para sayo," wika niya.
"Bakit?" hindi ko yun kinuha bagkus ay tinaasan ko pa sya ng kilay.
"Kasi gusto kong manligaw." Nagulat ako saa sinabi niya kaya sinipa ko yung paa nya sa ilalim ng lamesa. Napakapranka ng dila nito.
"Aray! kung kinikilig ka dyan wag ka ngang manipa." agad akong napatingin sa gawi ni stefan saka ni mama na lihim napapangiti.
Sinamaan ko ng tingin si Levi at ngiti lamang ang itinugon niya sa akin na nagpatibok ng mabilis sa puso ko. Juiceko! Anong puso ba toh?
BINABASA MO ANG
Tamed by the Beauty - Teacher Series 1 (On-going)
RomanceLucine always dreamt of becoming a teacher and build her own school for the less fortunate for she have seen in her younger years how hard it is to be an illiterate. Focusing unto one goal she doesn't have any intimate relationship with any man but...