Chapter 13

60 1 0
                                    

[FLASH BACK BAEKHYUN's POV]

"NATAGPUANG PATAY ANG DALAWANG PINUNO SA LOOB MISMO NG SILID NI MR. YAMAMURA!" sigaw ng isang miyembro ng isang angkan ng SOTN. Malalim na ang gabing iyon, kaya nakapagtatakang marami pang tao ang nasa labas.

Nakita kong tumatakbo palapit saakin ang aking ama na nakasuot ng pangdigma niyang damit. Binuhat niya ko at itinakbo pabalik sa bahay. Nakita ko roong nakaupo si Yumiko, tulad ni ama ay nakasuot din siya ng damit na pandigma. Pinaupo kami ni ama at niyakap.

"Wala na ang inyong ina, marahil maging ako ay maaaring mawala na rin. Ang nais ko kay tumakas na kayo dito sa bayan at magpakalayo-layo."

Kasalukuyang nagkakaroon ng digmaan sa pagitan ng Blood + at sotn dahil sa biglaang pagkamatay ni Akatsuki-sama at Yamamura-sama. Anim na angkan ang naglalaban. Naririnig kong nagsisigawan ang mga tao. Kasabay noon ang malakas na pagsabog, hiyaw ng mga taong nagmamakaawang 'wag silang patayin. Iyak ng mga batang nawalan ng magulang.

"Utsukushi, ikaw ang panganay na lalaki sa angkan natin at ikaw ang tagapag-mana ng katungkulan ko. Alagaan mong mabuti ang kapatid mo," humarap siya kay Yumiko, "Makikinig ka lagi sa Onii-san, wag na wag kayong maghihiwalay. Taglay mo ang lakas ng inyong ina, sigurado akong makakaligtas kayo." niyakap niya kami at tumakbo na palabas.

Nakasisigurado akong 'yon na ang huling pagkikita namin ni ama. Tiningnan ko ang nakababata kong kapatid, namumula ang kaniyang mga mata. Nararamdaman kong pinipigil niya lang ang pagiyak.

"kailangan na nating umalis" tsaka hinatak ko siya palabas ng bahay. Nagkakagulo ang mga tao sa sentro ng bayan dahil na rin sa walang umaasikaso sa kanila.

Tumakbo kami ni Yumiko sa isang makitid na daan kung saan mga bata lamang ang nakakadaan. Ginawa ko ito para sa mga ganitong kaganapan. Tumalon kami at bumagsak sa damuhan.

Habang patakbo naming inaakyat ang bundok para magtago sa kuweba ng Mai ay nakasalubong namin ang aming Lolo. Sugatan na siya at patakbong lumapit saamin, "Salamat at ligtas kayo..." masaya niyang sambit.

"Pero wala na si ina..." sambit ko. Niyakap niya kami, "Ang mahal na prinsipeng Akatsuki dinala ko siya sa kuweba ng Mai, kunin niyo siya at iligtas. Mamuhay kayo sa malayong lugar, protektahan niyo ang prinsipe ano man ang mangyari. Siya lamang ang may kakayahang tapusin ang gulong ito. Balang araw..." at saka siya tumakbo pabalik sa sentrong bayan kung saan may malaking digmaang nagaganap upang tumulong.

Katulad ng sinabi ni Lolo, nagtungo kami sa kuweba ng Mai at doon nga, natagpuan namin ang bagong silang pa lamang na prinsipe. Ilang linggo pa lamang ng siya'y isilang, nakakalungkot isipin na katulad namin, maaga rin siyang nawalan ng magulang. Katabi ng prinsipe ang tatlong malaking supot ng mga ginto, perlas at diyamante. Kinuha ko ang mga supot at si Yumiko naman ang nagdala sa prinsipe. Bago umalis ay binigyan namin ng isa at huling sulyap ang bayan ng Umi. Ang bayang malapit sa karagatan ngunit ngayo'y nababalot na ng apoy. Hindi ko maiwasang maluha sa pagkasira ng bayang iningatan ng mga pinuno.

Tumakbo kami ng kapatid ko kasama ang munting prinsipe, wala kaming ginawa kundi tumakbo nang tumakbo hanggang sa makarating kami sa dagat. Doon ay maraming naghihintay na bangka. Sumakay kami sa isa sa mga iyon at naglakbay, paalis sa aming bayan.

-
Ilang taon na rin ang lumipas mula ng masira ang aming bayan. Hindi na ako umaasang may mga natira pa sa mga tao roon bukod sa mga masuwerteng nakatakas. At kung meron mang nakatakas maliban sa amin ay hindi na rin ako umaasang makikita pa namin sila.

Ilang araw mula ng umalis kami sa bayan ay nakarating kami sa bansang tinatawag nilang Koryo. Dito, naging maayos ang pamumuhay naming magkapatid at mahal na prinsipe. May isang matandang lalaki ang nagpatuloy at nagalaga saamin. Siya si Byun Baekwon. Siya na ang itinuring naming ama ni Yumiko. Binigyan niya ng pangalang Hyejin ang kapatid ko. At Kim Taehyung naman sa mahal na prinsipe.

Siya lamang ang mapagkuwentuhan ko ng mga nangyari saamin, "Napakabata nyo pa para maranasan ang mga bagay na iyon. Napaka walang puso ng gumawa noon sa inyong bayan." ani Baekwon.

Anim na taon lang ako ng mangyari yon at apat naman si Yumiko. Ngayon walong taong gulang na ko at anim naman ang kapatid ko. Dalawang taon na ang mahal na prinsipe. Naging marangya ang pamumuhay namin kasama si amang Baekwon. Nagkaroon kami ng maraming pagaaring lupain at mga alagang hayop.

Naikwento samin ni amang Baekwon na ang kaniyang kasintahan daw ay naging alipin sa imperyo ng Xing. Magmula noon ay hindi na siya umibig pang muli. Aniya, itutuon na lamang niya ang atensyon niya sa pagpapalaki saamin.

Ngunit isang tanghali ay may mga sundalo ang hari ng koryo na sumugod sa tahanan namin at pinagbibintangan si amang Baekwon na tulisan at nagpuslit ng ginto mula sa kaharian na isang malaking kasinungalingan. Hindi naniniwala ang hari na mula sa amin ang mga kayamanan, sabi pa nila ay mas marami pa raw ito kumpara sa kayamanan ng palasyo. Dahil dito ay dinala si ama sa punong lungsod at doon binitay. Hindi manlang nila inalam ang totoong nangyari. Hindi manlang nila binigyan ng panahong makapagsalita si ama. Hindi manlang siya pinakinggan ng hari hindi manlang ito naawa.

Sa sobrang galit ko dahil sa pagkamatay ng ikalawang ama ay kinuha ko ang espada ng isang sundalo at tinusok ito sa kaniya. At sa isa pa, sa isa pa, hanggang sa nagkagulo ang mga tao. Patakbo kong sinugod ang mahal na hari, naroon ako sa puntong gigilitan ko na ang hari ng leeg para ipaghiganti si ama ng marinig ko ang malakas na pagiyak ng prinsipe. Sobrang lakas noon, nakakabingi. Lalo na sa mga normal na tao. Nagdudugo ang mga tenga nila dahil sa lakas ng boses ng prinsipe. Maging ang hari ay natakot sa nangyari. Patuloy sa pagiyak ang prinsipe, hindi na siya kayang pigilan ni Yumiko.

Nabasag ang mga paso na binebenta sa labas maging ang paso ng hari, nagsitumbahan ang mga puno at humangin ng malakas. Noon ko nalaman na hindi pa naseseal ang kapangyarihan ng prinsipe. Dali dali kaming umalis sa lungsod kasabay ng bangtang kapag bumalik pa ang mga sundalo ng hari ay siya mismo ang tatapusin ko sa harap ng mga tao.

Bumalik kami sa bahay at doon ginawa ang pagseal sa prinsipe. May sapat na kong lakas para gawin to. Ang kailangan lamang ay ang dugo naming magkapatid. Ito ang magsisilbing harang at tatak ng kapangyarihan. Matinding konsentrasyon ang kailangan dito, ngunit patuloy sa pagwawala ang munting prinsipe. Wala nang ibang pagpipilian kundi ang patulugin siya. Dahan dahan kong inilatag ang aking palad sa likod ng prinsipe pagkatapos ko siyang hampasin sa batok. Gamit ang kamay, mahina lang yon pero kaya noong patulugin ang prinsipe ng tatlong araw. Tatlong araw ang kailangan para tuluyang patigilin ang daloy ng dugong bampirang nananalaytay sa kaniya.

Nagkonsentreyt ako sa pagpapadaloy ng aura sa aking mga kamay. Nang maramdaman kong sapat na ang aura para maging seal ay ginawa ko na ang proseso. "Sannin seal!" nagkaroon ng liwanag. Pahupa noon ay mayroon nang tatlong + seal ang prinsipe. Tatlong + na sumisimbolo sa tatlong angkan ng Blood + ang ginawa kong seal.

And the rest is history ika nga nila. Namuhay kami ng mapayapa pagkatapos ng araw na iyon. Maging ang hari ng koryo ay hindi na kami ginulo ulit.

Nandito kami ngayon sa Jeju, may mahalagang inaasikaso. Hindi ko alam kung bakit pero biglang kumirot yung seal ko. Tinawagan ko si Hyejin para kumustahin.

"Oo oppa, kumikirot rin siya." sambit niya.

--

Ahaaay~ medyo naguguluhan ba kayo? Sabihin niyo lang at ipapaliwanag ko :)

The Last PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon