nandito ako ngayon sa meeting place ayon sa sinabi niya. Para akong isat kalahating bangag dahil sa laki ng eyebags ko dahil di ako makatulog ng maayos kagabi .wala kasi akong mapaglabasan ng hinaing ko.pero isang misteryo sa akin kung bakit nadala ko ang diary sa playground dahil sa pagkakatanda ko sa pinakailalim ng durabox ko iyon nilagay.
Mag fo-four na ah.bat wala pa din siya?tsk!naniniwala ata yun sa pilipino time.hunghang talaga.di talaga ako mapakali kanina pa.yung feeling na kahit pag ring ng cp ay inaabangan ko pero kakainis gm lang pala.di talaga ako makapag-isip ng maayos baka kasi binasa niya yon kagabi pa o kayay kaninang umaga,sa dami ba naman ng oras ,pupwede niya iyong mabasa kahit na anong oras pa na naisin niya.ayoko lang talaga ng kahihiyan.
Biglang may humintong sasakyan sa gilid ko pero sandali ko lang iyong tinignan at itinuon ang atensyon sa bulsa. Nakita ko namang may bumaba doon mula sa aking pheripheral vision. Nakaputi itong 3/4 saka naka short na red pinaresan ito ng tsinelas.Tsinelas?! De joke. Wow nag joke daw ako.ha-ha
Seryoso pinaresan ito ng converse shoes na color black.he looks so cool Dahil na din sa angking tangkad nito at kaputian.nahiya naman ako sa suot kong plain black t-shirt at short na red na pinaresan ng sandal na may laso laso.
Back to the business.inalis ko na talaga ang paningin ko doon.
*daleng---*
ay peste!muntik ko pang mahulog ang cp ko sa gulat buti at nasalo ko pa.may crack na nga sa screen nito madadagdagan pa. Halos tense din ako sa pag pindot ng 'answer' nanginginig pa ako.daig ko pa ang nakikipag aybol o kayay nakakita ng multo sa reaksyon ko pati na sa hitsura ko.kahit na.makuha ko lang si baby diary.
"h-hello?"wew
"ikaw ba yang naka plain black t-shirt?"omygutom!halata ba sa kilos ko
"o-oo.asan ka? Asan na ang baby ko?!".biglang sigaw ko nang maalala ko ang pakay ko.napahiya naman ako dahil madaming tumitingin sa akin.
"relax.di ko naman binasa." napahinga naman ako
"'san ka ngayon? Akin na siya pwede?ayoko na ng lokohan.gusto ko ng umuwi"
"so..morena ka pala.di naman ako nakikipag lokohan."sabi sa kabilang linya
"asan ka?.at oo morena ako.ako na nga yun at walang iba."nababagot kong sagot.ang tagal sumagot eh
"sa likod mo.wearing white shirt na 3/4".dahan dahan akong tumingin doon.luminga pa ako sa kaliwa at kanan para masiguro kung siya ba.
"asan.?"
"sa harap mo.di mo ba ako nakikita?".luminga ulit ako.lagpas lagpas ang tingin ko sa lalaki na nakasandal sa kotse .yung lalaki kanina.
"sure ka ikaw yan?."paglilinaw ko.
Malay ko ba.baka prank yan.baka pinagloloko lang ako nito.baka di siya yun at gusto lang akong palapitin dun para mapahiya ako.ayoko pa namang mapahiya.pero nakikita ko namang may kausap din ito sa cp niya.baka nga. Baka baka puro ka baka.
"want a proof?" at inilabas nito ang diary ko sabay harap sakin at ngumiti.
BINABASA MO ANG
shall know HER side
Romanceayan nanaman siya. nagkukulong sa bahay. nagtatago sa kwarto, sa kanyang madilim at tahimik na silid. seryoso itong nagsusulat sa isang pirasong oslo paper gmit ang blact oil pastel bilang pansulat. ganto siya tuwing depress o kaya y masaya. nakugal...