Chapter 14

67 1 0
                                    

[HYEJIN's POV]

"Oo Oppa, kumikirot din siya." sagot ko sa kabilang linya.

Kasalukuyan kaming naglalakad ni Taehyung kasama si Ayae at Jungkook papasok sa kanilang eskuwelahan. "Hindi, hindi na ngayon. Pero kagabi sobrang sakit ng kirot niya."

Pagdating namin sa gate ay hinarang ako ng guard, hindi raw pwedeng pumasok yung outsider sa school. Ang kapal neto. Hindi ko nalang siya pinansin at dumdiretso lang kami.

"Teka, nasan ka ba ha oppa?" Tanong ko sa kaniya ng mapansin kong iba ang tunog na lugar kung nasa University nga siya.

"N-nasa... nasa Jeju ako bakit?" Sagot niya sa kabilang linya.

Alam ko na kung bakit, "Nagdedate kayo ni Taeyeon eonni ano? Ayiiie~" pangaasar ko.

"Magtigil ka. Kumusta na si Taehyung?"

"Okay lang siya," nakarating na kami sa building kung saan nagro-room ang tatlo. Umakyat kami sa hagdan napansin kong maraming nakatingin samin. "Mamaya nalang tayo magusap Oppa. Bye." Ibinaba ko na ang cellphone ko.

Pagdating namin sa second floor ay nakaramdam ako ng kakaibang aura. Isang nakakairitang boses ang narinig kong tumatawag kay Taehyung.

"Taetae!!" Kung hindi ako nagkakamali, siya yung lalaking kasama noon ni Taehyung. Yung isang lalaki ah... Jimmy ba 'yon? Jimin? Jaimie? Ah. Ewan.

"Taetae! Namiss kitaaa~" pagiinarte nung lalake habang nakapulupot yung braso niya kay Taehyung.

"Hoseok hyung ano ba.." Ah, Hoseok pala yung pangalan niya. Pilit tinatanggal ni Taehyung ang kaniyang mga braso perp bigo siya. Matindi kumapit si Hoseok.

"Lumayo ka na nga. Para kang linta eh." Ani Ayae at walang kahirap hirap na inalis ang mga braso ni Hoseok na nakapulupot kay Taehyung.

"Ah! Araaaay~ lalayo na okay?" At humakbang siya ng isang beses palayo kay Taehyung. Mabuti naman. Nararamdaman ko pa rin yung kakaibang aura na 'yon.

"Kumusta ka na?" Tanong niya kay Taehyung.

"Okay lang. Buhay pa naman." Maikling sagot ni Taehyung at saka nagpatuloy sa paglalakad. Nang makarating kami sa classroom ay nakita kong napakagulo ng mga tao don. Tumingin ako kay Ayae, nagkibit balikat lang siya.

May limang lalaking sumalubong kay Taehyung. Pero s-sandali... bakit... si Jin... bakit nandito si Jin? Naririnig ko pa rin ang ingay ng mga kaibigan ni Taehyung na inaasar at kinukumusta siya. May nagtanong pa kung kapatid ba raw niya ko, hindi niya ito pinapansin. Itinuon ko ang tingin ko kay Jin, na nakatingin din sakin. May bahid ng saya ang mga mata niya. Lumapit siya sakin at niyakap ako. Niyakap ko rin siya. Narinig kong nagbubulungan ang mga tao roon, maging si Taehyung ay nagulat rin.

"Buhay ka..." naluluha kong sambit. Ngumiti lang siya sakin at saka ako hinatak palabas.

"Nunaaa!" Narinig kong sigaw ni Taehyung.

"Hyejin!!" Sumigaw rin si Ayae.

Dinala ako ni Jin sa rooftop ng school. Doon, napakakalmado ng hangin. Masarap pakiramdaman ang pagdaloy nito sa aking balat. Ang pagsamyo ng hangin kasabay ng paglipad ng mga dahon at pagkalaglag ng ilan. Nakatalikod ako kay Jin. Naramdaman kong tumayo rin siya sa tabi ko. Sinulyapan ko siya. Nakangiti siya... eh? Baliw na ba 'to?

"Hindi ako baliw." Aniya at tumawa. Nakalimutan kong nakakabasa nga pala siya ng isip. "Ang tagal na rin, sobrang tagal na ng huli tayong magkita." Aniya at hinarap ako. "Kumusta ang kuya mo? Ikaw?"

Nginitian ko siya, "Okay naman kami ni Kuya. Nandon siya ngayon nasa Jeju nakikipagdate." Tumingala ako at pinagmasdan ang kagandahan ng asul na kalangitan. Ang mga ulap na payapang tingnan habang lumulutang sa ere.

"May girlfriend na si Baekhyun?" Tumango ako. "Eh ikaw? May boyfriend ka na?" Natawa ako sa tanong niya. Tawang tawa ako. "Bakit ka tumatawa? Nakakatawa ba yung tanong ko?" Halos sumakit yung tiyan ko kakatawa.

Pilit kong pinakalma ang sarili ko, "Boyfriend? No way! Hinding hindi ako magboboyfriend. Hindi, hangga't nasa panganib si Taehyung."

Narinig kong natawanring siyang bahagya at saka nag-"hmm"

"Alam mo Jin, kahit sobrang tagal nating hindi nagkita, dapat ka ng bumalik sa classroom niyo."

He swear. What? Kailan pa? At dali dali siyang tumakbo pabalik sa room, left me dumbfounded. Alone. In the rooftop. Great. Sinilip ko ang baba ng building para siguraduhing walang makakakita sa gagawin ko, nang masigurado kong wala nang tao ay agad akong tumalon pababa. Maayos naman ang landing ko--

"WOW!" Sigaw ng isang pamilyar at nakakairitang boses. "WOOOW! ANG GALING NON!" Aniya. Naramdaman kong nakatayo siya sa likod ko, that aura again... lumingon ako at nakita kong nakatayo habang pumapalakpak si Hoseok. Manghang mangha yung itsura niya. "Diba, ikaw yung kasama ni Taehyung? Kapatid mo ba siya? Ang alam ko kasi wala siyang kapatid. Nagiisa lang siya sa bahay." Sunod sunod niyang sabi

Napailing nalang ako sa kadaldalan niya, "Pinsan ko siya at oo, nagiisa siya sa bahay pero hindi sa buhay." Pagkasabi non ay tinalikuran ko siya at naglakad palayo.

"Madali lang patayin si Taisetsuna..." napatigil ako sa sinabi niya, "... Yumiko." Muli akong lumingon at kasabay noon ang paglaho ng kakaibang aura at ni Hoseok. Pano niya nalaman? Sino siya?

Sumakay na ako sa kotse at pinaharurot ito palayo sa paaralang 'yon.

-

"Kilala niya si Taehyung. Alam niya kung sino talaga si Taehyung." Kasalukuyan kong kausap si Chanyeol. Pinapunta ko siya dito sa bahay dahil siya lang ang pinagkakatiwalaan namin ni Oppa. At hindi kami pwedeng basta basta magusap tungkol kay Taehyung at kung sino talaga siya sa labas ng bahay.

"Kung iisipin mo, pwede, there's a possibility na hindi lang kayo ang nakaligtas at nakatakas sa bayan niyo." Ani Yeol habang inaayos ang mesang pinagkainan namin. "And if that's the case, there's a probability na buhay ang prinsipe ng SOTN at ang ibang miyembro ng iba pang angkan.." dugtong niya habang patungo sa kusina. Sinundan ko siya roon at naupo sa upuan, "Tulad ng pagkaligtas ng ibang miyembro ng angkan ng Jeon."

Sinuot niya yung apron at nagsimula ng hugasan yung pinagkainan namin, buti pa siya nahuhugasan to samantalang si Baekhyun oppa hindi. Pagkatapos niyang hugasan ang mga pinggan ay umupo siya sa tabi ko at hinarap ako. Kung totoo nga ang sinabi niya, marahil buhay rin ang taong may kagagawan ng kaguluhang ito. Marahil buhay pa ang taong pumatay sa dalawang pinuno, ang taong may kasalanan kung bakit namatay si ina, ama at lolo. Ang taong naging dahilan ng pagbagsak ng bayan ng umi.

(A/N: Please listen to Promise by Urban Zakapa. Mas nakakadagdag feels.)

"You know, you shouldn't think about it until Baekhyun gets back. Anyway, nasaan ba 'yang kapatid mo?" Tanong niya.

"Kadate si Taeyeon eonni sa Jeju. Ang layo diba, date lang 'yon." Sambit ko. Nagulat nalang ako sa sumunod niyang ginawa, hinawakan niya ang mukha ko, he tilt my head towards him and place his lips on mine. I let out a sharp gasp as I was on verge of dying from heart attack from what he's doing.

Oh my gosh! Oh my gosh! Oh my gosh! What to do!!

He then lift his face up to look at me. He was flushing red, siya pa talaga. I felt a burning sensation on my face. I blush hard as he look deeply into my soul.

"Ahahaha" were the only words that came out to my mouth.

"OH! I'M SO SORRY HYEJIN-AH! I... I... I... I'M SO SORRY!" tumayo siya at sunod sunod ang pagbow na ginawa.

"Ah.. u-uhm.. O-okay lang. N-naiintindihan ko. Woooh~" I fan myself. He just kissed me... my head is spinning. I admit, medyo kinilig ako don pero medyo lang. Mas nangingibabaw yung pagkagulat. Pano, biglaan yon.

Hindi napigilan ng mga mata ko ang maluha, hindi ko mawari kung bakit. I saw his face saddened. "Ay, uy hindi! O-okay lang talaga! Hindi ako umiiyak. Wag kang umiyak. Wag tayong iiyak okay?" Nginitian ko siya. Nginitian din niya ko pagkatapos ay niyakap.

"Can we please stay still?" Aniya. Then again, I flushed red, he sounded like a protagonist who came out from a romantic movie. We stayed like that, untill we heard a someone's voice.

-

OMG HYEJIN HABA NG HEYR~

The Last PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon