3rd sign (part 3)
"Okay, class dismissed. Pwede na kayong umuwi. Bernal, maiwan ka. Mag-uusap tayo." sabi ni Sir Darren sa lahat na ngayon ay may mga bulak na sa dalawang butas ng ilong at may hawak-hawak na ice pack sa ulo.
Hindi ko alam kung utos ba 'yun o banta na tatapusin na niya ang buhay ko ngayon. Sobrang kinakabahan na kooooo!
Pero hindi ko naman kasi kasalanan 'yun! Siya 'tong dilat ang mga mata sa aming dalawa, ba't hindi na lang siya umiwas noong papalapit na sa kanya 'yung bola. Tss. Sa bagay, pag tumatanda talaga, tumutumal ang reflexes. Hayy.
"Yuni." narinig kong tawag sa akin ni Destiny na nasa tabi ko kaya napalingon ako sa kanya. Kasama niya ang buong barkada. Nakasukbit na sa kanilang mga balikat ang kani-kanilang mga backpack. Pauwi na sila. "Hintayin ka na lang namin sa labas ng gym." aniya.
Bigla naman akong nakaramdam ng hiya dahil late kaming uuwi lahat dahil sa akin. "Ahm. Wag na! Uuwi na lang ako mag-isa, kaya ko naman e!"
"Ay! Magpapamisa na ba ako sa Quiapo?!" napatingin kaming lahat sa nagsalitang si Amy. "Bigla kasing tinablan ng hiya 'yung makapal mong mukha!" dugtong pa niya na ikinatawa ng lahat.
Bruhang 'to! Hinampas ko nga! Hindi naman makapal ang mukha ko ah! Well, konti lang naman..... Ahm. Okay medyo na lang....TSS! OO NA! MAKAPAL NA KUNG MAKAPAL! KAINIS!
At least maganda pa rin. Hihihi!
"Hindi! Okay lang talaga. Mauna na kayo. Gagabihin pa kayo sa pag-uwi." kontra ko naman sa kanila.
"E paano ka?" tanong ni Siren.
"Ako nang maghahatid sa kanya." napalingon kaming lahat sa nagsalita. Napakapit ako agad sa katabi kong si Destiny dahil nanghina ako. Nanghina ako dahil nakita ko ang magandang creature na si Train Del Castillo na nakangiting naglalakad papalapit sa pwesto namin.
"Ako nang bahalang maghintay at maghatid sa kanya. Hihintayin ko na lang siya sa labas ng gym. 'Wag na kayong mag-alala." paninigurado niya sa mga kaibigan ko.
Nagkatinginan naman kaming magbabarkada at alam na nila ang gagawin.
"Okay sige. Ingat na lang kayo sa pag-uwi!" sabi ni Sesha at lumapit siya sa akin sabay bulong ng, "'Wag mong gahasain si Train ah. Kahit anong mangyari, pigilan mo ang sarili mo."
Mahina ko siyang itinulak papalayo sa akin dahil malakas siyang tumawa sa tapat ng tainga ko matapos niyang sabihin iyon.
"Gaga! Hindi naman ako ganun noh!" Sigaw ko naman sa kanya pero hindi na nila ako pinansin sa halip ay kumaway na lamang sila at dumertso nang lumabas ng gym.
Nang magtama ang tingin namin ni Train ay mas lalo akong kinabahan dahil narealize kong kami na lang pala ang magkasama. Landi hormones, calm the fuck down!
"Bernal! Ano pang itinatayo-tayo mo diyan? Lumapit ka na dito!" bulyaw sa akin ni Sir Darren ba ikinagulat ko. Kahit kailan talaga panira ng moment! Kainis!
"Yuni, hihintayin na lang kita sa labas ah. Tawagan mo ko kapag nagkaproblema." Sabi niya saka nagpaalam na aalis na.
Hindi matanggal ang ngisi ko nang lumakad ako papalapit kay Sir Darren. Si Train kasi e! Masyadong pinapakilig ang beauty ko. Lalo tuloy akong gumaganda.
“Anong nginingiti-ngiti mo diyan, Bernal?” natauhan lang ako nang marinig kong tinawag ni Sir Darren ang pangalan ko, nakarating na pala ako sa harap niya.
“Wala po, Sir. Hehe!” kinagat ko ang labi ko upang mapigilan ang pag-ngiti. Pero hindi ko pa rin talaga mapigilan dahil gusto ko na lang talagang mangisay sa ideyang inaabangan niya ako sa labas ng gym. Enebe!
BINABASA MO ANG
16 signs
Teen FictionCrazy Friendship Series #2 Kailan nga ba dapat sundin ang mga signs? Kailan nga ba dapat sundin ang sigaw ng puso? Mas matimbang nga ba ang dapat kaysa sa gusto? Alamin ang sagot ni Yuni Jane Bernal sa tanong na iyan at samahan siya sa...