Prologue

105 3 2
                                    

Prologue:

Maraming beses na akong nasaktan.

Nadala naman na siguro ako, pagod na akong umiyak, maglupasay, at makitang namamaga ang mata ko kinabukasan na para bang kinagat ng ipis dahil lang sa love love na ‘yan. D

Kaya this time, gusto ko, okay na. Yung tamang tao na talaga, yung perfect guy na para sa akin ang makikilala at mamahalin ko sa pagkakataong ito.

At dahil maganda ako ay naisip ko na gumawa ng signs, signs na tutulong sa akin para mahanap si Mr. Perfect guy! Hihihihihihihihihihihihi! Masaya ituu!

Pero hindi pa rin ako nakakapag-isip ng pwedeng signs, signs na babagay sa tulad kong maganda.

Hihingi na lang ako ng tulong sa mga baliw friends ko.

Nasa rooftop kami ng school ngayon.

Last day of school year na kasi kaya kahit bawal ay umakyat pa rin kami. Hehehehe.

3rd year highschool pa lang kami ngayon, next year ay siyempre 4th year highschool na. aww! Graduation na.

“Guys! Tulungan niyo naman ako.”sabi ko ng magsettle down na kaming lahat sa may rooftop. Naks! Settle down.

“Saan naman ‘yan?” tanong naman ni Amy.

Pinakita ko naman sa kanila yung papel na hawak ko na may nakasulat na Signs to find my Perfect Guy.

“Anong kalokohan nanaman ‘yan, Yuni?” sabi naman ni Sesha.

“Oo nga, wala namang perfect sa mundo eh, except God.” Sabi ni Veil sabay tingin sa langit with matching prayer position pa.

Binatukan ko nga.

“Aray naman!” reklamo pa niya.

“Pwede ba, walang basagan ng trip. Tulungan niyo na lang ako.”

“Ilang signs ba ang kailangan mo?” biglang tanong naman sa akin ni Kea.

Oo nga noh? Ilan kaya ang pwede?

Hmm. Ah! Alam ko na!

“100! 100 signs!” malakas na siogaw ko pa sa kanila. O diba? Im so brilliant!

“Nasisiraan ka na ba? Baka otsenta anyos ka na ay hindi mo pa rin nahahanap yang Perfect guy mo kuno. Kahit kailan ka talaga.” Sabi naman ni Amy.

Eh ilan naman kaya ang pwede? Aha! Alam ko na talaga!

“16 kaya?”

“Hmm. Pwede na siguro ‘yun bakit naman 16?” tanong naman sa akin ni Siren.

“Birthday ko! ^_^” masiglang sagot ko naman.

Febuary 16 po ang birthday ko sa mga hindi nakakaalam. ^_^

Nilagyan ko ng numbers from 1-16 yung papel na hawak ko.

“May naisip na ako!” – Ayuii.

“Ano?” ecited na tanong ko sa kanya.

“Kung sino ang nakapink na polo shirt sa first day of school net school year ay siya ang perfect guy para sa’yo!” tugon naman niya.

“Sira! Eh paano naman mangyayari ‘yon, recquired kaya sa ating mag-uniform sa first day of classes.” Pagkontra naman ni Siren.

“Sira ka rin eh allowed naman sa mga transferees ang magcivilian sa first day!” sagot naman ni Ayuii.

“Pwede yun! Sabi kasi nila, dapat daw ang signs ay hindi karaniwang ginagawa o sinasabi sa’yo ng iba.” – Sesha.

“Sige!” pagsang-ayon ko naman bago ito isulat.

16 signsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon