1

20 2 0
                                    


"Hoy Arivel!"


"Lintik ka Jo! kanina pa ako naghihintay dito oh, anong oras ka na."


"Pasensya na sis bigla kasing umulan e, natraffic tuloy."


"Sus, traffic traffic ka diyan! Hindi ka na nagbago. Simula college 'yang definition mo ng 'otw' ay nagbibihis pa lang."


"Hahahahahaha!! sorry na sis!"


"Hay naku, oo na sige na. Umupo ka na at umorder."


Inabot ni Arivel ang menu kay Joan pagkatapos nitong maupo. Tahimik na naniningin si Joan sa menu habang nakatingin si Arivel sa labas. Di nito maiwasan ang mapabuntong hininga dahil sa lakas bigla ng pag-ulan.

"Bakit naman bigla-biglang umulan? Ang badtrip naman." pagkausap nito sa sarili

"Ewan ko nga ba, ang init-init naman ng panahon kaninang umaga. Ok na sis, nakapili na ako."

"Sige, wait lang senyas ako." sumenyas si Arivel sa isang waiter at nang mapuna siya nito ay agad itong lumapit sa kanila.

"May I take your order ma'am?" tanong ng lalaking waiter sa kanila.

Nagsenyasan sina Arivel at Joan nang mapansin nilang maitsura ang waiter. Pareho silang nahiya kung sino ang babanggit ng order nila na nauwi rin naman sa pagpiprisinta ni Joan.

"Isang caramel macchiato, apple carrot shake, chicken alfredo at mac and cheese. Uhm... may bread na kasama yung dalawa di ba?"

"Ah yes po, garlic bread po."

"Okay, 'yun lang. May idadagdag ka pa ba?" pagtawag pansin ni Joan kay Arivel

"Wala na, ok na yan."

"Okay, 'yun lang kuya. Thanks!" at ngumiti ito ng malambing sa waiter

Nakatanggap ng hampas si Joan kay Arivel nang mapansin nitong habol tingin pa rin ang kaibigan sa papalayo ng waiter.

"Jo ano ka ba? Hindi ka na nagbago."

"E bakit? gwapo naman talaga ah."

"Oo na, pero humanap ka naman 'nung matured at ka-age mo na. Gusto mo parati totoy."

"Oy! ikaw ha! foul na 'yan sis."

"E totoo naman kasi, oh tingnan mo, sino 'yung bago mo ngang ex? si-si... Paulo?"

"Paul" pagtatama nito

"Oo ayun si Paul, sis 3 years ang age gap niyo tapos ano? Wala pa siyang matinong work? Buti na lang at nambabae kung hindi sure ako di mo pa 'yun hihiwalayan."

"Napaka mo!"

"Well that's a fact, ayusin mo na kasi standard mo sa lalaki Jo. Hanap ka na ng long term."

"Standard? kasintaas ng standard mo? ganun? edi tatanda rin akong dalaga?"

"What??"

"Hahahaha sorry not sorry." pang-iinis pang lalo ni Joan sa kaibigan

"Alam mo, wala akong pake if hindi mo bet standards ko, hindi naman ako ang kailangan mong gayahin, ang akin lang is ayusin mo na ang pagpili mo sa lalaki kasi that's also for your sake."

"Asus, naging sweet? Hmm... sige na nga, pag-iisipan ko."

"Ano ba naman 'to."

"E sa hindi ko pa feel e, tsaka ano bang tipo 'yung pang long term? Para bang si Keith ni Mia?"

"Halaa omg ka Jo, namiss ko 'yang topic na 'yan."

"Hahahahaha me too!"

Nagtawanan ang magkaibigan habang naaalala ang mga kwentuhan nila noong nag-aaral pa sila. Ang paborito nilang topic noon, ang Editor in Chief nilang si Mia at ang school President nilang si Keith.

"Nakakamiss namang kiligin sa love story nila, kumusta na kaya sila no? Ngayon ko na lang ulit sila naalala."

"Same Jo, same."

"Search nga natin si ed chief, friend naman natin 'yun sa fb parehas, kaya lang bibihira kasi magpost."

"Sige sige, tutal wala pa naman 'yung order natin."

"Wait, typing na. Mia... Angeline... Patricio."

Tahimik na nagscroll si Joan habang naghihintay naman si Arivel sa katapat nito. Makaraan ang isang minuto ay wala pa rin itong binabanggit kaya naman tinanong na siya ni Arivel.

"Ano na? Patingin nga." kinuha nito ang cellphone ni Joan at nagscroll din

Makaraan ang isang minuto, kunot noo silang nagkatitigan, parehong nagtataka.

"Walang bagong post ano?" tanong ni Joan

"Oo, walang latest. Tingnan mo nga kelan 'yung last." pag-uutos ni Arivel sa kaibigan

Muli nilang binalikan ang pagscroll at napansin nilang ang huli pang post nito ay ang araw ng kanilang graduation na dalawa at kalahating taon na ang nakalilipas.

"Bakit ganun?" tanong ni Joan sa kaibigan

"Ah! si Keith na lang isearch mo tutal mas active 'yun kaysa kay Mia."

"Ay tama tama! Sige eto na typing na din. Keith... Peter... Salvacion."


Nagningning naman ang mata ni Joan nang makitang may post ito kahapon lamang.

"Ayan ito, may latest siya from yesterday, wait scroll ako."

Habang nagscroll si Joan ay nakatingin at nakabantay lamang si Arivel. Dumaan ang isang minuto at napansin nito ang pag-iiba sa ekpresyon ng mukha ng kaibigan.

"Oh anong nangyari?"

"Puro... puro memes at work related lang nakikita ko."

"Talaga? Patingin nga patingin." Kinuha muli nito ang cellphone ng kaibigan at aksidenteng narefresh ang fb.

"Click mo na lang 'yung name nasa search bar history na naman 'yun."

"Yes, I know."

Pagkaclick nito ng pangalan ni Keith ay agad itong nagscroll pataas sa timeline nito at nagulat at nalito siya sa napansing bumungad na post 1 minuto lang ang nakakalipas.

"Shit... Jo"


"Oh?"


"Gaga ka tingnan mo!!"




KEITH PETER SALVACION:

Excited to marry you Jen. Please come home na hehe miss you my future wife <3.









Chances in BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon