CHAPTER 29

44 2 0
                                    


Dali-dali akong nagpunta sa office para mag log out muna bago lumabas at pumara ng dyip papunta sa kompanya ni Levi. 20 minutes din ang naging biyahe ko. Bumaba ako kaagad sa jeep ng makarating ako. Pagpasok ko sa pa lang ay namataan ko na ang ilang mga empleyado ni Levi na nakaupo sa sulok na tila takot na takot.

Dumiretso ako sa elevator papuntang opisina niya. Walang katok katok akong pumasok tutal nakabukas naman na yung pinto. Naabutan ko si Levi na nakatayo sa upuan niya habang nakayukom ang kaniyang kamao, si Stefan na nakaalalay sa isang babaeng nakaupo. Nang tuluyan akong makalapit sa kanila ay dun ko lang nakilala kung sino yung babaeng nasa sahig.

"Anong nangyayari dito?" kyuryusong tanong ko.

Malamlam akong tinitigan ni Meltem. Puno ng luha at basang-basa ang kaniyang pisngi.

"Si Levi kasi gusto niyang sesantehin si Meltem at yung ibang mga empleyado" sagot ni Stefan.

Tiningnan ko si Stefan. He has this cold stoic aura in his face na tiyak kakikilabutan ng sinuman pag nakita siya but not me.

"Anong nangyayari?" tanong ko sa kaniya.

Hindi niya ako sinagot bagkus ay lumapit siya kila Stefan at hinablot niya si Meltem sa kwelyo nito na para bang isa itong lalaki, pumalhaw naman ng iyak si Meltem at kitang-kita mo sa kaniyang mukha ang pagkatakot. Nanlaki ang mga mata ko sa naging aksyon. Agad akong pumunta sa direksyon ni Levi at hinawakan ang kaniyang braso.

"Levi, ano bang nangyayari? Bitawan mo nga siya" utos ko. Imbes na sagutin ay mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkapit kay Meltem to the point na parang nasasakal "Levi nasasaktan na siya ano ba!" pilit kong hinihigit ang braso niya para mapakawalan niya si Meltem. Stefan on the other side ay yun din ang ginagawa.

"Tutal andito na si Lucine bakit hindi mo sabihin sa kaniya kung ano yung mga pinagkalat mo?" galit na wika ni Levi.

Automatikong napabaling ang tingin ko kay Meltem sa sinabi ni Levi na nakatingin na din sa'kin ngayon. Puno ng pagsusumamo ang kaniyang mata habang nakatingin sa'kin. Hindi ko maiwasang hindi maawa sa kaniya kahit pa galit ako rito dahil sa sinabi niya tungkol sa'kin sa Tita ni Levi.

"I-I'm s-sorry h-hindi ko na uulitin pangako" paghingi niya ng tawad.

"Para saan?" imbes na sagutin ay mas lalo lang siya humahagulhol at naghahabol ng paghinga. Tumingin ako kay Stefan at walang boses na tinanong siya kung ano ba talaga ang nangyayari pero pinadilatan niya lang ako ng mata

"Sh*t Lucine nahihirapan na siyang huminga. Awatin mo si Levi" natatarantang saad ni Stefan.

Mabilis kong hinawakan ang mukha ni Levi at sapilitang pinatingin sa'kin. Galit na galit pa din siya. Hindi ko alam kung ano ang Meltem o ng iba para magalit siya ng ganito.

"Levi tama na yan please baka ano pang mangyari sa kaniya" pagmakakaawa ko. Pinagdikit ko ang mga noo namin at hinalikan ang tungki ng kaniyang ilong "Bitawan mo na siya please."

Bigla niyang binitawan si Meltem dahilan para mapaupo na naman siya sa sahig. Humiwalay siya sa'kin sabay hawak niya ang kamay ko bago bumaling kay Stefan.

"Ilabas mo ang babaeng yan ngayon din  sa sikid na ito bago pa ako makagawa ng isang bagay na pagsisisihan ko at yung iba kanina tell them sinisesante ko na sila" huminto siya saglit at kay Meltem naman siya bumaling "Wag na wag ka ng magpapakita sa'kin mula ngayon you're fired"

Tumalikod siya sabay hila sa'kin patungo sa isang silid. Pagkasarado ng pinto ay kinorner niya ako sa pader at pinagdikit uli yung mga noo namin.

"Did I scare you?" malumanay na tanong niya.

Tamed by the Beauty - Teacher Series 1 (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon