Matapos kong magflush, lumabas na kaagad ako. Sinilip ko muna sa itaas pero wala. Wala paring sindi ang ilaw. Juicecolored.
Unti-unti akong humakbang. Habang pataas ng pataas ang baitang ng hagdanan, palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko.
Paano kung nandoon yung Aira? Ayoko siyang makita.
Sa wakas. Nasa kwarto narin ako. Niyugyog ko kaagad ang kapatid ko habang nakapikit. Sa oras na iyon, nagbago bigla ang motto ko. Mas mabuti nang wala akong makita kaysa makita ko si Aira.
“Hoy! Zoey…”
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Gusto ko lang siyang magising para kung sakali mang nandito si Aira. Parehas naming makikita. Damay damay na ituu.
“Ano.. Zoey.”
“Hmm?!” Ungol lang ang naisagot niya. Halatang galit to.
“Ano kasi.. uhm.”
“Hmm?!”
Nakupo.
Naramdaman kong gumalaw siya patalikod. “Kumain ka na daw.”
Hindi na siya kumibo. Juskopo.. Aira, wag ngayon please.
Labag man sa kalooban ko, niyugyog ko siya ng malakas. “Hoy kasi naman! Kumain kana daw kasi! Hoy!” sumigaw na ako nun. Pero, nakapikit parin ako. Baka kasi pagmulat ko, ka eye-to-eye ko na si Aira. Ayoko ng ganun. Baka hindi ko maisuot ang nurse outfit bukas.
“Anoganaman!Nakakainisnamane!” Mabilis siyang bumangon.
Hay salamat. Naibukas ko na ang mga mata ko. Dali-dali akong pumunta sa may switch ng ilaw at agad na binuksan yun.
“Hay! Salamat. salamat!Wooooo!” Nagtatalon naman ako sa tuwa.
(Hindi ko alam kung nakakatakot ba ang magiging kalabasan nito o katangahan ko lang ang umiral sa buong istorya.)
“Anong salamat ka dyan?!
“Ha? Eh. Wala. Kung ayaw mong kumain, tulog ka na daw ulit.” Ngiting-ngiti pa ako ng sabihin ko iyon. Parang kanina lang e halos himatayin na ako. Ngayon naman e, nanloko pa ako.
Narinig ko ang galit na pagbulong niya saka kinuha ang kumot at natulog na ulit.
Hinanap ko naman bigla ang sulat.
“Yung sulat.. nasan na. Yung sulat.”
Hinanap ko ito kung saan-saan. Sa lamesa kung saan ko ito iniwan, sa upuan kung saan ako nakaupo kanina. Pati sa ID ko, tiningnan ko na din. Pero wala.
Nakapagtataka naman.
“Ayun!” pagturo ko pa kung saan ko nakita. Nasa may paanan ito ng kama namin.
Pero bakit gusot na?
“Ate!” pagtawag sakin ng kapatid ko.
Nagulat naman akong bigla kasi kanina lang, galit at nakahiga siya tapos ngayon nasa may pintuan na. At tinawag pa ako.
“Oh ano? Kakain kana? Sige kumain kana d—“ Nakatalikod ako sa kanya dahil nagsisimula na akong itype ang story’ng naisip ko.
“Paano ako kakain? Tsinelas mo.” Edi gamitin niya tsinelas ko.
“Nandyan lang yan. Kagagamit ko lang kanina e.” Hindi naman sa pagmamayabang pero inggit kasi yun sa tsinelas kong may heart heart pa. Ewan ko ba kung bakit obsessed yun dun. Gamit niya, gamit ko. Tsk.
“Paano ko gagamitin e puro putik?”
“Kadali naman nyang problema mo! Edi hugasan mo sac r kung puro—Teka. Putik?”
Hala.