3rd sign (part 2)
Hay.. Kahit matagal ko nang alam na maganda ako, nakakadagdag pa rin ng kagandahan ang makasabay sa paglakad sa daan ang isang Train Del Castillo.
Mas pinili naming maglakad – I mean, mas pinili niyang maglakad na lang kami dahil ayon sa kanya ay gusto pa niya akong makasama ng matagal. Hindi ko na tinanong kung bakit dahil baka maudlot pa ito, hihintayin ko na lang na siya na mismo ang magsabi sa akin ng mga meaning ng mga banat niya,. Siyempre, pakipot nga ‘di ba?
Nalaman kong sobrang gentleman niya pala dahil bukod sa dinala niya ang mga libro ko ay pilit pa niyang kinuha sa akin kanina ang shoulder bag ko, noong una ay ayaw ko talaga dahil bitbit na niya ang dalawang libro ko at tsaka may backpack pa siya kaya tumatanggi ako, mabigat kaya itong shoulder bag ko. Pero dahil mapilit siya at sobra-sobra akong nawala sa katinuan nang aksidente niyang mahawakan ang kamay ko dahil sa pag-aagawan namin sa aking bag kanina, ay pumayag na rin ako at nakuha niya ito sa akin.
Hay. Ang mental note ko sa sarili ko ngayong araw na ito ay huwag munang maghugas ng pinggan. At dahil ako ang nakatokang maghugas ngayon ay pakikiusapan ko muna ang nakababatang kapatid kong si Grace na magpalit muna kami ng araw. Gagamitan ko na lang siya ng irresistable charms ko at mapapapayag ko rin ‘yun.
Napagtanto ko rin na sobrang daldal pala niya. Sa classroom kasi ay hanggang tingin lang talaga ako sa kanya dahil bukod sa nasa harap siya at nasa likod ako ay nahihiya akong kausapin siya dahil akala ko ay english spokening dollar siya. Nagsasalita kasi siya ng Ingles noong first day ng school. Diyahe naman kung makipag-inglesan ako sa kanya e mali-mali naman ang grammar ko.
Nakwento niya sa akin na lumaki siya sa Australia kahit purong Pinoy ang mga magulang niya, doon kasi nakabase ang main office at pagawaan ng negosyo nilang pabango. Umuwi lang daw sila dito sa Pilipinas dahil nagbabalak din ang papa niyang gumawa rin dito ng main office at pagawaan. Nang tanungin ko kung babalik ba sila agad sa Australia ay sinabi niyang hindi raw siya sigurado pero sa tingin niya ay magtatagal sila rito. Hay. Sana nga, ultra mega crossed fingers.
Nasa kalagitnaan ako ng pagdadasal sa utak ko nang bigla niyang ipinulupot ang kanyang braso sa aking beywang at hinablot ako papalapit sa kanya. Sunod-sunod na bulungan, sigawan at busina ang narinig ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero bigla akong kinabahan.
“Hoy! Tumabi-tabi kasi kayo sa gilid ng daan! Mga batang ire! Inuuna ang kalandian kaysa sa kaligtasan!” rinig kong sigaw ng isang matandang babae.
“Sorry po. Pasensya na po!” naririnig kong sabi ni Train na sinamahan pa niya ng bahagyang pagyuko. Tinitignan ko siya habang ginagawa niya iyon, at may isang bagay akong narealize.
Siya na nga ata ‘yung Mr. Perfect Guy ko. Oo, alam kong sobra pang maaga para sa sabihin at isipin ang mga ganitong bagay pero ito ang nararamdaman ko e. Ang makita siyang humihingi ng tawad sa taong nasa paligid at maramdaman ang mahigpit niyang yakap sa akin ay sapat na para sa akin na isipin ang ganun.
At tsaka.. at ano… ANG BANGO NIYA SHEMS! GRABE LANG! PARANG GUSTO KO NANG HUBARIN ANG POLO NIYA AT IUWI! AAMUYIN KO TALAGA ITO NG BONGGANG-BONGGA! GAGAWIN KO TALAGA ’TONG PUNDA NG UNAN NA YAYAKAP-YAKAPIN KO GABI-GABI! Hay jusko!
Hindi pa ako tapos sa pagsi-singhot ng amoy ng polo niya nang bigla niyang hawakan ang balikat ko at hinarap niya akong mabuti sa kanya. Tinitigan niya ang mukha ko. Kainis! Hindi ko pa tapos singhutin ang polo niya e!
“Okay ka lang ba? May masakit ba sa’yo?” nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya nang sabihin niya iyon. Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita. “Mag-ingat ka next time, please? Paano kung wala ako sa tabi mo kanina? E ‘di kung ano na ang nangyari sa’yo?”
BINABASA MO ANG
16 signs
Teen FictionCrazy Friendship Series #2 Kailan nga ba dapat sundin ang mga signs? Kailan nga ba dapat sundin ang sigaw ng puso? Mas matimbang nga ba ang dapat kaysa sa gusto? Alamin ang sagot ni Yuni Jane Bernal sa tanong na iyan at samahan siya sa...