her side chapter 12

2 0 0
                                    

"walanghiya ka! Di ko alam kung anong pinakain mo sa kanya't nabighani mo siya! " anito . Habang nakatayo sa gilid ng lamesa sa tapat ko. Ako ba yun? Ang ganda ko naman?

Puno pa ng luha ang kanyang mga mata. May iilan pang bumabagsak sa sahig.  nanigas ko sandali. Teka wala naman akong inagaw ah?

"teka---"magpapaliwanag ako miss di ako yun.gusto ko yang sabihin pero pinutol niya ang paliwanag ko.

"how could you! Ibalik mo siya sakin!! You bitch!"puno ng galit ang bawat salitang binibitiwan nito. My eyes got wide in fear. 'Kakahiya' bulong ko sa sarili habang tumatagilid.halos isiksik ko ang sarili sa sulok ng upuan. 

Naagaw niya ang atensyon ng bawat kostumer. May iilan pang bumubulong.

Sana di nalang ako nagkape dito! Sana dun nalang ako sa bahay!sana nagtake out nalang ako! Sana di nalang ako nakiupo dito! Sana sana puro nalang sana.

" whore!"

nakakahiya talaga.

 Nanginginig akong kinapa ang cp sa bulsa ng bag.nasa harap ko lang ito at kandong kandong sa hita.

Nasa ere na ngayon ang kamay ng babae? Mananampal na ba siya? O-oh.

Dahan dahan pa itong nag sway sa hangin at mabilis pa sa alas kwatrong dumampi ang mga palad nito sa pisngi.....ko?

Pipikit na sana ako para feel ko ang moment 

*paaaaaaaaaaaaaakk*

di na natuloy ang pagpikit ko ng marinig ang napasakit ng sampal. Umalingawngaw pa sa buong kainan ang tunog nito. Lamang pa sa tunog ng crispy fried chicken. I heard a lot of gasp galing sa ibang kostumer at mga parating palang sa counter. 

Umiiyak na ngayon ang kaharap ko. Nakisit-in lang kasi ako kanina dito.tama may kaharap pala ako. I accidentally tap my forehead. Tama nga naman. Di ako yun,wala naman kasi akong inagaw bagkus ay ako pa nga ang....naaagawan di naman kasi ako maganda. Tumayo na ako sa pagkakaupo nang maramdaman kong magsasabunutan na sila kaya lumabas na ako sa lugar. Minabuti ko nalang ang umuwi baka mainkwintro nanaman ako sa totoong away,mahirap na.

Bumungad sa akin ang malungkot na lugar,kung saan ako nakatira. Hanggang ngayon nagluluksa pa rin sila sa pagkawala ni laine.minsanan nalang ang mga pinsan kong tumawa at maglaro sa labas gaya ng ginagawa nila tuwing maghapon.wala ng kantahan,walang laro,walang musikang maririnig sa paligid. They should move on.

Nakiliti ako sa bandang paa nang makaramdam ako na parang may dumidila dito. Malamig tuloy.

"arf!arf!arf" tahol nito sabay sandal sa paa at pilit inaabot ang manggas ng short. Napaisip naman ako kung saan nangaling ang aso na ito. Pamilyar pa. Imposible naman kasing mapunta dito si

"hatchiko?"

"arf!arf!"oh my gosh.siya nga. Mula ulo hanggang buntot.siyang siya.

"hala ka,bat ka napunta dito hatchiko?naligaw ka ba ulit?!" halos magpanic ako kakahanap ng lalakeng pinag iwanan ko sa kanya but there is no sign of him. Binaling ko ulit ang atensyon sa paanan ko.

"liz?" tawag sa akin .nangagaling ang boses sa likod ko.nilingon ko ito .

"kuya ray(rey) " ngitian ko lang ito. Siya si kuya garry ,pinsan ko.1st cousin to be exact. Mabait yan pero di kami close para mag hug at maglibrehan.kaswal lang na batian ok na.

Binalik ko ang atensyon sa aso .

"nakita mo na pala yan,siya si hatchiko..japanese dog"sabi ni kuya,napatingin ako sa kanya ng wala sa oras matapos niyang sabihin iyon.nasa harap ko na pala siya. But how did he.... Hindi imposibleng magkakilala sila.

 shall know HER sideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon