nakaupo ako sa gitnang bahagi ng mga naka arrange na upuan. Nakahalumbaba lang ako at maingat na iniiwasan ang bawat titig nila.kinukurot ko ang mga daliri ko,nagbabakasakaling mawala ang atensyon ko sa kanila at mabaling sa kirot ng kamay. Pero hindi iyon nakatulong.
Base sa suot ko
naka uniporme ako sa hayskul,halatang di pa naplantsa dahil gusot pa. Nakapaa lang ako.
Pagka nasa loob na kasi ng klase required ang magdala ng tsinelas para di madumihan ang inyong mga paa.
"hmmmp! Ang baho!"
"oo nga ang baho"
"sh*t anjan nanaman ang angat dam"
"yuck!"
alam ko. Ako ang pinariringgan nila tuwing alas 3. Tuwing ganyang pras kasi binabaling nila sa akin ang lahat ng atensyon nila. Nakakahiya. Naiiyak ako sa di malamang dahilan.
Alam kong ako ang pinagbubuntungan nila ngayon..
"LIZA!"
nabalik ako sa reyalidad. Andito lang pala ako sa palawan pawnshop. Hinihingal kong tinitigan si liezel,ang pinsan ko. Wala sa sarili akong napasapo sa sariling dibdib. Pinipilit kong pakalmahin ang sarili.
Andito pala kami ngayon para kunin ang padala ng kanyang nakakatandang kapatid na babae na nakadistino sa davao.inilibot ko ang aking paningin sa kabuoan ng lugar.nakatingin sila sa akin nang may pagtatakang ekspresyon kaya napayuko ako. 'not again'
akala ko totoo na yung kanina.kinabahan talaga ako ng todo.sobrang trauma ang nakuha ko nang makatuntong ako sa hayskul.kaya ni isang salita di ako nag uungkat sa mga araw kong ginugol roon.
nakakalungkot
nakaka awang araw
nakakatakot
kaya di ko makalimutan..sino ba namang hindi?
"ate tapos na" sabi nito nang nakarating sa aking harap. Hawak na nito ang sobreng pinagsidlan ng pera.tumayo na ako saka nagsimulang maglakad.
"anong nangyari sayo kanina ate? Bigla ka nalang natigilan nang may mga estudyanteng nag aasaran. Anyare?" may halong pag aalala ang kanyang boses na sinabayan pa ng siko. Ngumiti ako ng matamis. nag dadalawang isip ako kung ikwekwento ko ba sa kanya ang nangyari pero pinipigilan ako ng kaloob looban ko. Baka sa isang salita ko lang mag-iba ang pagtingin niya sa akin.
Liezel live on envying me and my useless potential. May halong pagsasamba ang kanyang sinasabi habang ipinagmamalaki ako sa kanyang mga kaibigan. Ayokong mag-iba ang kanyang expectation sa akin. Sabi pa niya isa ako sa inspirasyon niya simula palang,mula sa larangan ng paguhit,sayaw at kanta. Gusto niyang maging ako.dahil din daw sa matalino ako. Agad akong nahiya nang maisip iyon.
Pawang panlabas na pakita lamang ang nadediskobrehan niya sa akin. Dahil ang totoo hindi ako ganun. Sasali palang sa paligsaha'y halos maduwal ako sa kakaba. She does'nt understand at all. Bumukas ang aking bibig para sagutin ang kanyang tanong ngunit natigilan ako nang magreklamo siya
"ang iniiiiiit!" anito habang abala sa pag takip ng mukha mula sa sinag ng araw.
Kaya napagpasyahan naming magmadali dahil sa init ng panahon.
Nang makarating sa bahay inilabas ko ang biniling ointment sa bulsa. Umupo ako sa upuang yari sa plastik saka ni fold ang paa para makita ng malapitan ang peklat. Eto yung peklat na nakuha ko ilang linggo na ang nakakalipas. Kumusta na kaya si hatchi?
Tumitig ako sa bubong ng bahay. Ilang araw na akong tambay sa bahay. Nagdadalawang isip talaga ako kung kukunin ko ba yung trabaho bilang saleslady.medyo nagkalaman na kasi---oo na.tumataba na ako kasi dahil sa walang trabahong ginagawa.ilang linggo na din yun kung tutuusin.ang tagal na at isa pa baka naman wala na silang hiring.

BINABASA MO ANG
shall know HER side
Romanceayan nanaman siya. nagkukulong sa bahay. nagtatago sa kwarto, sa kanyang madilim at tahimik na silid. seryoso itong nagsusulat sa isang pirasong oslo paper gmit ang blact oil pastel bilang pansulat. ganto siya tuwing depress o kaya y masaya. nakugal...