1st and 2nd sign (part 3)
Nang umalis na yung teacher naming si Salbakuts dahil nag-bell na ay lumapit agad ako sa kinaroroonan ni Sesha the sungit.
"Bakit ako ang tinatanong mo? Di naman ako 'yung coach nila." 'yan ang sagot niya sa akin nang tanungin ko kung anong oras ang try out ng soccer team.
Kita niyo, sungit talaga.
"Eh, Sesha naman, 'di ba bestfriend mo si Chaser? 'di ba kasali 'yun sa soccer team? Malamang alam mo 'yun!"
"Hindi niya ako P.A. para kabisaduhin ko kung ano ang schedule niya."
Haist, ang sungit talaga nito. May LQ siguro sila ng bestfriend kuno niya.
"Asus. Siguro may LQ kayong dalawa ni Chaser noh? Kaya ang sungit mo nanaman." Pang-aasar ko sa kanya.
"Manahimik ka diyan baka sipain kita." Napakabrutal talaga nitong babaitang to.
"Wag! Maraming iiyak na boylet pag ginawa mo 'yun."
Whahahaha! Conceited lang eh. Well. Sino pa bang mag-aangat sa akin kundi ako lang , 'di ba?!
"Oo, maraming maiiyak sa tuwa dahil mababawasan na ang flat chested sa mundo."
-_- eh kung siya kaya ang saksakin ko para mabawasan na ang mga menopausal stage sa mundo? Kainis talaga tong bruhang 'to!
"Wag ka ngang gumaya sa Ome na 'yun! Bad kayong dalawa! Hmp." Sabi ko sabay humalukipkip.
Taray! Humalukipkip! Saang baul ko naman daw nahugot 'yun? Whahahaha!
Pero inis pa rin ako kay Seshang sungit.
"Totoo naman 'yung sinasabi namin. Hahahahaha!"
Tignan mo 'to. Kanina lang akala mong nagmemenopause sa sobrang kasungitan tapos ngayon ako naman ang iniinis.
"Che! Bahala ka nga diyan, kainis 'to." Tumatawa pa rin siya nang maglakad ako palabas papuntang c.r. dahil nawiwi ako sa sobrang inis sa kanya.
"Hahahahaha! Mamayang uwian ang try-out nila. Hay nako, Yuni. Laughtrip ka talaga!"
Narinig kong sigaw niya bago ako makapasok ng c.r. kaya napangiti ako.
Hay! Buong araw na akong nakatitig sa kanya pero hindi pa rin ako nagsasawa. True love na ituuuu!
--
Late nagpalabas si Mr. Ravena, teacher namin sa Economics. Kaya pagkasabing-pagkasabi niya ng "goobye class, see you tomorrow." Ay agad akong nag-marathon palabas papuntang soccer field.
Inexcuse kasi ng mas maaga sa klase 'yung mga magtatry-out at mga soccer player ng school kaya malamang ay nag-uumpisa na ang game nila. Haist. Kainis si Sir. >.<
Pagdating ko dun ay halos hindi ko nanakikita 'yung mga naglalaro dahil dami ng nanunuod, karamihan mga babae.
Asar naman! Paano ko siya mapapanuod? Anak ng balyena naman!
Bahala na. Kailangan ng gumamit ng dahas.
"Excuse me po!"
"Gosh! Ang pogi ni Train Del Castillo kahit pinagpapawisan siya!"
"Mas gwapo si Yodge! OMG! Sarap halayin!"
Yuck! Kadiri 'tong mga to! Mga higad!
Aray! Natapakan 'yung paa ko!
"Go Orion! I love you na!"
"GOAL!"
"Oh my goodness! Ang galing talaga ni Ome! Labs ko na talaga siyaaaa!"
BINABASA MO ANG
16 signs
Teen FictionCrazy Friendship Series #2 Kailan nga ba dapat sundin ang mga signs? Kailan nga ba dapat sundin ang sigaw ng puso? Mas matimbang nga ba ang dapat kaysa sa gusto? Alamin ang sagot ni Yuni Jane Bernal sa tanong na iyan at samahan siya sa...