CHAPTER 49

136 1 0
                                    


Tulala kaming tatlo na para bang may kaniya-kaniya kaming mundong binubuo sa aming mga isipan.

Hindi ako makapaniwala sa natuklasan ko at magkagayon man din sina Levi at Stephan.

"T-totoo ba yang video? Hindi ba yan finabricate lang?" pagbasag ni Stephan sa gitna ng aming katahimikan.

Ayaw ko ding maniwala. Ilang ulit niya pang pinlay yung video.

"I-impossibleng magawa niya yan. Oo may mga pagkukulang siya bilang ama p-pero hindi niya magagawa! Hindi niya magagawang pumatay!" saad niya na siyang nakapagpainit ng ulo ko.

I looked at him coldly "Anong motibo sa tingin mo ang meron sila para lang i-edit yung video?"

"H-hindi ko alam! S-siguro para siraan?" sagot niya while his eyes is still fixated to the man in the video.

"Seryoso ka!? Bat nila gagawin yun?" galit na tanong ko sa kaniya.

"Kasi ayun sayo sinira ni Dad ang buhay ng totoo mong ina dati diba? Siguro ayan yung ginawa nila para makapaghiganti kay Dad" sagot niya.

Nanlilisik ang mga mata ng humarap ako sa kaniya. Kahit sumasakit pa ang ibang parte ng katawan ko ay pinilit kong lumapit sa kaniya. Galit ko siyang nilapitan at kinenwelyuhan.

Mukhang nagulat ata siya sa naging aksyon dahil kitang-kita ko sa mga mata niya ang panlalaki.

"Gusto mo mag imbita tayo ng mga propesyonal ngayon para ipatingin kung edited ba yung video o hindi?" panghahamon ko sa kaniya. "Yung tatay mo na nga ang sumira sa buhay namin ikaw pa ang may ganang mambintang sa'min na sinisiraan lang namin siya?"

"Lucine." tawag ni Levi sa pangalan ko. Tumayo siya at hinawakan ang kamay kong nakahawak sa kwelyuhan ni Stefan at unti-unti iyong tinanggal "Tama na yan. Huminahon ka muna. Huminahon kayong dalawa. Hindi ito ang oras para mag-away kayo."

"H-hindi ko ito matatanggap tol. Hindi magagawa ni dad yan. P-paano?" iiling-iling na sambit ni Stefan "AHHHH!" bigla siyang napaupo sa sahig at napasabunot sa buhok niya. Kita ko din ang pagtakas ng mga luha sa kaniyang mata.

Kung nasasaktan siya ngayon, mas nasasaktan ako sa nalaman ko! Imagine nakaharap ko na pala yung taong pumatay sa totoo kong mga magulang? And worst sa ama pala siya ng kaibigan ko!

"Hindi. Paano mo iyon nagawa dad?" hagulhol niya. Mukhang hindi na din nakatiis si Levi, nilapitan niya ito at tinapik sa balikat.

"Stefan bili muna tayo Gatorade gusto mo?" suhestiyon ni Levi na ikinagulat ko. Seryoso ba siya?

Sasawayin ko na sana siya ng biglang tunayo si Stefan at naunang lumabas sa pinto ng walang sinasabi kahit ano.

Levi then turned to me. Lumapit siya sa'kin "Bibilhan ko muna si Stefan ng Gatorade Lucine ah. I'll leave you here for a minute" paalam niya.

I looked at him dumbfounded "Bakit mo siya bibilhan ng Gatorade? I mean b-"

"It's his favorite drink. Pag stress siya lagi siyang nagpapabili sakin niyan kaya bibilhan ko muna siya. May gusto ka din bang ipabili?" masuyong tanong niya sa'kin.

Umiling ako sa kaniya "Hindi na. Go samahan mo muna si Stefan. He needs you." pagtataboy ko. Stefan needs him right now. Alam kong mabigat ang loob niya ngayon dahil sa nalaman niya. Kahit naman siguro ako, knowing that my father is a killer and killed a lot of people heck! Mababaliw ata ako.

"I'll be back kapag napakalma ko na siya. You also need to rest." I nodded my head in response to him.

"Pagbalik mo gusto kong makita si Papa."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tamed by the Beauty - Teacher Series 1 (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon