Hindi namin naituloy ang usapan at napagdesisyunan muna naming kumain.
Nagulantang talaga ako sa sinabi niya. Ako? Maid of Honor? Ng kasal nila ni Keith?
"M, ayaw mo ba?" tanong niya sa pagitan ng pagkain namin
Napapikit ako at huminga muna bago sumagot. Uminom ako ng tubig mula sa baso ko at tsaka nagsalita sa tanong niya.
"J, marami ka namang kaibigan, bakit ako pa? Can't you just leave me out of your plan? Sinasabi ko sa'yo baka injanin lang kita."
"Sorry, I know it's too much to ask, tsaka hindi kita inaasar ha! Ikaw lang talaga 'yung gusto ko and I don't have anyone in mind."
"Pero J, alam mo namang--"
"So it means until now, hindi ka pa rin ok. Am I right?" and there, she caught me.
Ibinaba ko sa pinggan ang kapit kong kutsara at tinidor. I'm still doubting kung magiging honest ba ako sa kaniya tungkol sa nararamdaman ko, pero kagaya ng intensyon ko, gusto kong malaya na magmahal si Jen, without worrying about me.
"I'm okay..." panimula ko
"But that's what I thought." I saw how worried she is just by looking at her eyes.
"M..." umiling ako nang marinig ang pagtawag niya
"I want to be honest with you J, kasi deserve mo 'yun. Sa katunayan, masaya ako na masaya ka, pero ako 'yung problema e. Seryoso ako noong huli nating usap na ok na ako, pero noong narinig ko 'yung boses ni Keith? God J! I even lied to you about that gas stove thing, kahit na ang totoo I was trembling."
She covered her mouth, probably shocked of what she's hearing, pero I need to tell her the truth. I'm thinking kapag may napagsabihan ako baka mawala na rin agad itong takot ko, na baka speaking about it will help me be ok again.
"Doon ko nalaman na I'm still not ok. Ayoko sanang sabihin sa'yo kasi I want you to love freely. I don't want you to worry again, pero you also deserve honesty from me, kasi ever since, hindi ka pumalyang ipakita sa'kin ang pagiging totoo at genuine mo."
Looking at her, I know Jen is about to cry pero pinipigilan niya kasi she knows na I don't like having an attention in public. She mouthed a silent I'm sorry kaya umiling ako while wearing a smile.
"I told you back then, when you asked me kung ayos lang ba na sinagot mo na siya that I'm ok with it, kasi alam kong wala na akong gusto sa kaniya and that's still true until now, kaya huwag kang mag-alala if you think na nagkakaganito ako dahil baka may feelings pa ako for him. No J, I'm being like this hindi dahil gusto ko pa siya. It's just that..."
I took a deep breath and continued.
"Every time I see or hear him, naaalala ko kung paano ako nagkulang sa kaniya, kung paano ko siya binalewala and kung..." I stopped
Pinagmasdan ko ang kamay kong manginig. I'm trembling at ito ang effect sa'kin ng mga memories na 'yun. Suddenly, nakita ko na lang ang mga kamay ni Jen na kapit na ang kamay ko. I looked up to see her, crying, and dito ko lang din narealize na tumutulo na rin ang luha ko.
We're a mess at kahit ayoko mang makakuha ng atensyon ng iba, wala na, hindi na maiiwasan kasi eto na at kapwa na kaming umiiyak ni Jen. Sandaling katahimikan ang namagitan sa amin habang pareho kaming nagpupunas ng luha. Nang matapos at makakalma sa kabila ng pag-iyak, pareho kaming napatingin sa pagkain naming hindi na halos namin nagalaw.
Lumipat ang tingin ko sa kaniya and she did also kaya parehas kaming natawa.
"Para naman tayong tanga dito hahaha" pagtawa niya pa
BINABASA MO ANG
Chances in Between
RomanceCHANCES IN BETWEEN "We were...lovers" Mia and Keith were college sweethearts and they were a popular couple in their school. They both exceled in academics and clubs, Mia as a campus journalist and Keith as an active student body officer where in th...