I took a deep breath nang matanaw si Jen sa loob ng cafe.
Napangiti pa ako nang makita ang ilang malalaking bag na nakapatong sa table. She's used to spoiling me with all the things na maaari niyang mabili, hindi pa rin talaga nagbabago.
Lumakad na ako papasok sa cafe and nasa dulo pa lamang ako ay kinawayan na agad ako ni Jen. She smiled widely at nakuha niya pang tumayo para pamayawangan ako. Napatingin pa tuloy ako sa relo ko kung late ba ako o ano, pero hindi naman, ganiyan lang talaga siya lalo na at matagal-tagal na rin kaming hindi nagkikita.
"Ano at wala akong kaalam-alam na lumipat ka na?" masungit nitong bungad sa akin nang makalapit ako sa kaniya
Napailing na lang ako habang ibinababa ang gamit ko and as soon as I'm about to sit down ay bigla niya akong hinila payakap sa kaniya. "And now you're telling me you're writing again? Oh please M! naiiyak akooo."
Marahan pa itong nagtatalon habang yakap ako at hirap na hirap kaming dalawa dahil nasa pagitan namin ay ang mesa. Kumalas ako sa yakap niya at kinapitan siya sa magkabilang braso.
"Ang drama mo talaga, tsaka wag ka nga mag-eskandalo dito. Sit down J." utos ko sa kaniya habang palingon-lingon sa paligid dahil sa mga tumitingin sa amin.
"Grabe ka M! namiss lang naman kita oh." sabay pakita nito ng mga pasalubong niya
"Ang ingay mo kasi, ang dami tuloy nakatingin sa'tin. Alam mo namang ayoko ng attention in public."
"Lola ka pa rin until now hahaha" pang-aasar nito sa'kin
"Anyway...musta?"
It took me a while to process her question lalo na at kabisado ko ang pag-aalala sa tono ng boses niya. I have to be careful not to ruin anything, lalo na when it comes to her peace. I smiled at her at tumitig nang diretso sa kaniya.
"I'm doing good, finally nagkatrabaho na talaga." Tipid kong sagot sa kaniya
I thought trying to make my answer simple is enough pero heto at mukhang nagkakapaan na kaming dalawa sa mga sasabihin namin.
"M...I don't know if nabasa mo 'yung post niya, but about that..." she paused and I literally looked straight into the table para hindi magpakita ng anomang hindi magandang expression sa kaniya.
"I heard about that." sagot ko
"We talked about it on the phone, habang nasa New York ako. It's not yet planned like really planned, pero we're already talking about it." mahinang kwento niya
As soon as I felt the awkwardness between us, sinikap kong itaas ang tingin ko sa kaniya.
"Hmm, nakaorder ka na?" pag-iiba ko ng usapan
"Ay! hindi pa, sorry."
"Ok lang, waiter" pagtawag ko sa dumaang waiter
Matapos naming umorder, isang panibagong katahimikan ulit ang namagitan sa aming dalawa, and I admit that I hate it. We're not like this to each other, spontaneous lagi ang usapan namin, lalo na siya, hindi siya nauubusan ng kwento.
"Uhm... you're working in OHP right?" bigla niyang pag-uumpisa ulit ng usapan
"Oo, I tried again and finally nakapasok. Mag-three months na rin ako doon, pero hindi pa ako regular."
"Wow! that's good! pero nakakatampo pa rin na tatlong buwan ka na pala doon pero ngayon ko lang nalaman."
"Sorry, alam mo naman 'yung struggle ko noong first try ko mag-apply sa OHP di ba?" I said, without thinking na 'yung struggle na 'yun was related with the three of us.
BINABASA MO ANG
Chances in Between
RomanceCHANCES IN BETWEEN "We were...lovers" Mia and Keith were college sweethearts and they were a popular couple in their school. They both exceled in academics and clubs, Mia as a campus journalist and Keith as an active student body officer where in th...