Chapter 9

79 4 0
                                    

Nilapitan ko si Jungkook, "Jungkook-ah..." Narinig kong may tumatawag sa pangalan ko. Masakit man sa loob pero kailangan kong iwan si Jungkook.

Binuksan ko ang bintana naring kong papalapit na ang boses ng lalaki. Tumingin ako sa labas ng bintana. Masyadong mataas ito para talunin ng isang tao. Pero kailangan kong tumalon. Nakarinig ako ng "tick" sound, indicating that the door was already unlocked, opened.

Tumalon ako sa bintana. Bahala na, ang mahalaga makatakas ako. Bumagsak ako sa semento pero wala akong sakit na naramdaman. Hindi ko na to pinansin at tumakbo na ko palayo sa mansyon. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa nakita ko yung malaking gate. Nakatayo doon yung lalake kanina. Napahinto ako. Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko, mabilis pa rin ang aking paghinga.

"Alam kong dito ka pupunta..." naglakad siya palapit sakin, with his creepy smile. Napaluhod ako sa hingal. Shit. Masama ito.

Pinilit kong tumayo pero para bang naubusan na ko ng lakas. Napahiga nalang ako sa sobrang hingal. Nakita kong nakalapit na sa harap ko ang lalaki. Hinawakan niya ko ng mahigpit sa leeg at unti unting inangat.

"A-agh... b-bitiw..." hindi na ko makahinga. Pahigpit nang pahigpit ang pagsakal saakin ng lalaki. Sumigaw ako pero wala nang lumalabas na tinig mula sakin. Pinilit kong magsalita, "Tu...tulong..." pabulong kong sambit. "Tulungan... n-niyo ko..." tumawa ng malakas yung lalake. "TULOOOOONG!"


-

"Taehyung-ah!" Narinig kong may tumawag saking pamilyar na boses. Sino 'yon?

"Tulooooong!" Nagpupumiglas ako sa lalaking sumasakal sakin.

"TAEHYUNG-AH!" Tawag ulit niya.

"KIM TAEHYUNG!!" tawag ulit nung boses.

"BITIWAN MO KO--" pagdilat ko ng mata ko ay nasa loob lang pala ako ng classroom.

"Ayae?" Hinawakan ko ang mukha niya para makasigurado.

"Nananaginip ka Taehyung." Sambit niya at niyakap ako. "Anong napanaginipan mo?" Humiwalay siya sakin.

"Jungkook-ah... b-buhay ka." Halos maiyak na ko.

"Oo naman hyung. Bakit? Namatay ba ko sa panaginip mo?" Inakbayan niya ko. Tumango ako. "Huwag kang magalala hyung. Hindi ako mamamatay." Sambit niya.

"Nakita ko rin don si Jin hyung..." tumingin ako sa paligid. Lahat ng classmates namin nakapalibot sa akin. Nandoon din si Ms. Yamamoto.

"Ang mabuti pa Mr. Kim, umuwi ka muna sa bahay niyo. Ako na ang bahalang kumausap sa iba niyong teachers." Sabi ni Ms. Yamamoto. "Ms. Matsumoto, ihatid mo si Mr. Kim sa bahay nila. Itext mo ako kapag nakarating na kayo." At ibinigay niya yung number niya kay Ayae. "Also, Mr. Jeon, sumama ka rin." Tumayo si Jungkook para kunin yung mga gamit namin.

"Alagaan niyo siyang mabuti okay?" Bilin ni Ms. Yamamoto ng makarating kami sa gate. Bakit buong classroom kasama namin sa pagpunta sa gate? Maiintindihan ko pa kung puro babae yung kasama dito eh. Pero dibale na nga.

"Yes, ma'am." Magkasabay na sambit ni Ayae at Jungkook. Yung parang sagot ng mga military.

"Pupunta nalang kami sa bahay niyo after ng klase. Magpahinga ka man~" sabi ni Yoongi hyung.

May paparating na puting kotse. Nakita ko roong bumaba si Hyejin nuna. Agad niya kong pinapasok sa loob ng kotse. Nagusap sila saglit ni Ms. Yamamoto kasama si Jungkook at Ayae. Nilibot ko ang mata ko sa loob ng kotse. Wow, ang gara ah.

Tumingin sa rear view yung driver, nginitian niya ko nginitian ko rin siya, "Ayos lang po ba kayo Taehyung-sama?" Tanong ng driver. Taehyung-sama? Diba master yun? Pano ko naging master? Ah~ baka kasi pinsan ko si Hyejin nuna. Ah~

The Last PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon