CHAPTER 47

44 1 0
                                    

╭┉┈•◦ೋ•◦❥•◦ೋ◦ೋ•◦❥•◦ೋ◦•┅┄╮

"Ma? Pa?" masayang tanong ko ng makita sina mama at papa na nakangiti sa aking direksyon.

They extended their hands na para bang humihingi ng yakap sa akin. Unti-unti kong inilakad ang mga paa ko papunta sa kanila. Ang ekspresyon ng kanilang mga mukha ay hindi nagbago.

Nang tuluyan akong makarating sa kanila, niyakap ko sila ng mahigpit.

"Mama miss na miss na po kita." pag-amin ko na parang isang bata na iniwanan ng kaniyang nanay at ngayon lang uli nakita.

Hinaplos ni mama ang ulo ko "Miss ko na din ang pangalawang princesa namin"

Tumingin ako sa kaniya ng may pangungusap ang mga mata "Hindi ka na po ba galit sa akin? Ma sorry kung naging matigas ako dati. Kung siguro nakinig ako sayo at sumama baka sakaling buhay ka pa nga—"

"Sshh wag mong sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalanan." malumanay na sagot niya.

"Lucine may ipapakilala kami sa'yo" singit ni Papa. Nakakunot-noong napatingin ako sa kaniya. Anong ginagawa niya dito? Bakit andito siya?

"Sino po Pa? At saka nasaan po ba ako? Bakit andito ka?"

Imbes na sagutin ngumiti siya at tumingin sa aking likuran. Sinundan ko kung saan siya nakatingin at nakita ko ang dalawang tao na papunta sa direksyon ko.

H-hindi ako pwedeng magkamali. Sila yung nasa larawang nakita ko dati!

"Anak," pagtawag niya sa akin.

Nakanganga lang ako sa kaniyang harapan, hindi alam kung ano ang ikikilos o sasabihin sa kaniya.

Hinawakan ni Mama ang mga balikat ko "Sila ang mga tunay mong mga magulang Lucine." bulong niya sa aking tenga.

Napalunok ako ng ilang beses bago hinakbang ang mga paa papunta sa kanila.

"Kasing-ganda mo ang anak natin Karissa" puri ng lalaking katabi ng nagngangalang Karissa.

"Camille anak ko" matapos niyang sabihin ang pangalang iyon, itinapon ko ang aking sarili sa mga bisig niya.

"I-ina" hagulhol ko sa pagitan ng aking pagkakayakap sa kaniya.

"Kay tagal kong inaasam-asam ang pagkakataong mayakap kang muli Camille. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon" maligayang saad ni Ina habang nakayakap sa akin at patuloy na hinahaplos ang aking buhok.

Ganito pala ang pakiramdam na yakapin ka ng tunay mong mga magulang. I feel more complete.

Lumapit si Ama sa amin at pareho niya kaming kinanlong ni Ina sa kaniyang mainit na yakap.

Pareho nila akong binigyan ng halik sa noo. Kaya siguro hilig ko ang halikan ako sa noo kasi dito nila ako madalas na hinahalikan.

"Ina pwede bang manatili ako dito? Dito na lang po ako kasama ninyo at kasama rin nila Mama." Sinulyapan ko uli sila Mama at nginitian.

Hinawakan ni Ina ang aking mukha "Gustuhin man namin na makasama ka pero hindi maaari Camille. Hindi ka pa patay at marami pang mga tao ang nag-aantay sa iyong pagbabalik" sagot ni Ina na siyang ikinalungkot ko.

"Pero ayaw ko na pong bumalik. Gusto ko na po dito kasama ninyong lahat." pagmamatigas ko.

Malungkot na ngumiti sa akin si Ina "Makakasama mo rin kami pero hindi pa sa ngayon anak. Bumalik ka na sa iyong katawan Camille. Naghihintay pa si Levi sa iyong pagbabalik." matapos banggitin ni Ina ang pangalan ni Levi bigla akong nakarinig ng isang paghagulhol.

Tamed by the Beauty - Teacher Series 1 (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon