Naniniwala ba kayo sakin? Sabihin niyo nga.
**
Kinuha ko ang pamaypay ko at pumunta sa labas.Hinihintay ko parin ang mga magulang at kapatid ko dito sa labas ng bahay. Sabi kasi nila, pagbuksan ko daw sila ng gate pag nagdoorbell sila. At ako naman, bilang likas na matatakutin e di ko na kailangang ng doorbell dahil ako na mismo ang bantay sa gate.
Nakaupo lang ako sa may bleacher nang nakita ko ang kapitbahay ko, lumalabas sa kanila. Minabuti ko na lamang na magtanong. "Ate, bakit ka lumabas?" At dahil close naman kami, sinagot niya ako.
“Mainit kasi sa loob e.” Tumango tango naman ako.
Nakatalikod na siya sa akin nang mapansin kong nagmamadali siya. “Ate, saan ka pupunta
?”Lumingon naman siya at ngumiti. “Sa may playground diyan lang malapit. Sige, una na ako!”
Magpapaalam pa sana ako pero bigla na lang siyang umalis. “Hay. Makabalik na nga.”
Babalik na sana ako sa may bleacher pero “Pst!”
Alam kong malapit lang sa akin ang sumisitsit pero hinayaan ko lang. Sabi nga nila, baka guniguni lang daw iyon. Likha ng iyong maduming este malikhaing isip.
May sumitsit na naman. Pero nakatalikod parin ako. Mukha namang hindi nakakatakot ang sumisitsit kaya hinayaan ko nalang.
“Pst!” Pero itong sitsit na ‘to ang nagpatayo ng balahibo ko. Ramdam na ramdam kong sobrang lapit lang ng sumisitsit sakin.
Lilingon ba ako?
Unti-unti akong lumingon at nabigla ako sa nakita ko.
Isang babae ang nakaharap sa akin ngayon. Isang dipa lang ang agwat ng aming mukha. Literal na face to face.
“Ate! Hoooooo. Juicecolored. Ginulat mo naman ako doon!” Sinusubukan ko siyang itulat gamit ang aking kamay pero sobrang lakas niya.
“Bakit ka ate bumalik?” pagtataka ko. “Ikaw ba ang sumisitsit?”
Inalis niya naman ang tingin niya sa akin at tiningnan ang bahay namin.
“Pasensya na kung natakot man kita.”
“Pero may nakikita akong babae sa may pintuan niyo.”
“Mag-ingat ka.”
Hindi ko man alam ang sinasabi niya, umoo na lang ako. “Opo a-”
At katulad ng kanina, hindi niya na naman hinintay ang sagot ko bagkus tumakbo na siya.
Naiwan naman akong tinitingnan din ang anggulo kung saan siya tumititig kanina.
“Sus. Tinatakot lang ako nun. Wag niyang sabihing si Aira yun tapos yung putik at sulat siya ang may gawa? Haha! Seriously, may ganun pa ba?” Pinaniniwala ko ang sarili kong hindi ako natatakot pero unti-unti ay bumigay ang nararamdaman ko.
Tinawagan ko si Mama. “Saan na kayo? Ang tagal niyo naman. Hapon na.”
“Sorry anak. May aksidente kasi dito kaya traffic. Maya-maya pa kami makakauwi.”
“Ay. Sige po.”
Pagkatapos nun, nagpasya na akong pumasok sa loob ng bahay. Maliligo na ako.
Umakyat ako sa taas at kinuha ang gagamitin kong mga damit. Sumipol sipol naman ako habang papunta ng cr nang sa gayon ay hindi ako matakot.
Hinubad ko na ang damit ko at binuksan ang shower nang biglang namatay ang ilaw. Humina rin ang bagsak ng tubig. Tiningnan ko ang ilalim ng pintuan at napansin kong madilim.
“Naku. Black out na naman. Wrong timing!”
Halos hindi ko na makita yung sabon at kumapa-kapa na lamang ako. Mayamaya ay may nag abot naman sakin ng kandila kaya nagpatuloy na ulit akong maligo.
“Ang lamig! Sht! Wooooo!” Buhos lamang ako ng buhos sa aking katawan. Minsan lang akong tumagal sa pagligo kaya sinusulit ko na.
Pagkatapos kong maligo, pinunasan ko na ang katawan ko at nagbihis sa loob ng cr. Ugali ko na kasing magbihis sa loob ng cr para paglabas, magpapahinga na lang. Saka, ayaw kong magtowel pa.
Lumabas na ako ng pintuan dala dala yung kandila. Pumunta ako ng sala at pag sinuswerte ka nga naman, nagkameron na ng ilaw.
Wala parin sila. Nagmovie marathon na lamang ako sa sala namin. Nakakatawa naman ang pinapanood ko kaya tawa lang din ako ng tawa.Pero habang nguya ako ng nguya, may naisip ako.
Doon naman ako kinabahan ng husay.
Kung wala pa sila, sino ang nag-abot sa akin ng kandila kanina?