Unang engkwentro

227 8 3
                                    

Author’s Point Of View

 

August 28, 2014 [7PM]

 

Pasado ala singko na nang ako’y makauwi galing Waltermart. Sinamahan ko kasi ang isa kong kaklaseng bumili ng props para sa Buwan ng Wika kinabukasan. Hindi pa man nag a-alas sais pero sobrang lamig na. Sinuot ko ang aking makapal na jacket saka nanood ng variety show ng isang sikat na Kpop Group.

Hindi ko namalayan na 2 oras na pala ang naigugol ko sa panonood. Pinatay ko ang ilaw at nagpasya nang kumain sa baba at pag-akyat ko, himbing na himbing ang pagkakatulog ng kapatid ko kung kaya’t hindi ko na muna siya ginising para kumain.

Binuksan kong muli ang ilaw.

Nahagip naman ng mata ko ang aking ID. Una kong nakita ang abs ni Jimin na nilagay ko sa unahan ng aking ID para, uhm. Inspirasyon? Kinuha ko ito at pinagmasdan ang syempre, mukha ni Jimin. Matapos ay tiningnan ko ang likod nito. Nakita ko na naman.

 

Kinuha ko ang kapirasong papel na tinago ko nung Martes. Ngayon ko na lang muli mabubuksan ito. Talagang nahihiwagaan kasi ako. Sino ka, Aira?

 

Binasa ko sa aking isip ang nakasulat sa kapirasong papel na iyon. 

sorry po sa lahat

ng kasalanan ko

maraming salamat

po sa lahat

ng pag aalaga at

pagmamahal love you

po

 

                -Aira

 

Tinitigan ko lang ito. Baka sakaling may maisip akong plot at gagawin kong story dito sa Wattpad. (At eto na nga yun.)

Habang nag-iisip ako, gumapang ang takot sa buong sistema ko. Hindi dahil sa naisip kong plot ng magiging istorya ko kung saan ang bida ay si Aira, kundi sa biglaang pagkamatay ng ilaw.

 

Nanigas ako sa kinauupuan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Okay lang sana kung hanggang ngayon ay pinapanood ko parin ang isang idol group. Pero hindi.

Habang may oras pa. Habang hindi ko pa nakikita ang kaluluwa ni Ara. (Bida sa isang story sa Wattpad na binabasa ko)  Bumaba kaagad ako. Nakakatawa mang isipin pero hindi ko na nakayanan pang magstay sa taas.

Tinitigan naman ako ni Ate Sarah. Marahil ay nagtataka kung bakit dali-dali akong bumaba. Binago ko ang ekspresyon ng aking mukha. Mula sa takot na takot, naging ihing-ihi na. Hinawakan ko na din ang aking pajama para maniwala siya.

Hindi ko naisip na kung takot ako sa itaas, paano pa kaya pag nasa cr na ako? Kung saan, ako lang ang tao. Kaya ang ginawa ko, hinayaan ko lang na bukas ang pintuan ng cr. Umupo ako sa toilet bowl at gumawa ng tunog ng pag-ihi.

Ayokong tumingin sa unahan dahil makikita ko ang repleksyon ko sa salamin. Ganito karamihan ang eksena sa mga horror movies. Titingnan ang repleksyon pagkatapos ay may lalabas na mumu sa likod mo. Nakakatakot.

 

Umiling-iling ako. Sana naman, hindi ko makita dito si Bloody Mary.

 

A I R ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon