her side chapter 11

5 0 0
                                    

chapter 11

"a..te" nanginginig nitong tawag sa akin.nakaupo lang ito sa labas .mugtong mugto ang mga mata at bakas ang mga pasa nito sa bawat sulok sa katawan.sumosobra na talaga ang mama niya! Ano pang silbi ng pagka police ni uncle al kung di rin naman niya mapag tanggol yung bata.harap harapan na ngang sinasaktan.asan na ang dswd. Parang gusto kong isumbat sa kahit sino ang nangyayari sa kanila. Umupo ako sa tabi niya. Nakapwesto kasi siya sa gilid ng bahay.galing lang ako sa pasyal nang madatnan niya sa labas ng bahay.halatang kanina lang niya ako hinintay.

"ate pakibigay naman to ke mama...pakiusap" naiiyak niyang sabi.awang awa talaga ako sa itsura niya.may black eye pa ito. Marahil ay dahil sa insedente na pagkakabangga ng kapatid nito sa pampasaherong tricycle.hanggang ngayon ba naman sinisisi pa din siya?di naman ganun kalaki kasalanan niya. Mapapatawad na kaya siya sa lagay nyang yan at sa mga tinamo niya?

"ate gusto ko na ..."pumiyok nitong sabi sabay dugtong ng.

"maglayas..." di na nito napigilan ang lungkot saka humagulgol. Nakakaawa siya. Di ba siya pinagtatanggol ng ama niya? Napansin ko naman na wala pa itong sapin sa paa .kakamot kamot itong tumatayo .

"kumain na ba laine?" umiling iling lang itong sumagot. Napabuga ako ng malalim. Hinubad ko na ang sandals saka kumatok sa pinto.

"oh anak,laine? Anong nangyari sayong bata ka? Halikayo pasok."

nagsimula na kaming kumain. Nakakamay lang kaming dalawa. Tatawa tawa pa itong kumakantyaw sa akin.kesyo napaka walang manners ko daw kumain .kesyo ang baboy kong sumubo. Kesyo daw  ang taba ko at madami pang kesyo. 

Natutuwa akong masaya siya

"bakit ka nga pala ginanyan ngayon ng mama mo?" out of nowhere na tanong ko. Napatigil ito sandali saka sumagot habang hinihimay himay ang isdang prinito.

"kasi ....ano kasi ate... Matagal akong nakauwi." nahihiya pa nitong sagot. Yun lang? Matagal naka uwi? Binugbog agad? Napakuyom ako. Pag ako di nakapagpigil ,dswd talaga bagsak ng kiridang yun!

"ok lang naman iyon ito.. Ok lang ako.. Nga pala malapit na b-day ni mama ate! " pinasigla nya ang tono ng pananalita niya.pansin pa din ang lungkot.

"ah talaga? May regalo ka ba?" tanong ko . Saka uminom ng tubig.

"oo naman.pinaghandaan ko talaga yun ate eh.ganyan ko kamahal mahal ang mama ko" isang ngiti ang pinakita niya sa akin .

"punyetang bata! Aba't hoy! Napaghahalataan ko na talaga yang late na pag uwi mo! Inuubos mo talaga pasensya ko! Kelan kapa natutong magbolakbol ha!? Sagot?!" mula sa kanila abot hanggang samin ang boses nito. Kasabay pa ang kalambog ng gamit at sinturon.

"mama wag po!"ayoko.ayokong marinig ang ganito. Masyadong...

Masakit.

Pinaloud ko ang music sa buong bahay.pero useless pa din.

"mama maawa ka huhuhu" 

kinuha ko ang sketch saka umalis.

"nak san punta mo?" tanong nito. Nag gagarden ito sa labas ng bahay malapit sa akasya tree.

"parke." tipid lang ang sagot ko saka umalis na.

Mabuti pa dito. Tahimik. Malayo sa kung anong meron kami sa paligid ng bahay. Hay kakaawang bata. Parati nalang kasing ako ang takbuhan nito sa twing nabubugbog siya maging si mama ay naawa din. 

Yung pinabibigay niya pala sa mama niya,isa iyong box na lalagyang sapatos galing sa natasha.inalog alog ko pa yun. Tumunog tunog pa.parang pera ang nasa loob.pero sino ba naman ako para makialam.sabi pa niya kagabi ,ibigay ko nalang daw sa mama niya pag feeling ko na pwede na ibigay. Minsan nawiwierduhan ako sa kanya. Daming alam eh.

 shall know HER sideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon