Chapter 1

453 14 0
                                    

[Taehyung's POV]

"KRIIIIIIING!" narinig kong tumunog nanaman yung alarm clock ng cellphone ko. Naka snooze kase 'to so malamang uulit at uulit to.

Hello, ako si Kim Taehyung. 17 years old. Siguro naman alam nyo nang Lalaki ako. Ganito lagi nagsisismula ang araw ko, lalo na pag weekdays.

Pinatay ko ang snooze ng alarm. Napabuntong hininga nalang ako habang nakatingin sa bintana nang maalala kong Thursday palang pala ngayon. Hay, may pasok pa rin.

Pero, ano.. uh... wag nyong isiping hindi ako nagaaral. Aba, nasa top yata 'to! Hindi naman sa pagmamayabang ah pero kasama ako sa Top 5. Huwag niyo nang alamin kung anong position ko kasi baka magulat lang kayo.

Daily routine na yung magising ako, tumunganga saglit, maligo, magbihis, kumain, mag tooth brush at pumasok sa school. Actually, may dapat akong panooring episode ng isang anime kaso nga lang, mamaya pang hapon irerelease yung new episode.

"Taehyung-ah!" Si Jin hyung yon. Boses palang halata nang sya. Sigurado akong naghihintay nanaman sila sa labas. Hindi ko alam kung bakit lagi nalang nila kong sinusundo dito.

"Kala ko patay ka na eh. Magaalala sana ko kaso nevermind." Bungad ni Yoongi hyung. Kita mo tong gilagid na 'to. Ke aga aga eh.

"Hindi mo na maeexperience pang magalala sakin dahil mauuna kang mamatay hyung." Balik ko sa kanya. Natawa nalang ang BTS. Ah, oo nga pala. BTS yung tawag sa grupo naming mga gwapo. HAHA! Alam ko tunog mayabang ako pero totoo yan. Habang nagkukwento nga ko sa inyo eh may nagaabot sakin ng chocolates. Ewan ko sa mga babaeng to, pero kasi nga gwapo ako. Ako ang pinaka gwapo samin *coughs*

"Nga pala, nagawa nyo ba yung mga assignments nyo? Ngayon ang deadline nyan." Si Namjoon hyung yon. Siya ang pinaka matalino sa grupo namin. Gwapo rin sya pero mas gwapo nga ko.

"Oo, natapos ko na kagabi pa. Ikaw ba Jimin?" Tanong ni Hoseok hyung.

"Hindi ako katulad niyo, Monday palang tapos ko na 'yon." Sabi niya. Hindi ko alam kung dapat ba kong maniwala o hindi.

"Ako, hindi ko pa tapos. May isang number akong hindi nasagutan. Medyo nalito kasi ako don eh." Sagot ni Jungkook. Ang pinakabata sa grupo.

Nang makarating kami sa school, dumiretso kami agad sa room para tulungan si Jungkook sa assignment nya. Halos isang linggo ang deadline na binigay samin tapos ngayon hindi pa nya tapos. Dibale, bunso eh. Pagbigyan.

Lumabas muna ko para maglakad lakad. Biglang umihip ang isang malakas na hangin. Yung tipo ng hangin na kikilabutan ka, hindi dahil sa multo kundi pakiramdam mo may mangyayaring masama? Ganon. Pero di ko nalang pinansin. Bumalik nalang ako sa room.

Nagsimula na ang klase. History na namin ngayon, naalala ko yung hangin kanina. Hanggang ngayon kasi kinakabahan pa rin ako. Nawala tuloy yung focus ko sa klase.

The Last PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon