Her side chapter 7

10 0 0
                                    

mukhang pagkatalo ang meron ako ngayon nang makahiga ako sa sarili kong kama.

pano ko ba sasabihin.

well matapos niyang ipakita sa akin ang diary ko agad naman akong lumapit sa kanya.wala talaga akong hiya lalo nat alam kong akin iyon at pag mamay-ari ko iyon.hinarang niya naman ako gamit ang kamay niya sa noo ko. Pilit kong inaabot ang diary ko sa taas.the more na inaabot ko the more na itinataas niya.edi siya na matangkad. Ano ba gusto niyang ipalabas?

"ano ba! Akin na siya! Ibigay mo na para tapos na tayo! "sabi ko habang pilit na lumalapit sa kanya.hawak niya ang braso ko gamit ang free hand niya.di na siya nag abalang sagutin ako.tignan mo to?! Napaka walang modo.antipatiko. Ganto ba siya sa mga babae? Akala ko ba nagkaliwanagan na kami na ibibigay niya ngayon ang baby ko? Walang labis walang kulang.di ba siya marunong tumupad sa usapan?wala ba siyang balak na ibalik ang pagmamay-ari ko?talaga bang ipagnuknukan niya sakin na 5" lang ang height ko.?talaga bang ...tama na ang drama ko na.

"hahaha.." tignan mo at tinawanan pa ako? Ano kami close?wew sya huh. Ifze matz(fc much) 

Dahil sa pag pupumiglas ko di sinasadyang nahawakan niya ang malapit na parte ng katawan ko.

 Ang dibdib ko.

Naiimagine kong napa face palm ako sa nangyari.wala na talaga akong maisip na paraan.kaya tumalikod ako nag isip ng way.alam kong may nakakita nun kaya nang may naisip akong paraan bigla akong tinubuan ng topak.akala niya huh. Yumuko ako at tinabunan ang mukha ko gamit ang aking mga palad. Sinadya kong umungol na parang pinipigilang umiyak dahil sa totoo'y pinipilit ko talagang umiyak para maging kapani paniwala.tuma taas baba pa ang aking mga balikat. Pansin ko naman na may nanonood sa amin. Para di ako mapahiya,dapat siya ang mapapahiya. 

Nang maramdam kong may luha na ang mata ko mas nilakasan ko pa ang ungol ko.

"p-pasensya na.di ko naman sinasadyang mahawak---".mas nilakasan ko pa ito. Kompletuhin mo lang ang mga salitang yan mapapatay talaga kita.

"uy..tahan na...ibibigay ko naman talaga to eh"sabi pa niya.tumigil naman ako sa pag-iyak

"talaga?".may singhot ko pang tanong.

"ah oo. . . "nag-aalangan niya pang sabi.ang sabihin mo di mo na yun gustong ibalik. Humarap na ako sa kanya.siguradong namumula na ngayon ang mata ko kakapilit umiyak.

"akin na.."sabi ko pa. Nagdadalawang isip pa siya kung ibibigay ba o hindi.sa huli binigay niya naman. 

"mwahahahahahahahahah! I miss you beybe! " natutuwa ko pang sabi saka hinalikan ang diary ko pagkatalikod.

"nag aacting kalang pala?!  tch." naiinis itong Tumalikod at walang ano ano'y pumasok na sa kotse niya.pero bago paman makapasok may sinabi pa itong di ko talaga inaasahan..

"nakalimutan kong sabihin sayo..pasensya ulit kasi nabasa ko ang diary mo.LAHAT ng laman.di ko mapigilan eh"saka sinarado ang window at humarurot paalis.walang malay kong nabitiwan ang diary ko

ni Walang halong sensiridad ang pagsabi niyang iyon.nagulantang ang sistema ko.gago talaga !akala ko ako na ang nagwagi.bigla ba namang nag walk out di tuloy ako naka bwelo.

Inis kong dinampot ang diary ko saka tumalikod.may nakita naman akong bato sa gilid .dahil sa inis sinipa ko ito. Napatalon naman ako sa sakit.ang malas ko talaga sa araw na to.

kinagabihan,tumawag siya sakin ng mga 3 beses pero di na ako nag abalang sagutin pa ang tawag niya. Alam ko namang mawawala lang ako sa sarili pag kausap ko siya.as if din may unfinish business pa ako sa kanya. At AS IF din close kami .ni di ko nga alam pangalan niya eh.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang tumigil na ito sa kakatawag.pero kumunot naman ang noo ko nang mag vibrate ito.

Bzzzzzzt.

Inis kong inopen ang message. Baka gm nanaman ito.ayoko ng basura sa cp.

+639487******

hi.this is geo.yung lalaki kanina. Bat di mo sinasagot tawag ko?

'So geo pala name niya.nice huh?'

"Abay malay ko sayo.wala akong load".sabi ko pa saka binalik sa study table ang cp.

Bzzzzzzzzzt.

Di ko akalaing magugulat ako sa pagbukas ko sa message na yun.niloadan lang naman ako nung buang na yun.tss desperado

bzzzzzzzzzzzt.

+639487******

di ako desperado dahil lang sa niloadan kita.wala lang ako makausap at mapaglibangan

oh. 

At ito pa ang matindi

+639487******

at isa pa DI AKO BUANG!

Psychic ba to?bat alam niya lahat ng sinabi kong nega sa kanya?.ni register ko naman sa UA10 ang 10 pesos na niload sa akin.srsly?10? Eh talo pa niya ang gipit sa pera eh.ano lang naman ba yung kotse kanina? Disguise?ornament?pero ok na din yung niloadan niya ako para di na'ko mabagot.

To:+639487******

kuripot mow.gipit k b?:D

nagreply naman siya

from:+639487******

nd.

Wow.ang haba naman ng reply niya.natutuwa ako guys ah.sobra.insert sarcasm here.at dahil sa tamad akong magreply 'k' nalang ang nireply ko sa kanya. Pakuripotan kami sa txt.

 shall know HER sideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon