Untitled Part 1

3 0 0
                                    

Continuation----

lumalakas na ang alon ng tubig dagat at unti-unti na pala itong lumalalim . Pero di lang pala ako mag-isa na naroon , kasa kasama ko pala kanina pa ang pinsan kong si zel.  laking pasalamat ko at nakapitan ko siya nang mapadausdos ako pailalim. Kung wala siya baka nalunod na ako 

para akong abnormal na nakangiti habang umaahon sa tubig. Napapikit ako nang marandaman ko ang paglapat nang aking likod sa buhanginan.

"pinakaba mo ako ate liz! Akala ko mamamatay na ako sa lakas ng hampas ng alon, may na stuck pa ngang tubig sa kaliwang tenga ko oh " aniya habang tinataktak ang ulo para mailabas ang tubig na napasok sa taenga.

Tumawa nalang ako sabay sagot nang " akala ko din eh.. Mabuti't andun ka , salamat " sinabi ko iyon nang may sensiridad . Di pa din napawi ang ngiti sa aking mga labi .  

ibinalik ko ang tingin ko sa nagkukulay lilang langit

pumikit ako sabay bulong,

"sana.... Maging extra-ordinary ang buhay ko.."

her side chapter 2

humarang siya sakin na may nagtatanong na mga mata. Alam kong gusto niya akong tanungin kaya bago paman bumukas ang kanyang bibig dumerecho na ako palabas.

"alis na po ako......ma" sabay tahak sa may tulayan. May kanal kasi sa harap nang bahal namin kaya kailangan lagyan ng tulay kahit yari sa kahoy. Mapapansing dadala nalang ang natirang kahoy sa nakalagay doon, marahil ay kagagawan ito ng baha nung nakaraan. Bago makarating sa parke madaanan ko muna ang vendor's side at mga naglalakihang establishments.

Napatigil ako sa isang restaurant, napatitig ako sa aking repleksyon sa glass window.

Ilang gabi na nga ba akong puyat?

Hinawakan ko nang marahan ang ilalim ng aking mata.. Wala na talagang pag-asa . Nangingitim na ito. Halos masakop na nga nito ang kabuoan nang aking mata. Mukha na akong bulldog.psh

Ganto na ba talaga kahalata na di ako nakakatulog ng mahimbing tuwing gabi?

Napatigil naman ako sa pagtitig at nakaramdam ng hiya, nakalimutan kong may nanonood pala sa loob. Siguro iniisip nila na naiinggit ako o kaya'y nagugutom, Base sa reaksyon nila.di ko naman masisi kung ganto kadaling mag conclude ang mga tao.

Minabuti ko nalang ang yumuko at binilisang maglalakad.dali-dali akong tumawid sa kalsada na katapat ng restaurant kanina.

Di ko naman sinadyang bumilis ang tibok ang tibok ng puso kot mapatigil muli. Nagdadalawang isip pa ako kung dadaan ako o hindi sa tapat nang pinagtatrabahuan ko noon. 'gaga! Paano mo mararating ang parke kung aarte ka'

huminga ako ng malalim at tinignan ang sign katabi ng building

 'victoria's grill & restaurant'. 

Mahigpit kong hinawakan ang sketchbook saka pinagpatuloy ang paglalakad. Di pa din nawawala ang bilis ng tibok ng puso ko. Gusto kong huminahon. Huminga ako ng malalim at dumaan ng walang lingon lingon.

'this is how it should be.

This is what you've got for leaving me'

alam ko namang parang abnormal pakinggan na mahal at galit ako sa kanya. How can you be angry and love a person at the same time? Wierd na nga ako kung tawagin nila baliw pa.is that my biggest asset? Kasi kung babayaran man ako sa bawat pagpapakatanga ko sa kanya siguro inuulan na ako ng pera ngayon. Sobra ang pagpapakatanga ko sa kanya kaya ngayon di ko pa din matanggap kung bakit niya ako hiniwalayan. Christofer.ang tanga mo. Isang linggo na nga rin ang lumipas nang hiniwalayan niya dahil lang sa isang mababaw na dahilan . Wala na daw'ng 'sparks'

sino ba ang nagpauso nang sparks sa isang relasyon? Parang kakahapon lang sinabi niyang mahal niya ako pagkatapos kinaumaga hiwalayan agad?

Sayang ngat ipapakilala ko sana siya sa mga magulang sa aking debu. Pero tinamaan nga ako nang malas at nangyari yun.iniwan ko pa naman ang trabaho ko para maging official ang relationship namin.tuwing nag aaway pa kami gagastos pa ako nang chocolate para sa kanya. Sayang lang ang effort ko sa pagpapatibay nang relasyon namin.how stupid of me. Nasayang lang ang lahat nang sinakripisyo ko.

Bahagya akong nanigas nang may maalala ako..

Napatigil na pala ako nang di napapansin. Parati nalang

napatingin ako sa pintuan na yari sa salamin sa dati kong pinagtatrabahuan ..

Nanginig ako. Aatras ba ako?pipikit?ano ang gagawin ko? Ramdam ko ang lamig na bumalot sa aking katawan

paanong....

 shall know HER sideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon