Tinitigan ko lang siya. Umaasang tatawa siya at babawiin ang sinabi niya. Pero hindi. Nahintakutan na ako at dali-daling yumakap sa kanya. Wala na akong pake kung anuman ang isipin niya basta natatakot na ako. Yun na yun.
Bahagyan naman akong lumayo kaagad nang medyo nawala ang kaba sa dibdib ko. "A-ano na?" Nagtataka siyang tumingin sa akin. "Ano?" Sambit niya.
"Nandyan pa ba? Kaharap mo pa ba? Ano?" Napasabunot nalang ako sa buhok ko. Mababaliw na nga yata ako.
"Wala na siya sa harap ko, pero ngayo'y nasa..." Naputol lamang ang kanyang pagsasalita nang tawagin kami nila mama. Kakain na raw. Naramdaman ko naman ang kalamigan sa buong batok ko habang papunta kami sa hapag-kainan.
"Hijo, halika kumain ka." Pag-aaya ni Papa.
Habang kumakain kami'y di mawala ang lamig at sakit sa batok ko.
"Anak? Anak okay ka lang? Ayaw mo ba ng ulam?" Nag-aalalang tumabi si Mama. Pansin ko rin ang pagtataka ni Papa at hindi pagtingin sakin ng ayos ni Zoren.
"Zoren?" Sapat na ang salitang yun para mapatingin siya kila Papa. "May problema ba kayong dalawa?" Natigil sa pagkain ang lahat.
Hindi ko maintindihan pero bigla na lamang sumikip ang dibdib ko.
"Z-zoren.."
"Si Aira..." Napakunot ang noo ko. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang takot. Napayukom ang kanyang mga kamao. Di niya siguro maisip kung sasabihin niya ba sakin o ano kasi baka matakot na naman ako. Naglakas loob na lamang akong tanungin siya. Siya ba ang may gawa nito? Nitong lamig sa batok ko?
"Ay ano?" Ayaw ko mang malaman ang sagot, hindi naman pepwedeng maging isang misteryo 'to sa buhay ko. At mas lalong di ko pwedeng palampasin na malaman ang buong pagkatao niya. Ginulo niya na ako. Kailangan kong maging malakas.
"Si Aira... s-sinasakal ka."