1st sign and 2nd sign (part 1)

76 3 0
                                    

1st sign and 2nd sign (part 1)

Waaahh! Oh my G! oh my G! OMG!

Nakita ko na siya! Nakita ko na talaga!

SI MR. PERFECT GUY NG BUHAY KO!

"Aray!" napahawak ako sa ulo ko dahil may biglang sumapok nito. Pagkatingin ko ay si Amy pala na halos hindi na maplantsa ang mukha sa sobrang lukot nito. Hays! Imbyerna talaga ang babaeng ito!

"Eh kung hindi ka ba naman baliw eh! Sige nga, ilan na ba ang nagawa niyang signs?" tanong naman ni Sesha na may halo pang pagsigaw.

Ouch, umalog na ata yung mga luga ko sa ears!

"Dalawa." Proud ko pang sagot sa kanya.

"Ilan lahat-lahat ng signs mo?"  tanong ulit niya.

"Sixteen!"- ako.

"16-2?" – Sesha.

"Duhh! Sesha! Akala ko ba honor student ka? Malamang 14! Easy math lang hindi mo pa masagot!"

Tsk. 'Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Ang mga problema sa mga matatalino, sa sobrang komplikado ng mga tanong na sinasagutan nila, yung mga madadaling tanong ay nakakalimutan na nilang sagutan. Hays.. tsk. Tsk. Kawawang Sesha.

"ARAGUY! DALAWANG SUNOD NA BATOK YUN AH! BUMIBINGO KA NA SA'KIN!" sigaw ko kay Sesha matapos niya akong batukan ng dalawang beses! Seshang 'to buti nga tinuturuan ko siya ng basic math para hindi niya makalimutan eh! Di ba niya alam na nakakamatay ng brain cells ang pagbatok? Kayo? Alam niyo ba? Ako rin hindi, hula ko lang 'yun. 

"Naku! Ikaw nga kumausap diyan, Amy. Baka lalo lang akong mabobo diyan." Sabi ulit ni Sesha. Hmp! Sungit talaga.

"Ikaw naman kasi Yuni, masyado kang excited." Hirit naman ni Destiny.

"Dalawa pa lang ang nagagawa niyang signs, Mr. Perfect na agad? Agad-agad?" sagot naman ni Veil habang nginunguya yung binuraot niyang Piattos ni Jerome.

"Eh basta, feeling ko, siya na talaga." Giit ko naman.

Eh bakit ba? Sa feel ko eh, feel na feel ko talaga na siya na.

Nararamdaman ko na! wahh!

"Hello, Yuni! 2 out of 16 pa lang ang nagagawa, 14 to go pa o! paano pag hindi niya nagawa yung 14? Eh di nganga ang pinagmamalaki mong beauty kuno." Sabi naman ni Kea na sinadyang tumigil muna sa pagkakabisado ng isang korean song para lang makapagcomment.

"Tsk! Basta, wag nga kayong kontra. Cause I got a feeling . . . . wohh! That tonight's gonna be a goodnight! That tonight's gonna be a good good naaaaaaaaaaaaaaayt! "

Hihihihihi! Ayan tuloy napakanta ako, with matching indak pa!

"Ay jusko, malala na 'to" sabi pa ni Siren na may kasamang iling.

"Naku, tinamaan na." – Sesha.

"Hindi ko kilala 'yan!" – Amy

"Shit. Nakakahiya ka, Yuni. Tigilan mo nga 'yan." – Veil.

Bahala sila. Basta naniniwala ako na siya na nga 'yun! OMG! Unang kita ko pa lang sa kanya, alam kong siya na talaga! ^_^

Naalala ko nanaman tuloy ang super duper uber kilig moment of my life! :">

*SUPER DUPER ULTRA MEGA FLASHBACK ^_^*

First day of school.

At siyempre, kanya-kanyang kumpulan at kamustahan to the max. At siyempre, hindi magpapahuli ang aking mga friendships.

16 signsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon