3rd sign (part 1)
Patuloy pa rin ako sa paghagulhol kahit ilang minuto na ang nakalilipas nang iwanan ako ni Ome dito.
Hayop talaga ang isang 'yun. Imbis na magsorry sa ginawa niyang hindi maganda, ay nakuha pa niyang inisin at laitin ako? Hindi niya pinangarap na mahalikan ako? Ang kapal niya! Parang pinangarap ko naman mahalikan siya! Nakakainis! Isang sorry lang naman ang kailangan ko, isang sincere na sorry lang, okay na ako. Pero hindi niya ginawa.
Kasalukuyang akong naka-swat position sa mga damuhan at nakatakip ang aking mga kamay sa aking mukha nang may narinig akong boses galing sa harap ko.
"Ah..ahm..Yuni? Okay ka lang ba?"
Alam niyo ang nakakainis sa lahat? Itong mga taong ganito, alam na nga nilang hindi ka okay pero tatanungin ka pa rin. Nabibwisit ako sa mga taong ganun dahil lalo lang akong naiiyak kapag tinatanong ako ng ganun.
Sa sobrang inis ko ay nasagot ko siya, baka sa kanya ko pa mabunton ang inis ko sa patong 'yun. "Mukha ba akong oka--"
Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahil tuluyan na akong natulala. Paanong hindi ako matutulala kung may ganitong klaseng nilalang sa harapan ko?
Nagulat siya sa sinabi ko at napaawang saglit ang kanyang. Naiilang siyang ngumiti sa akin at nagkamot ng batok bago muling magsalita. "S-sorry, ang stupid ng tanong ko."
At saka ko lang naisip 'yung sinasabi ko sa kanya kanina. Shit! Nasungitan ko ba siya? Tingin na ba niya sa akin ay masungit ako? Walang hiya ka talaga, Yuni! Ang kapal naman talaga ng mukha mo para sungitan ang magandang nilalang na handog ng diyos sa mga kababaihan!
Wala akong maisip na alibi para sa ginawa ko. Kaya hindi na lang ako nagsalita. Kinagat ko na lamang ang labi kong pinaglihi sa pwet ng manok dahil baka makapagsalita nanaman ako ng ikakahiya ko.
Nagulat na lang ako nang bigla siyang may dinukot sa kanyang bulsa at inilabas ang panyo mula doon. Humakbang siya ng isa papalapit sa akin at nagsimulang punasan ang pisngi ko.
Nakatitig lang siya sa mukha ko habang ginagawa niya iyon. Napansin kong may kakaiba sa mga mata niya, hindi ako sigurado kung tama ako, pero nagpapakita ito ng pagkamangha.
"Hindi ko akalaing lalo kang gumaganda kapag umiiyak ka." sabi pa niya habang patuloy na pinupunasan ang pisngi ko at nakangiti sa 'di ko malamang kadahilanan.
Pero wait. Tama nga ba ang rinig ko? Sinabi niyang maganda ako? Shems!!!!! Okay, huminga ka! Huminga ka, Yuni! Kunwari confused ka, kunwari hindi mo narinig!
"H-ha?" sinamahan ko pa ng pagtaas ng dalawang kilay para magmukhang hindi ko talaga narinig.
Sabihin mo ulit! Sabihin mo ulit na maganda ako! Oh my g! Nakakaexcite pala ang mga ganito!
Huminto siya sa pagpunas at tumingin sa kabuuan ng mukha ko, huminga siya ng malalim. "You're really beautiful." sabi pa niya na tila namamangha at nauubusan na ng hininga.
BINABASA MO ANG
16 signs
Fiksi RemajaCrazy Friendship Series #2 Kailan nga ba dapat sundin ang mga signs? Kailan nga ba dapat sundin ang sigaw ng puso? Mas matimbang nga ba ang dapat kaysa sa gusto? Alamin ang sagot ni Yuni Jane Bernal sa tanong na iyan at samahan siya sa...