PROLOGUE

696 20 6
                                    

 TAMED BY THE BEAUTY (Teacher Series 1)

     "Finally graduate na tayo its been four hell years." nakangiting saad ni Alkina sa amin.

     "Buti na lang di ako pumangit dahil sa stress na binigay nito sakin. Ansakit sa bangs." pabirong tugon naman ni Elara.

      Tiningnan ko ang diploma na nasa kamay ko bilang palatandaan na nakapagtapos at kinaya ko ang lahat. Ito ang ebidensya na na lahat makakaya mong abutin basta may sipag ka lang at tiyaga.

     I graduated as a Valedictorian in our batch. I'm beyond blessed sa lahat lahat. Sa umpisa sobrang hirap talaga, walang madali trust me.

    Lahat kailangan mong pagsikapan. Sa huli magiging worth it yung pagod, pagsasakripisyo at lahat-lahat.

     "Hoy Lucine wag ka na mag emo dyan halika picture tayong tatlo." Agad naman akong lumapit sa kanila at nakipag-picture.

      Pagkatapos naming mag picture ay tiningnan namin ang mga litrato.

     "Ang ganda natin ohh. Sinong mag-aakala na magiging matalik na magkaibigan tayong tatlo?" saad ni Elara.

     "I could still remember that day HAHAHA." wika ko naman at napatingin silang dalawa sa akin.

     Naging magkaibigan kaming tatlo dahil sa isang lalaki. How ironic nag-uunahan pa kami nun sa gym para lang masubaybayan syang nagba-basketball at palakasan kami ng sigaw para sa pagche-cheer.

     The moment malaman namin na may girlfriend si Marco dun kami naging malapit at nasabi namin kung gaano pala kami katanga dati.

     Napatawa na lang kaming tatlo sa katangahan namin dati.

    "Wag na nating balikan yun HAHAHHA mag celebrate na lang tayo. Libre ko." Pag-aaya ni Alkina sa amin.

    Agad naman kaming napangiti ni Elara at hinila si Alkina sa labas patungo sa paborito naming kainan.

      Ng makarating kami sa fishballan tiningnan ko ang mga nakangiti nilang mga mukha habang pumipili ng kakainin. I'm so lucky to have a friend like them.

     "Lucine eto oh ako na nagtuhog nakakahiya naman sayo." pabalang na sabi ni Alkina.

     "HAHAHAHA salamat alky." habang kinakain ko ang kwek-kwek ko ay napagawi ang tingin ko sa isang restaurant. Makikita lamang dito sa labas ang mga taong kumakain doon kasi see through lang yung glass.

      Napatingin naman ako sa isang lalaki na may kausap na isang matandang lalaki. Base sa mga suot nila mukha silang yayamanin. Naka black tuxedo and leather shoes. Naka undercut style naman yung buhok ng matanda samantalang naka surfer hair yung style ng buhok nung medyo bata bata.

     Hindi ko alam kung ilang minuto Kong tinitigan yung lalaki na bata-bata. Di ko madedeny na hindi sya gwapo kasi te sobrang gwapo. The way na ibuka nya yung bibig nya habang nagsasalita tas makikita mo yung adams apple nya na bumababa-baba.

      Napatigil ako sa pagkain ng kwek-kwek ko ng biglang napadako ang tingin nya sa akin. Agad nanlaki ang mga mata ko at dali daling napaiwas ng tingin.

      Hala y*wa nakakahiya yun. Tiningnan ko uli yung lalaki at mas lalong nanlaki ang mga mata ko ng silang dalawa na ang nakatingin sa akin. Dali-dali akong pumagitna kina Elara at Alkina para makapagtago. Shemay.

     "Anong ginagawa mo dyan woi?" tanong sa akin ni Elara.

    "W-wala lang g-gusto ko pang kumain eh." umasta ako na parang wala lang tsaka kumuha ng tatlong kwek-kwek uli pero sa loob-loob ko binubundol ako ng hiya at kaba.

     Hindi ko alam na sa pagtitinginang yun, dun pala magsisimula ang lahat, ang lahat na babago sa buong pagkatao ko.

______________________________________

     Good day moonlights. Please stay with me until the end 🥺.

Don't forget to VOTE or COMMENT. It will be highly appreciated by me. Thank you so much ❤️

     

    

Tamed by the Beauty - Teacher Series 1 (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon