8

7 2 0
                                    


I'm at my desk sa office, busy typing my draft na parang akala mo ay professional na professional talaga. I stopped a little para makapagstretching at habang ginagawa ito ay dinig na dinig ko ang paligid ko dahil sa mangilan-ngilang monster typer. 

Ang lalakas nila pumindot, sana ok lang keyboard nila.


"Hi M! coffee?" ngumiti ako sa katrabaho kong si Alice at tsaka tumayo.

Sumama ako sa kaniya papunta sa pantry para magtimpla ng kape. Habang naglalakad ay sinilip ko pa ang relo ko at tsaka ko lang nafeel ang OT (overtime) ko ngayon. Nag-usap kasi kami ng group namin na mag OT, una para makatapos ng mga articles, pangalawa para makatapos ng kalahating draft para mapacheck na agad ito kay editor.

Ipinakiusap niya kasi sa amin na gumawa ng half draft ng book namin, kaming mga napagbigyan na gumawa, para mabasa raw niya kung katapon tapon ba. Noong una medyo pressured ang lahat pero in the end, mas namotivate pa kami.

"Haaaaay" buntong hininga ni Alice habang nagsisimula na kape sa paggawa ng kape gamit ang coffee maker na sponsor pa raw ng umalis na editor ng kabilang grupo.

"Ano 'yun? Pagod ka na?" tanong ko sa kaniya

"Medyo, nakakangawit kasi umupo at magtatype." paliwanag niya

"Sabagay, masakit nga sa likod pero oks naman ako."

"Naks, sana everyone. Anyway, may itatanong nga pala ako sa'yo, nakalimutan ko na e."

"Ano 'yun?" usisa ko sa kaniya

"Uhm... do you know Justin?" nanlaki ang mata ko sa binanggit niyang pangalan

"Justin? as in Salvacion?" at tumango naman siya kaya nakumpirma kong tama ang nasa isip ko.

Nakangiti ngayon si Alice na parang bata at panay ang pangkalikot sa tenga niya na wari mo'y may mga hibla ng buhok na isinasangat doon kahit na nakasangat na.

"Bakit? Anong meron?" dagdag kong tanong sa kaniya

"Ahh, I met him sa omegle tapos ayun hahaha kinikilig ako M!!" palundag lundag nitong kuwento

"Sandali, isalin muna natin itong kape bago mo ituloy." at ginawa naman niya

Nang matapos kami ay umupo muna kami sa couch habang humihigop ng mainit na kape. Kalulunok ko pa lang at gumuhit ang init nito sa dila at lalamunan ko nang magpatuloy si Alice sa kwento niya.

"So ito na nga, nakilala ko siya accidentally sa omegle pagkatapos kong ilagay ang interests ko then nagmatch kami sa books! hahaha grabe lang kinilig ako noong bumungad siya. Apakagwapo M!!!"

Gusto ko sana matawa dahil naiimagine ko ang reaksyon ni Jah if ever na maririnig niya ang sinasabi ni Alice, kaya lang syempre baka naman magtaka si Alice bakit ako natatawa.

"Sobrang kilig ko habang nag-uusap kami like pakiramdam ko nasa loob ako ng isang novel. The way he talk? The way siya magexplain and gumamit ng words?? Grabe M!! Napakafictional ng dating niya! Gusto ko na yata siya sagutin!!"

"Ha???" gulat na gulat kong tanong sa huli niyang sinabi

"Ha? anong Ha?" pagtataka naman nito

"Sagutin? Nililigawan ka niya?" tanong ko

"Hmm... hindi pa naman, pero mukhang balak niya akong ligawan e."

"Advance Alice ha" kumento ko, kasi I know Jah, he hates loud girls, well... kung ganun pa rin siya.

"Syempre! Alam mo bang ang dami na namin napag-usapan? Like, saan ako at siya nagwork that's why I mentioned OHP. Tapos tinanong niya ako who are my friends at work tapos syempre sinama kita kahit bago ka pa lang. I even used our team picture noong winelcome namin kayong mga bago."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 07, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chances in BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon