Chapter 12

65 2 0
                                    


The next morning, I went to Hyejin nuna and Baekhyun's house. Wala daw doon si Baekhyun hyung sabi ni Matt. Tinanong ko siya kung nasaan si Nuna sabi niya nasa Dojo house daw. Nagtetraining. Tinanong ko kung para saan, sabi niya para daw sa kapakanan ko.

Lumabas ako sa main door ng bahay at pumasok sa isang gate sa dulo ng garden. Pagpasok ko sa gate ay may fountain sa gitna na may phoenix statue sa gitna na naglalabas ng tubig na dumadaloy pababa papunta sa mas malaki pang taga salo ng tubig.

May maliit na fish pond din sa gawing kanan meron doong mga koi at hindi ko na alam yung iba. Dumaan ako sa isang mini bridge sa ilalim non ay may tubig na dumadaloy rin hindi ko na inalam kung san magtatapos 'yon.

Ang dojo house ay napapalibutan ng maraming puno. May dalawang mini statue ng phoenix sa entrance ng Dojo house. Pumasok ako sa loob may sumalubong saaking isang babae na parang alam niyang darating ako doon. Ihinatid niya ko sa isa pang malaking bahay sa likod ng dojo. Wow.

Nakita ko doon si Hyejin nuna na nagsasanay ng espada. Nakasuot siya ng itim ang naka ponytail ang buhok. Halata sa mukha niya na nakaconcentrate siya. May lumabas na lalaki mula sa isang parte ng malaking bahay. Lumapit siya kay nuna at nagsimula silang maglaban. Espada at Taijutsu ang ginamit nila sa pagsasanay. The guy streched out his hand to hit nuna on her chest but nuna dodge it and easily saw his open point and 'hit' on his neck. Kahit hindi tinamaan ang lalaki ay nagreact pa rin ang katawan niya marahil may impact siyang naramdaman. Tumalon sila pareho paatras.

Holsing their swords, they're position is the 'ready to attack'. Mabilis ang mga sumunod na nangyari na hindi ko na makita pero naririnig pa rin ang tunog ng nagtatamang espada, ang tunog ng hangin na nagmumula sa pag tama ng kani kaniyang suntok sa isa't isa.

"Magaling talaga sila." Sabi nung babaeng naghatid sakin.

Huminto sila mula sa paglalaban ng hingal na hingal at tumatagak-tak ang pawis. Nagsalita yung lalaki, "Magaling ka pa rin hanggang ngayon. Magaling ang pagsuntok mo pero medyo bumagal ang kilos mo sa pagsangga sa mga espada."

Umupo sila sa sahig at uminom ng tubig. "Alam ko Lay. Kaya nga tayo nagsasanay ngayon." Maikling sagot ni Nuna. Lay pala ang pangalan ng lalaki. Napalingon sakin si Lay at agad na lumuhod.

"Taehyung... buti naman at dumating ka. Kanina ka pa ba jan?" Nakangiting tanong ni Nuna. Sinenyasan niya kong lumapit at sinunod ko 'yon.

"Pwede ka na pong tumayo." Sambit ko kay Lay. Tumayo siya at nagbow.

"Mauuna na ho ako." Paalam niya saamin tsaka lumakad palayo.

Bumalik kami ni Nuna sa loob ng Dojo house. Pumasok kami sa isang kwarto. Wala masyadong gamit sa loob non maliban sa isang maliit na mesa at dalawang malaking cabinet. Umupo kami.

"Ah... I came here to say sorry Nuna." Nakayuko kong sambit

Tumawa siya, "Lift your head up, Prince. Naiintindihan ka namin, mahirap talagang paniwalaan lahat 'yon."

"But I do believe you. Hindi ko lang alam kung pano ko tatanggapin..."

She pat my head, "Hey, matatanggap mo rin yan balang araw." Nginitian niya ko. "Alam mo ba kung ilang taon ka na? At kung ano ang totoo mong pangalan?" Natatawa niyang tanong. Umiling ako.

"150 years old ka na. Pero don't be so shocked. Ganyan talaga ang itsura ng 150 year old na Vampire Ninja." Sabi niya binuksan niya ang sliding door sa gawing kanan at bumungad ang malawak at napakagandang hardin. Napakarami palang sikreto sa bahay na 'to.

"At ang tunay mong pangalan..." umupo siya, "... ay Akatsuki Taisetsuna."

Akatsuki? Diba villain group yun sa naruto? I shook my head. Hindi ito ang tamang oras para magbiro. Natawa si nuna na para bang alam niya ang iniisip ko.

"Wala kang kinalaman sa Akatsuki ng Naruto kung yan ang iniisip mo." Aniya at tumawag ng taga pagsilbi para magdala ng pagkain. "Ang ama mo Taehyung, ang pinuno ng Blood +. May tatlong angkan na bumubuo sa Blood +. Ang Akatsuki, Takishima at Jeon. Ganoon rin sa SOTN. Ang Yamamura, Yamamoto at Cryslaine.

"Si Jungkook lang ang nakaligtas sa mga Jeon. Mga koreans ang Jeon at British Japanese ang mga Cryslaine. Katulad ng alam mo, magkakaibigan ang anim na angkan. Ngunit isang gabi ay natagpuan sa kwarto ng pinuno ng SOTN si Mr. Yamamura at ang ama mo Taehyung. Duguan, maraming tama ng espada at parehong may kagat sa leeg. At nagkaroon na ng digmaan sa pagitan ng dalawang grupo."

Hindi ko mapigilang umiyak dahil sa nalaman ko. Na ganoon pala ang naging kamatayan ng aking ama, pero walang nakakaalam kung sino ang tunay na may gawa.

"I... H-hindi ko alam na ganoon pala ang pagdurusang dinaanan niyo para lang sakin. I'm sorry." At tumulo na nga ang aking luha.

"Responsibilidad namin 'yon bilang taga pagtanggol mo."

"Anong kailangan kong gawin para maging kasing lakas niyo?"

"You have your own power Taehyung. Ikaw lang ang nakakaalam kung pano bubuhayin ang kapangyarihan mo."

Yes. I know, I am the son of Akatsuki Hikari.

The Last PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon