Nagaantay ako ng masakit ng pakiramdam sa leeg ko. Pero wala akong naramdaman. Ang tanging naramdaman ko lang ay ang pagbagsak ng lalaking balak kumagat sakin kanina.
"Okay ka lang ba?" Tanong ng babae sa harapan ko. May hawak siyang dalawang espada, may nakasabit sa likod niyang pana at may wrist band siyang may nakatatak na plus sign. Dahan dahan siyang tumayo. Pamilyar siya sakin.
"Okay ka lang ba?" Tanong ulit ng babae. Nakatalikod siya sakin at nakaharap sa lalaking pinagbagsak niya at ngayo'y dahan dahang tumatayo.
"O-oo. Oo, okay lang ako pero yung mga kasama ko--"
"What is it now my dear?" Nagsalita yung lalaki.
"Hinding hindi niyo siya makukuha!" Matapang na sabi nung babae. Teka, ano bang nangyayari?
"Of course. Not now, but in time. And that time... is near. So better be ready dear." At biglang naglaho yung lalaki. Hah!! Ano 'yon?!
"N-nawala siya!"
"Dapat mo nang ihanda ang sarili mo sa mga puwedeng mangyari." Sabi niya.
"Ano?! T-teke nga miss, pwede mong ipaliwanag sakin 'tong mga nangyayari. Kasi yang lalaki na yan, nasa bahay ko siya kagabi--"
"Nasa bahay mo siya kagabi?!" Lumingon sakin yung babae pero hindi ko pa rin siya makita.
"Oo. Hehe~ natakot nga ko eh kasi biruin mo alas dos ng madaling araw 'yon."
"M-may ginawa ba siya sayong hindi maganda?" May tunog ng pagaalala sa boses niya.
"Ah... wala naman. Pero may sinabi siya sakin na hindi ko maintindihan."
"Anong... sinabi niya?"
"Sabi niya malapit na daw yung itinakdang oras. Ewan basta ganun."
"Ihahatid ko na kayo. 'Wag kang magalala, magigising pa ang mga kasamahan mo."
--
Hay. Nandito na kami ngayon sa bahay, sabi nung babae dito daw kami sa kuwarto ko. Ano ba yan, siksikan? Tsk. Ano kaya yung nangyari kanina? Sino yung lalaking maputla? Sino yung babaeng parang ninja na swordsmen?
Pilit kong tinanong yung babae kanina kung ano yung mga nangyayari. Pero eto lang yung sinabi niya: "May tamang oras para sagutin ang mga tanong mo. Hindi ka pa handang malaman ang katotohanan." Ang dami kong tinanong pero dalawang sentences lang yung sagot niya.
11:55pm na. Ay, gabi na pala. Oo, malamang kanina pa gabi. Tss, minsan iniisip ko rin kung tama ba yung sinasabi ng mga tao na wala akong utak, kahit na nasa top ako. Oo, kailangan kong sabihin yan.
Pang isang tao lang tong kama ko... well, hindi. Nagsinungaling ako, malaki tong kama ko. Siguro kasya limang lalaki dito. Kaya hiniga ko muna yung dalawang duwag dito sa maganda kong kama. Haaay~ ambigat. Feeling ko nagbuhat ako ng bato. Humiga na ko, at tuluyang nakatulog.
BINABASA MO ANG
The Last Prince
FanfictionTaehyung is a normal High School boy who likes anime. Mula pa noong bata siya ay mahilig na siyang manood ng anime. Until one day, his life changed. Paano kung naging kwento ng anime ang buhay nya?