2

16 2 0
                                    


"For real ba talaga??"

"Oo nga!"

"Oh my Jo! ang sakit! bakit nabobroken hearted ako sa love life ng iba?"

"Hindi lang ikaw Arivel, ako rin! pero oh my gosh talagaaaa hindi ko akalain!"


Maingay pa rin silang kumakain ngayon sa pinagtagpuan nilang restaurant. Kalahating oras na rin ang nakalilipas pero hindi pa rin sila makapaniwala sa nasagap na balita. Kapwa rin silang halos nawalan ng gana sa inorder nilang chicken alfredo pasta at mac and cheese.

"Ahhh!! ano ba yan Jo! naiinis ako!"

"Lintik ka naman Arivel! nakakagulat ka."

"E kasi namaaan, why?? bakit??"

"Stop asking me the same question I want to ask? okay?"

Napabuntong hininga na lamang si Arivel sa frustration niyang nadarama. They are in the same boat and their favorite ship is sailing no more.

"So? What will we talk about now?"

"I don't know Jo, I'm... still frustrated."

"Me too and I badly wanna know why? why on earth did that two broke up? and sino?? sino si Jen??"

"Hahahahaha! shit! gusto ko na lang tumawa talaga pero I can't I'm too heart broken."

"Gusto ko malaman Ari kung ano ang nangyari."

"How? Paano natin malalaman? Itatanong din ba natin kay Aiza Seguerra 'Anong nangyari sa kanilang dalawa? Akala ko noon kayo ay iisa?' " pagkanta nito sa isang popular na awitin

"Bwisit! Panira ka naman, pero 'yung iba kaya nating batchmate alam ang nangyari?"

"Wala ba sa gc?" tanong ni Arivel sa kaibigan na nagbigay ideya dito kung ano ang pwedeng gawin

"Witty sis! Magtanong tayo sa gc ng Publication, kumusta lang tapos mention natin silang lahat para di obvious na si Mia lang talaga pakay nating imention." nag-apir silang magkaibigan nang parehong magustuhan ang plano

"Ako na?" tanong ni Joan

"Ako na, mas may sense pag ako ang nangumusta."

"Aray naman sis, mukha ba akong unsociable?" 

"Puro lalaki kasi ang bet mong kinukumusta"

"Oy Arivel ha, foul na 'yan"

"Yea yea, eto n-- putik!"

"Oh bakit?" tanong ni Joan nang makitang may gulat na ekspresyon ang kaibigan

Tumingin ito sa kaniya at ipinakita ang kapit na cellphone.

"Ano bang mer-- What the??"


Pareho silang nabadtrip nang may mauna sa kanilang magchat sa kanilang Publication batch gc. Ang ikinainis pa nila ay ang direktahan nitong pagtatanong na nakamention pa ang involve na si Mia.

"Ito talagang si Hugo graduate na at lahat wala pa rin sa hulog. Nakakairita!" Inis na inis na kumento ni Joan

"As usual, ano pa at naging news writer 'yan kung mahuhuli lang din sa balita? Ang insensitive niya magtanong."

Muli nilang binasa ang mensaheng isinend nito.


@Mia anong nangyari sa inyo ni Keith? Bakit ikakasal sa iba?-Hugo

Chances in BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon