And it all came back to me
our memories...
MIA'S POV
"M! Uwi ka na?"
"Oo, tapos na shift ko."
"Ah sige, bukas na lang? Pakiprepare na lang ng numbers? Oki?"
"Okay."
"Bye! ingat pag-uwi!"
Ngumiti at kumaway lang ako sa kaniya bago ako tuluyang sumakay ng elevator.
Time check
8:05pm
Pagkalabas na pagkalabas ko ng building, basang daan agad ang bumungad sa'kin. Dama ko rin ang lamig ng hangin, bakas ng kahuhupang ulan kani-kanina lang. Tumingala muna ako saglit para tanawin ang madilim na langit. Walang bituin, walang buwan, blangkong langit lang.
Nang magsimula akong maglakad pauwi sa condo unit na tinutuluyan ko, kagaya ng nakagawian ay marami akong nakasabay na mga tao. Dahil na rin sa nakasanayan ko ay panaka-naka akong tumitingin sa mga nakakasabay at nakakasalubong ko. Napapangiti ako nang mapait at napapabuntong hininga nang malalim sa tuwing napupuna ko ang pagod sa mga mata nila. Di maikakailang halos mga bata pa at mga nasa edad ko lamang ang karamihan sa mga nakakasalubong ko, pero kung titingnan silang mabuti? Parang tinakasan na sila ng sigla at kulay.
Ganun ba talaga ang tumanda?
Mas napapalayo ka sa kasiyahang dati naman ay abot kamay mo lang.
"Ah!"
"Naku naku! sorry miss."
"Okay lang po."
"Sorry talaga miss"
"De, okay lang talaga." paninigurado ko sa nakabunggo sa akin.
Mukhang nakumbinsi ko naman siya kaya yumuko na lamang siya at umalis.
Unti-unti nang umuunti ang bilang ng mga tao sa daan, hudyat na papalapit na ako sa building ng tinitirhan ko at nang makarating ako at makasakay muli sa elevator, papaakyat sa floor ng unit ko ay may nakasabay akong pamilyar na tao. Nagkatitigan kami at mukhang parehas naming namukhaan ang isa't isa.
Umiwas na lang ako ng tingin sa kaniya, pero mukhang pursigido siya.
"Di ba ikaw si Mia?" tanong nito
Lumingon lang ako nang mabilis sa kaniya at tumango.
"Sabi ko na nga ba, kaya pala pamilyar ka." dagdag pa niya
Hindi ako tumugon o nagsalita pagkatapos niya. Wala rin naman akong sasabihin sa kaniya pero mukhang siya, meron pa.
"Ah, by the way...are you still with Keith?"
Akala ko tapos na 'yung sa gc.
May live version pala.
Humugot ako ng hinga, palihim, at tsaka sumagot sa tanong niya.
"I'm on my own now, and he's... I don't have a clue." pag-iiba ko sa dapat kong sasabihin.
Ayokong budburan ng asin ang usapan, baka mas lalong humapdi, tsaka para iwas follow up question na rin.
BINABASA MO ANG
Chances in Between
RomanceCHANCES IN BETWEEN "We were...lovers" Mia and Keith were college sweethearts and they were a popular couple in their school. They both exceled in academics and clubs, Mia as a campus journalist and Keith as an active student body officer where in th...