Pinagmamasdan ko lamang siya habang naglalakad palayo sa pwesto namin ngayon.
Naguguluhan na ako.
Sino ang totoong Hannah?
Ngayo'y wala na akong kasama. May nakita naman akong isang coke-in-can at sinipa-sipa ko iyon. Kung saan man ako dalhin ng bote ay hindi ko na alam.
Kung patay na si Aira, bakit niya ginagawa sakin to? Bakit niya ako tinatakot pa? Hindi ba pwedeng straight to the point na lang siyang magsabi sakin?
Nasa tabi pa rin ako ng kalsada. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Malapit lang ang bahay namin pero mas pinili kong huwag munang umuwi. Nakatungo lang ako habang sinusundan ng mata ang latang sinisipa ko. Tumigil naman ito sa may pares ng paa kaya tumigil din ako.
Isang pares ng paa. Itinaas ko ang aking ulo upang masilayan kung kanino ang mga pares na iyon.
"Zoren.."
Nakatungo lang siya at wari ko'y tinitingnan ang latang tumigil sa kanya.
"Pwede ba kitang makausap?" Sabi nito habang hindi parin inaalis ang tingin sa lata.
Bakit? Para saan?
"Samahan mo muna ako samin. Magpapaal--"
"Doon naman ang sadya ko. Halika na."
Kinuha niya muna ang lata at nauna nang tumalikod at naglakad. Mukhang alam niya kung saan ako nakatira.
"Alam mo kung saan ang bahay ko?" Hinabol ko ang kanyang paglalakad para naman hindi ako nagmumukhang mag-isa.
"Oo."
Isa lang ang salitang lumabas sa bibig ko. "Paano?"
"Mamaya ko na sasabihin."
Tumahimik na ako nun. Nakuntento naman ako sa mga sagot niyang hindi eksakto. Nang makarating na kami sa aming bahay, pumunta kami sa sala at doon nag-usap.
Dumating naman ang aking mga magulang galing trabaho. Tumayo kaming dalawa at nagmano sa kanila.
"Oh hijo, anong sadya mo? May hihiramin ka ba? Ano? Sabihin mo lang baka naman may maitutulong kami sa'yo." Nakangiting wika ni Papa.