Chapter 8

98 3 0
                                    

So katulad nga ng nasa isip ko, new classmate ko si Ayae. Tsk. Anong klaseng school ba to at laging tumatanggap ng transferee sa kalagitnaan ng year?

Pinaupo siya ng teacher sa katabi kong mesa. "Hi Taehyung-ah! I told you yesterday that you will be seeing me." Rinig na rinig ko yung mga bulungan ng mga kaklase naming babae. Bulong ba yun?

"Ah. Yeah." Maikli kong sagot. Hinaplos niya yung mukha ko at tsaka umupo. There, she earned the girl's glare.

"Okay now. Tama na ang bulungan na rinig na rinig ko rito sa harapan. Let's start our lesson."

"Let's talk about a town in Japan called Machi no Umi. May dalawang grupo na namumuno sa bayan na 'yon. Shade of the night and Blood + ang tawag sa dalawang grupo. Or shall I say, clan. There were two kinds of people in that town. The Pureblooded Vampires at and Ninja Vampire. Obvious naman kung ano sila. Ang SOTN ang purebloods while the Blood + were the Ninja ones with a Vampire blood..." ninja? So may mga ninja talaga? And Vampires?

"Blood + were the ones who protect the entire Village since sila ang mga Ninjas. The SOTN is the one who were responsible for the business and any other else regarding sa pamamahala sa village. Ang pinuno ng Blood + Mr. Akatsuki Hikari ay kaibigan ng pinuno ng sotn na si Mr. Jan Yamamura." Ah. So totoo talaga yung mga ninja? Naalala ko tuloy yung babae nung nakaraang gabi.

Nagpatuloy si ma'am sa pagkukwento, "Pero isang gabi may isang nakakagimbal na nangyari."

Patuloy sa pagkukwento si ma'am. Noong gabing yon, namatay ang dalawang pinuno ng dalawang grupo. Si Mr. Akatsuki at Mr. Yamamura kaya nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng SOTN at Blood + . Pinagbibintangan ng magkabilang grupo ang isat isa tungkol sa kung sino ang pumatay sa dalawang pinuno.

At dahil sa digmaang yon, namatay ang lahat ng miyembro ng dalawang grupo. Walang natira at hindi rin nalaman kung sino ang tunay na pumatay sa pinuno.

Ang saklap na pangyayari naman 'non. Nakaramdam ako ng lungkot at konting kurot sa puso ko. Siguro dahil sa naaawa ako sa dalawang pinuno dahil hindi manlang naimbestigahan ang pagkamatay nila.

Nakita kong tumingin sakin sa Ayae. May lungkot sa mga mata niya at pabulong na sinabing ayos lang ang lahat. Oo naman, ayos lang ang lahat. Wala namang nangyayari sakin.

"Pero eto, 'wag niyo 'tong sasabihin kahit kanino okay? According to my Grand Grandpa, nakaligtas daw ang dalawang prinsipe ng dalawang magkaibang grupo. Kinuwento niya na ang ama daw niya ang nagligtas sa prinsipe ng Blood +. Iniwan daw niya ang Prinsipe sa isang tagong kuweba, at bumalik sa bayan para tumulong sa kasamahan niya. Pero pagbalik niya sa kuweba, wala na don ang Prinsipe."

"Aaaawww~!" Sabay sabay na nag-react yung mga kaklase ko. Nasan na kaya ang Prinsipe?

"At ito pa, naniniwala ang Grand Grandpa ko na buhay pa rin ang mahal na Prinsipe--"

"GRAND GRANDPA niyo po yung naglitas? Ibig sabihin VAMPIRE NINJA ka rin ma'am?" Tuwang tuwang tanong ni Hoseok Hyung. Inantay naming lahat ang sagot ni ma'am. Parang nag-stiff siya at kinabahan. Tiningnan niya kami lahat, at nang magtama ang mga tingin namin, nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na feeling. Para bang, may sinasabi yung mga mata niya. Pero siyempre hindi ko alam kung ano yun dahil hindi naman nagsasalita yung mga mata niya. Aba, nakakatakot na yon. Yumuko siya at inayos ang mga gamit, "Don't talk about nonsense Mr. Jung. Goodbye class, see you tomorrow." At lumabas na siya sa room.

"You okay?" Tanong ni Ayae, hawak niya ang mukha ko.

"Yeah. I'm okay." Nginitian niya ko at nginitian ko rin siya. Bahagya siyang lumayo dahil lumapit ang BTS sa pwesto ko.

"#KiligMoments is not so swaeg." Yoongi hyung

"Kayo na ba?" Jungkook.

"Faster than ever. Congrats Taehyung." Namjoon hyung. Ano bang pumasok sa utak ng mga ito at kung ano anong pinagsasasabi? Tiningnan ko si Ayae para mag-sorry sana pero nawala siya sa upuan niya.

"Ugh. Shut up." Asar kong sambit. Napaisip ako sa tanong ni Hoseok hyung kay Ms. Yamamoto. Kung grand grandpa nga ni Ms. Yamamoto yung nagligtas sa Prinsipe, ibig sabihin may dugong vampire din si Ma'am? Or half? One fourth? Or pwedeng wala rin. Ginulo ko ang buhok ko. Kung anu-ano nalang ang iniisip ko.

"Hey, wanna come with us?" Tanong ni Yoongi hyung. Tiningnan ko lang siya, "Come on man, kakain lang kami sa canteen." Wala ako sa mood para kumain. Sinenyasan ko nalang sila na umalis na. Tinanong nila ko kung bakit, pero hindi ko sinabing wala ako sa mood. Sabi ko nalang may tatapusin pa kong assignments kahit wala naman talaga. Ni wala ring nakapansin sa kanila na nagsisinungaling lang ako. LOL.

Kanya kanyang mundo ang mga tao dito sa classroom. May nagkukwentuhan, nag-aaral, nakikinig ng music, yung mga lovers...eew. May mga tulog. Wala daw yung next teacher namin sabi ng class president so It's a good time to sleep. Kesa naman makigulo pa ko sa mga naghaharot dito. Inurong ko ng kaunti yung upuan ko para may angle ang pagyuko ko sa mesa. Tinakpan ko ng libro ang mukha ko at unti unting nakatulog.


-

Nagising akong nasa isang malaking mansyon. Madilim ang paligid, sa kinatatayuan ko lang ang may ilaw. Wow, mayaman ang may ari neto. Chandelier. Malawak at may red carpet pa yung hagdan. Pinilit kong makita ang buong lugar dahil manghang mangha ako sa kagandahan ng mansyon nang may marinig akong ungol. Bandang taas, gawing kaliwa. Humakbang ako ng kaunti para makita kung sino 'yon pero hindi ko pa rin makita. Humakbang ako ng tatlong beses paakyat sa hagdan, nagimbal ako sa nakita ko. Jin hyung? May dalawang lalaking nakaitim ang nakahawak sa magkabilang braso ni hyung. Duguan ang leeg at mga braso, may mga sugat at pasa sa mukha. A-anong ginawa nila kay Jin hyung? Tinawag ko siya at lumingon ang isa sa mga lalake. Ngumisi siya at inangat ang kanang kamay, unti unting humaba ang kanyang mga kuko at dahan dahan itong itinusok sa dibdib ni Jin hyung. "Aaaaaarrgh!! Taehyung-ah!" Rinig kong sigaw niya. Hahakbang pa sana ako nang tumingin siya sa akin. "H-hyung..." binitiwan siya nung isang lalaki at lumapit sa akin. Nakangiti siya ng nakakatakot, umatras ako nang umatras nang umatras hanggang sa--huh? P-pader? P-pano nagkaroon ng pader dito? Ang alam ko makakababa ako ng hagdan kapag humakbang ako ng tatlong beses pababa!

A-anong gagawin ko...

"T-Taehyung..." pabulong na tawag sakin ni Hyung

"Hyung!" Sigaw ko.

"Tumak...bo k-ka na..." ginawa ko ang sinabi niya bago pa makalapit sakin ng tuluyan yung lalake. Tumakbo ako sa madilim na hallway ng mansyon. Tumakbo ako ng mabilis. Kasing bilis rin ng pagtakbo ko ang tibok ng puso ko. Masama ito, kapag tumakbo pa ko baka mahimatay ako sa pagod or maubusan ng hangin. Pero hindi, kailangan kong makatakas dito. Nakakita ako ng liwanag sa isang nakasarang kwarto. Binuksan ko iyon at nakita ang walang malay at duguang katawan ni Jungkook.

The Last PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon