"Hyejin-sama, nandito na po si Taehyung-sama at Jungkook-sama." Sabi ni Matt.
Pinaupo na kami ni nuna sa upuan at nagsimula nang kumain. Masyadong tahimik habang kumakain. Kinausap ko si Matt na kasalukuyang nakayuko. Poor~
"Matt, alam mo bang may kamukha kang anime?" Nagtaas ng tingin si Matt at ngumiti.
"Ikinalulungkot ko master Taehyung, pero hindi ko po alam ang salitang anime."
"Huh?" Nagtataka kong tanong. Parang halos lahat ng tao dito alam ang anime. Sumubo ako ng maliit na cookie.
"Maaari niyo po bang ipaliwanag ang ibig sabihin ng salitang anime?" Malumanay niyang sabi at saka nilagyan ng tea ang baso ko.
"Ahm. Wag nalang. Ah basta, may kamukha ka talaga eh. Hehehe!" Nginitian lang niya ko at unatras pabalik sa kaniyang pwesto.
Naalala ko, wala pa si Matt dati dito.
"Hyung, matagal na ba dito si Matt?" Tanong ko kay Baekhyun hyung.
"Hindi. Two years palang siya rito. Di mo siya naabutan kasi lumayas ka kaagad sa puder namin." Patuloy sa pagkaing sagot niya.
Makalipas ang ilang minuto ay tapos na rin kaming kumain. Kinuha isa isa ng mga katulong ang mga pinagkainan namin.
Nang matapos ang lahat ng katulong sa pagliligpit ay nagsimula ng magsalita si Hyejin nuna.
--
"I heard na napagusapan niyo raw sa school yung tungkol sa machi no umi.. right, Taehyung?" Tanong ni nuna. Tumango lang kami nila Jungkook at Ayae.
"Alam niyo na rin na nakaligtas ang dalawang Prinsipe hindi ba?" Tumango ulit kami. Tumayo si Jungkook at Ayae sa likod ng sofa.
"Ganito talaga ang nangyari noon, isang miyembro mula sa pangalawang branch ng angkan ng mga Vampire Ninjas ang nakapagligtas sa Prinsipe."
"Ang pangalan niya ay Takishima Ayato. Ang sabi ni Mr. Takishima ay naitago niya ang mahal na prinsipe sa loob ng isang kweba sa isang bundok malapit sa bayan ng Umi." Tumingin si Nuna sa akin.
"Nang pabalik na si Mr. Takishima sa bayan ng umi upang tumulong sa digmaan, nakita niya ang anak ng pinuno ng angkan ng mga Takishima. Ang magkapatid na sina Takishima Utsukushi at Takishima Yumiko."
Si Baekhyun hyung naman ang nagsalita, "Inutusan ng nakakatandang Takishima ang dalawang magkapatid na tumakas na sa bayan at isama ang Prinsipe. Kasabay ng pagtakas ng magkapatid at prinsipe ang responsibilidad na protektahan ito anu't ano man ang mangyari."
"After 150 years, nalaman ng magkapatid na Takishima na buhay rin ang Prinsipe ng SOTN at may binabalak itong masama sa Prinsipe ng Blood + at buhay pa ang nakatatandang Takishima." Lumapit sakin si Baekhyun hyung. Umupo siya sa mesa na nasa harap ko.
"Ang magkapatid na Takishima ay walang iba kundi kami, Taehyung." Sabi niyang naka tingin ng diretso sa mga mata ko.
Natawa ako sa sinabi niya, "Alam mo Hyung, astig na sana yung kwento mo eh. Kaso siningit mo yung sarili ny--" hinawakan niya ko sa magkabilang balikat.
"At ikaw, ang aming mahal na Prinsipe."
Sabay sabay silang lumuhod sa harap ko. Pati si Nuna, Jungkook at Ayae. Ano bang sinasabi nila? Bakit sila lumuhod? Ako? Mahal na prinsipe?
"AHAHA! Grabe! Ang galing niyo umakting ah. Pati si Hyejin nuna napaluhod niyo sa harap ko. Aba~" doon tumayo si Hyejin nuna at hinatak ako patayo mula sa pagkakaupo.
Hinawakan niya ang kamay ko, "Taehyung, totoo ang sinasabi namin. Kailangan mong maniwala. Alam kong nakakaranas ka ng kakaibang mga bagay--" hinawi ko yung kamay niya at lumayo sa kaniya. Hindi na ko natutuwa sa sinasabi nila.
"Pano naman ako maniniwala sa sinasabi niyo? Hindi ko alam!" Medyo tumaas ang boses ko ng mga oras na yon. Pero hindi ko mapigilan dahil hindi talaga sila nakakatuwa.
"Isa sa mga kaibigan mo ang Prinsipe ng SOTN at alam niyang ikaw ang Prinsipe, Taehyung makinig ka!" Niyugyog niya ko.
"Then prove it! Sabi ni Ms. Matsumoto ang mga Blood + daw ay Ninja Vampires so show me!"
"Taehyung, we don't have any time for this!" Sigaw ni Baekhyun hyung na umalingawngaw sa buong mansyon.
"THEN HOW AM I SUPPOSE TO BELIEVE YOU?!" Natahimik silang lahat. Isa lang naman yung hinihingi ko, yung magpakita sila ng pruweba na totoo yung mga sinasabi nila.
"ALAM NIYO BA NA HALOS MABALIW AKO DAHIL SA MGA NARARAMDAMAN AT NAPAPANAGINIPAN KO? TAPOS YOU'RE JUST GOING TO FOOL AROUND WITH ME?" Sigaw ko.
Naglakad si Nuna palapit kanila Baekhyun Hyung. "Okay, ipapakita namin sayo ang pruwebang gusto mo." Pagkasabi ni Hyejin nuna non ay unti unting nagbago ang itsura nila. Ang buhok ni nuna na hanggang balikat lang ay unti unting humaba at nagkaroon ng shade ng pula. Ganoon din si Baekhyun Hyung, humaba hanggang balikat ang buhok niya. At naging pula ang mga mata nila, at unti unting lumabas ang kanilang mga pangil. Napaatras ako.
Tiningnan ko si Jungkook at Ayae, nagbago rin at itsura at pangangatawan nila. Tumangkad sila ng higit pa sa tangkad nila at humaba rin ang buhok at nagka pangil. Napaatras ako sa takot ng may humawak saaking isang pares ng kamay mula sa likod. Lumingon ako at nakita ko si Matthew na pula rin ang mga mata at may pangil. I ran away few steps from them.
"Taehyung..." nagbalik sa anyong tao niya si Hyejin nuna at lumapit sakin.
"STAY BACK!"
"Taehyung-ah~..." tawag niya ulit.
"Kayo, Jungkook at Ayae, you knew all of this?" Hindi sila nakasagot sa tanong ko.
"Tapos sinekreto niyo to ng matagal? As in literal na matagal huh? Ilan yon, 150 years? Tapos bigla niyong sasabihin ng ganito?" Galit na galit kong tanong.
"Kaibigan kita Jungkook!" Yumuko lang siya. Napasapo ako sa noo ko. "Kaya ba lagi niyo kong pinoprotektahan ha Nuna? Hyung? Dahil ako ang inyong mahal na prinsipe?"
"2 months kaming naglakbay kasama ka. Hanggang sa nakarating kami dito sa Korea. In fact, nasaksihan namin yung Korean War. Maliit ka pa non." I just gave them a smirk.
"Matagal ding panahon bago tayo nakapag register dito as Korean Citizen. Pagkatapos inalagaan ka na namin."
"Ridiculous." Is The only word I can say. "Alam niyo? Walang kwenta tong sinasabi niyo. Natuwa sana ako kasi kasama ko kayo rito pero heto kayo, pinagtitripan ako." Nakapamulsa kong sabi.
"We're not tripping on you Taehyung. We don't have much time. At kapag hindi ka naniwala, mangyayari ang mga napanaginipan mo."
With that, I stepped away from they're mansion. Nonsense things is so annoying. Narinig ko ang pagtawag nila sa pangalan ko pero hindi ko na sila nilingon at patuloy sa paglakad pauwi sa bahay ko.
BINABASA MO ANG
The Last Prince
FanfictionTaehyung is a normal High School boy who likes anime. Mula pa noong bata siya ay mahilig na siyang manood ng anime. Until one day, his life changed. Paano kung naging kwento ng anime ang buhay nya?