CHAPTER 12

103 5 0
                                    

"Anak halika ka dito," Tawag ng isang babae sa kaniyang ina. Pa linga-linga sya sa paligid at hinahanap ang kaniyang ina.

"Wag nyong sasaktan ang anak ko, ako na lang." pagmamakaawa ng isang lalaki sa taong naka uniporme.

"Lahat kayo maubos ngayon Jason. Uubusin ko ang lahi nyo." nakangising saad ng isang lalaki.

"Nagmamakaawa ako sayo Lance wag mong idamay ang anak ko wala syang kasalanan. Ako, ako ang may kasalanan pakiusap wag nyong idamay ang mga tao dito." buong pagmamakaawa ng babae.

"Hayop ka Jason, walang kasalanan ang mga tao dito." Pilit bumabangon ang isang lalaki para sana sugurin ang naka-unipormeng sundalo ngunit bigo sya sapagkat nakahawak sa kaniyang balikat ang dalawa pang mga sundalo.

"Kasalanan ng isa, kasalanan ng lahat." Agad itinutok ng sundalo ang kaniyang baril sa lalaki at pinaputukan sya sa ulo.

"Lanceee wagg please." pero huli na ang kaniyang pagsusumamo dahil wala na ang kaniyang asawa at ito ay naliligo na sa kaniyang sariling dugo. "Hayop ka Lance. Napakahayop mo."

Lumuhod at pumantay ang lalaking sundalo sa babae at hinawakan ang kaniyang panga

"Wag kang mag-alala makakasama mo na ang asawa mo at sisiguraduhin kong mahahanap ko ang anak mo para magkakasama na kayo at mabuo ang one happy family nyo." hindi na niya hinayaan na makapagsalita ang babae at agad nyang pinutok ang baril sa puso ng babae.

"Mama? Mama, asan ka mama?" tawag ng isang batang musmos sa kaniyang una habang hawak hawak ang kaniyang manikang laruan.

Agad na may lumapit na isang sundalo sa kaniya habang hawak hawak sa kaniyang isang kamay ang napakahabang baril. Lumuhod ito sa harapan ng bata saka ngumiti.

"Okay ka lang ba iha?" tanong nito at agad namang tumango ang bata.

"Opo hinahanap ko lang po ang mama ko." inosenteng wika ng bata.

"Sge tumalikod ka iha. Pagkatikod mo makikita mo na ang iyong mama." nakangiti namang tumalikod ng walang pag-aalinlangan ang bata.

Agad na itinutok ng sundalo ang kaniyang baril sa ulo ng bata.

Agad ako napadilat at hahawakan sana ang bandang dibdib ko pero hindi ko maigalaw ang mga kamay ko. Anong nangyari?

Mas lalo pang lumalawak ang panaginip ko. Padami ng padami ang ipinapakita. Gusto kong malaman kung bakit? Bakit ako nagkakaroon ng panaginip na ganun? Pero hindi ko alam kung saan ako magsisimulang hanapin ang mga sagot sa tanong ko.

Inilibot ko ang aking paningin at puro puti lang ang tangi kong nakikita. Nakita ko sina Elara at Alkina na natutulog sa may upuan at ngayon ko lang napansin na may nakahawak pala ng kamay ko. Sino toh?

Pilit kong ginalaw ang mga kamay ko kahit nahihirapan ako. Ilang segundo ay nagising sya agad. Napataas ang kilay ko ng mapagtanto kung sino ito.

Nanlaki ang mga mata nyang napatingin sa akin at agad pinindot ang kung ano man yun sa gilid ng higaan ko.

"Doc, Room 8 gising na yung pasyente dalian nyo." pagkatapos nyang sabihin yun, nagising sila Elara at Alkina at dali-dali akong dinaluhan.

"Lucy, kamusta ka? Ayos ka lang ba?"

"May masakit ba sayo? San banda? Sabihin mo samin," pag-alalang tanong nilang dalawa sa akin. Gusto ko mang sumagot pero hindi ako makapagsalita.

Patuloy lang nila akong tinatanong ng kung ano-ano pero ni isa dun wala akong naisagot hanggang dumating ang isang Doktor na may kasamang mga nurse at may dala-dalang kung ano-ano.

Tamed by the Beauty - Teacher Series 1 (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon