1st and 2nd sign (Part 2)
*back to reality*
Kanina pa ako nagngangangawa sa canteen na si Train Del Castilloo na nga ang Mr. Perfect guy ko, kaya ayun, nagalit ang mga bruha dahil masyado na daw akong nag-oover react. Eh bakit ba? Gusto ko eh! Hmp.
"Tara na nga't bumili na lang tayo ng pagkain bago pa tayo mahawaan ni Yuni ng kabaliwan niya." Sabi naman ni Amy sabay tayo.
Hindi ko na lang pinanasin yung comment niya dahil nega forevs naman talaga ang bruhang 'yan. Tumayo na lang rin ako kasabay nila saka pumila sa bilihan ng mga junk foods at biscuits.
Habang nakapila kami ay bigla namang nagsibulungan at tilian ang mga tao sa canteen.
"Bakit? Anong nangyayare?" tanong ni Siren na nagtataka din sa mga nangyayari.
"Baka mag-gra-grand entrance nanaman ang mga hearthrobs kuno." Sagot naman sa kanya ni Sesha.
At nang sumilip kami sa may entrance ng canteen ay tama nga ang hinala niya. Gumagawa nanaman ng grand entrance ang mga feepos. Ayon sa Maganda si Yuni's dictionary ang ibig sabihin ng feepos ay feeling pogi mukha namang pwet ng baso. Wag kayong maingay ah! Pauso ko lang yun! Hahahahaha!
Lalong lumakas ang tilian ng mga babae nang tuluyan nang tahakin ng mga members ng feepos ang canteen. Kung enteresado kayo sa mga profile nila. Add niyo na lang ako sa facebook, friends ko sila dun. Pero dahil makulit talaga kayo at tamad ako, mga pangalan na lang ang ibibigay ko.
Ang mga members ng oh so famous at isa sa mga pinakasikat na grupo ng mga lalaki sa school ay sina Chaser De Silvia, Grey Louis Montefalco, Chew Anderson, Calvin Keith Ty (CK) , Patrick Rye Po (Rye), Gentrick Jean Dizon (Trick) at si - - - - Ack! Pangalan pa lang nasusuka na ko! EWWWW!
"Bakit nakapink na polo shirt si OME? 'Di ba bawal 'yon?" tanong naman ni Kea.
Shit. Pangalan pa lang niya nanginginig na ang buong sistema ko. Hindi dahil sa kilig kundi sa kilabot. At dahil minention na rin naman ni Kea, si Orion Michael Estrada a.k.a OME ang super duper ultra mega pinaka-worst enemy ko sa balat ng pinatabang lupa. Makita ko lang ang mukha niya, tumataas na ang presyon ko.
"tss. Feeling transferee kasi eh." Sabi ko naman sa kanya.
"Ang alam ko, natapunan siya ng juice kanina, eh yun lang daw 'yung extra niyang damit sa locker. Kaya ayun." Paliwanang naman ni Sesha.
"HA! Buti nga sa kanya." – ako. With matching evil smile pa 'yan!
"Ikaw talaga, Yuni. Ang init-init lagi ng ulo mo pagdating kay Ome, mabait naman 'yung tao. Bonus na nga lang 'yung kapogian niya." Komento naman ni Destiny.
" Mabait? Eh wala nga atang ni katiting na bahid ng kabutihan sa katawan 'yon. At tsaka hello! Bulag ka ba? Saang banda sa katawan niya ang pogi? Tss. Baka sa pwet kamo!" sambit ko naman saka tumalikod na sa kanila dahil malapit na ako sa unahan ng pila.
"Talaga lang ah?"
"Oo! Talagang-talaga!"
"Bakit? Nakita mo na ba ang pwet ko?"
Nagulat ako at natigilan. Lumingon ako sa likod ko at nalamang nandun pala siya kasama sina Rye at Chew at ang mga friends ko.
"Wala akong pake sa pwet mo!" sigaw ko naman sa kanya.
Hay bwisit talaga ang nilalang na 'to kahit kailan. Nagsitawanan naman ang mga kaibigan ko at mga feepos.
"Wala rin naman akong pakielam sa'yo. Flat chested girl." Sagot naman niya sa akin.
BINABASA MO ANG
16 signs
Teen FictionCrazy Friendship Series #2 Kailan nga ba dapat sundin ang mga signs? Kailan nga ba dapat sundin ang sigaw ng puso? Mas matimbang nga ba ang dapat kaysa sa gusto? Alamin ang sagot ni Yuni Jane Bernal sa tanong na iyan at samahan siya sa...