Flashback
August 26, 2014 [3PM]
Nandito na kami ngayon sa room. Kababalik lang naming gawa ng nakipagpalitan ng rooms ang 4th year. Gumagawa na kami ng project dahil maya-maya lang, pasahan na.
Kasalukuyang nagdidikit ako ng cellophane kasama ang mga kagrupo ko sa activity na ito. Si Ciarra at si Hannah. Apat kami pero si Kim ay nagpapractice para sa interpretative dance na ipeperform sa Biyernes.
Habang busy sila sa paggagawa ng heart na may wings, (yun kasi yung design ng amin) naghahanap ako ng ipapampahid ko sa glue na dumikit sa kamay ko. (Malamang.) Nakahanap naman ako kaso nga lang, nakatupi ito. Dahil sa kuryosidad ko, (tsismis na din kung love letter man) binuksan ko bago ko dudumihan.
Napakunot naman ang noo ko. At the same time, natakot din. Naalala ko kasi yung binabasa kong story. Instant promote na din. I love you, Ara. By JamilleFumah. Halos magkaparehas lang kasi ng pangalan yung nagsulat saka si Ara.
Tinanong ko si Ciarra na ngayon ay kaharap ko. “May kilala kang Aira?”
Umaasa akong masasagot niya ang tanoong ko. Pero, “Bakit?” tanong niya pabalik sa’kin.
Hindi pa man ako nakakasagot e hinablot na niya ang kapirasong papel na hawak ko.
“Oy ano yan?” Nakisali na din si Hannah. “Basahin mo.”
Binasa naman nila ito at napaisip din. “Saan mo ba ‘to nakita?”
“Dito.” sabay turo ko sa mismong pinanggalingan ng papel.
“Wala akong kilalang Aira. Kayo?”
“Meron kaso Grade 8.” Sabi ni Hannah.
“Wala namang pumupunta dito sa room na Grade 8. Paano kaya magkakaroon niyan dito?”
Tanong ni Ciarra. “Teka. Diba kanina nagpalit tayo ng room ng 4th year? Hindi ba?” mariing pahayag naman ni Hannah.
“Oo nga. Di kaya, sa 4th year to?” Ngayo’y nasa akin na ulit ang papel.
“Imposible.” pagtutol ni Ciarra sa teorya ko. Alam ko namang talo ako dito dahil sa madaming kilalang personalidad yan sa school.
“Bakit?”
“Walang Aira sa 4th year.”
Umalis muna si Ciarra at naiwan kaming tulala ni Hannah sa sulok. Katapat naman namin si Zoren na walang pakialam sa mundo. Nakayuko at nagsusulat lang ng kung anu-ano sa notebook niya. Naramdaman niya namang tinititigan ko siya kaya siguro tumigil siya sa pagsusulat. Ramdam ko. Kahit na hindi nakatingin ang mga mata niya ay nakatitig din siya sakin.