CHAPTER 19

90 6 0
                                    

Wala pang alas 5 ay natapos na ako sa trabaho ko. Nasulat ko na din ang ibang mga grades ng estudyante ko sa lesson plan at nakapagsulat na ako ng kung anong ituturo ko para bukas.

Nag log-out muna ako sa logbook namin pagkatapos ay lumabas na ng school.

Uupo na sana ako sa may pinakamalapit na bench ng school para antayin si levi ng biglang may sumigaw ng pangalan ko.

"Luccccyyyyyy!" agad akong napalingon sa kinaroroonan ng bosses kasi yung hyper na tinig na yun ay pagmamay-ari lang ng isang babae.

"Hala anong ginagawa nyo dito? Tapos na din ba kayo?" Gulat kong tanong sa kanila. Kung tutuusin ma's matagal matapos yung work nila kasi nasa secondary level nagtuturo si Elara samantalang tertiary naman si Alkina though magkakalapit lang naman ang schools na pinagtatrabahuan namin.

"Yeah tapos na kami, duh kami pa ba?" ani Alkina.

"Hindi na tayo nakakapag-bonding lately kaya nag decide kami ni Alkina na puntahan ka ng sa ganun ay makakain muna tayong tatlo." Tumingin muna sya sa relo niya bago uli tumingin sakin "It's still 4:50 maaga pa kaya madami pa tayong time kumain gutom na din is me."

Bigla akong na excite sa idea na makakapag bonding uli kaming tatlo. Na miss ko ma din tong dalawang to eh. Parang feeling ko taon ko silang hindi nakasama HAAHAH pero bigla kong naalala ang sinabi ni Levi.

"I'll fetch you by 5" susunduin niya pala ako ngayong 5.

"Tara na Lucy dun muna tayo uli kay Mang Nestor." Nagdadalawang-isip ako kung sasama ba ako o hindi but in the end napilit nila akong sumama sa kanila.

Habang palakad kami ay kinuha ko yung calling card ni Levi at nilagay sa contacts ko ang number niya. Hindi ko pa pala na ilalagay ang number niya sa cellphone ko amp!

"Levi, si Lucy to wag mo na muna akong sunduin kasama ko ngayon yung mga kaibigan ko baka matagalan kami." pagkatapos kong isulat yun ay agad ko itong sinend sa kaniya saka sumabay sa paglalakad Nina Alkina at Elara.

"Omg Mang Nestor ang sarap sarap pa din ng kwek-kwek mo di nakakasawang balik-balikan." masayang saad ni Elara habang lumalantak ng kwek-kwek. Pang tatlong refill na niya ata yan.

"HAAHA bolera ka talaga kahit kailan. Masaya ako't mula noon ay sakin padin kayo pa balik-balik ng bili." nakangiting sambit din ni Manong.

"Syempre ito po kinagisnan namin eh." ani Alkina.

"At saka po kahit ilang taon na kayong nagtitinda ay hindi pa din nagbabago ang lasa ng kwek-kwek nyo HAAHAHA." wika ko naman.

Nagtawanan at nakipagkwentuhan lang kaming tatlo kay Mang Ernesto. Nakaka apat na refill na ako ng tigtatalong kwek-kwek.

Di ako mahilig sa mga ganito dito lalo na mga streetfoods kasi may nakita ako dati na nagtitinda ng isaw tas ang daming langaw na nakapaligid sa tinda niya, sino ba naman ang gaganahang bumili knowing na kasangga mo ang mga langaw and mind you madumi yung mga langaw.

Napilit lang talaga ako nina Alkina dati na mag try ng kwek-kwek at nakita ko naman na malinis si Mang Ernesto sa kaniya ng kwek-kwekan. Wala kang makikitang dumi liban na lang sa mga natatapong sauce pero pag wala ng customer ay agaran itong nililinisan ni Mang Ernesto.

Nasa gitna kami ng pag-uusap bg biglang mag ring ang cellphone ko. Kinuha ko ito at lumayo muna saglit kina Elara.

"Hello?" bungad kong bati dito ng hindi tinitingnan kung sino ang caller basta swipe lang ako kasi may dala din akong kwek-kwek sa kamay ko.

"Nasan ka?" sa tono pa lang nito kilalang-kilala ko na kung sino ito.

"Nasa may park kumakain ng kwek-kwek bakit?"

Tamed by the Beauty - Teacher Series 1 (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon