"Lucine gumising ka. Andito na si Levi" tawag sakin ni mama. Kinurot niya pa ang bandang hita ko para tuluyan akong magising."Aray ko naman ma. Ang sakit kaya ng kurot mo" reklamo ko habang hinihimas yung parte kung saan niya ako kinurot.
"Kanina pa ako katok ng katok di ka naman nagigising. Tulog mantika ka kasi. Oh siya bumangon ka na diyan at puntahan mo si Levi nasa baba" aniya.
Bago pa siya lumabas ng silid ko ay binigyan niya ako ng isang makahulugang tingin na para sinasabi na 'bilisan mo'
Inaantok pa man din ako. Bat kasi ang aga aga pumunta ng lalaking yun dito? Andami pang oras eh. Nasira tuloy tulog ko.
Naligo na lang ako ng mabilisan mga 10 minutes lang ata yung inilaan ko para maligo. Nagsuot ako ng white tee croptop at saka jeans and ni ponytail ko na lang yung buhok ko. I also put some light make-up na babagay sa pagmumukha ko. After I am satisfied with my look bumaba na ako.
"Anong ginagawa mo dito?" bungad kong tanong pagkababa ko sa hagdan.
"Remember this is the opening of your school" pagpapaalala niya.
Bigla kong natampal ang noo ko. Nakalimutan ko ngayon pala formally bubuksan sa public yung naitayong paaralan ko. This past few days nagiging malilimutin na ako. Konting impormasyon lang nakakalimutan ko na agad.
"Sheez nakalimutan ko pala. I'm sorry" paghingi ko ng paumanhin "Okay naman na siguro itong suot ko noh? Mukha naman siguro akong tao tingnan" lumayo ako ng kaunti para makita niya yung kabuuan ng damit na isinuot ko.
Tiningnan ako ni Levi mula ulo hanggang paa "Okay lang tao ka pa din"
Nagitla ang mga linya sa noo ko dahil sa naging komento niya "Ang sama mo. Wala man lang compliment like ang ganda mo Lucine o di kaya bagay na bagay sayo lu-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla niyang hawakan ang bewang ko at sinakop ang mga labi ko.
Geez this man is really something! Kalma Lucine tandaan mo iyong sinabi niya sa'yo noon, na bawal kang mahulog sa kaniya. Di ko pa din makakalimutan ang araw na yun. Dalawang buwan na ang nakakalipas pero sariwang-sariwa pa din sa ala-ala ko ang mga sinabi niya.
"You should not fall for me besides you should know that our relationship just happened because of... a deal nothing more, nothing less"
I felt all my blood boil because of his sentiments. Pilit akong ngumiti sa kaniya at hindi pinahalata na naging apektado ako sa sinabi niya.
"Yung sinabi mo sa'kin before na gusto mo ko, was that a lie?" buong lakas na tanong ko sa kaniya. "Sinabi mo ba yun pampalubag loob sa ginawa mong pagsisinungaling?"
Ilang minuto siyang natahimik bago sumagot "Yes"
Bumagsak ang mga balikat ko pagkatapos marinig ang sinabi niya. How foolish of me to think na baka gusto niya din ako.
"So all the care you have shown were all fake" mahina akong natawa Nakita kong nagulat siya saglit pero agad iyong nawala
"It's really good na pinaalala mo ang bagay na yun" dagdag ko pa.
After that confrontation nagbigay ako ng gap saming dalawa. Kada mag-uusap kami ay pinipigilan ko ang sarili ko at laging pinapaalala ako mga sinabi niya but these past two months nagiging clingy siya at mas nagiging sweet even when we were alone or kahit kasama namin si mama at mga kaibigan namin kaya minsan di ko mapigilan na paghinalaan ang bawat mga galaw niya towards to me dahil ibang-iba yung pinapakita niya sa mga sinasabi niya.
"Ehem respeto naman sa single."
"May kwarto dun kayo maglaplapan"
"Pinamumukha lagi satin ng dalawang toh na single tayo eh"
BINABASA MO ANG
Tamed by the Beauty - Teacher Series 1 (On-going)
RomanceLucine always dreamt of becoming a teacher and build her own school for the less fortunate for she have seen in her younger years how hard it is to be an illiterate. Focusing unto one goal she doesn't have any intimate relationship with any man but...