"Ok, sibuyas, bawang, magic sarap, paminta, ketchup, mang tomas..."
Kasalukuyan akong naglilista ng mga kailangan kong bilhing supplies. Binawas ko na rin 'yung mga nabili ko na kagabi. Bibili na rin ako ng mga pang-stock na lutuing ulam, pati prutas at kaunting gulay para hindi rin masira agad.
"Hi"
"Hello" pagbati ko sa kaniya
Nakasabay ko na naman sa elevator itong schoolmate ko na hindi ko naman talaga kilala by name, by face lang.
"Bagong lipat ka lang dito di ba?"
Bakit niya ba ako kinakausap?
"Oo" tipid kong sagot sa kaniya
"I see, may pool at gym sa building kapag gusto mo, pwede namang gamitin ng lahat ng resideny dito."
"Ahh, lamigin ako at tsaka tamad akong mag-exercise kaya hindi na lang." akala ko maiinis siya sa tugon ko pero napatawa siya sa sinabi ko
Pigil siyang tumawa at pagkatapos ay muling tumingin sa akin.
"Ganiyan ka pa rin." natatawa-tawa niyang kumento
Napa-angat ang kilay ko sa sinabi niya. Sa pagkakatanda ko, kahapon ko lang siya na-encounter. Bakit para namang kilalang kilala niya ako?
Ok ka lang? Tsk.
"See you" sambit niya matapos siyang maunang lumabas ng elevator.
See you?
"Nope" pagkumbinsi ko sa sarili ko nang may maisip akong kung ano
Napailing na lamang ako habang binabaybay ang daan palabas. Natanaw ko pa siya sa kabilang direksyon na medyo nakayuko at nakapatong ang kamay sa batok na animo'y nahihiya.
Cheez, isa ba 'to sa may crush sa'kin noong college?
Hay ewan.
"Miss may Dari Creme kayo, 'yung classic?" tanong ko sa isa sa mga sales lady sa loob ng grocery store
"Ay wala po ma'am, out of stock po. Try niyo po ma'am 'yang anchor." suhestiyon nito at nginitian ko lang
Nang makalampas siya ay ibinalik ko 'yung anchor sa lagayan nito. Hindi ko bibilhin kasi medyo mahal, doon lang talaga ako sa pasok sa budget. Habang nagkukumpleto pa ng mga nasa listahan ko ay biglang tumugtog sa loob ng store ang isang pamilyar na awitin.
Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smileYou can't win at everything, but you can try
Nostalgic.
Memories bring back memories bring back... you.
Baby, you don't have to worry
'Cause there ain't no need to hurry
No one ever said that there's an easy way
When they're closing all their doorsAnd they don't want you anymore
This sounds funny, but I'll say it anyway
BINABASA MO ANG
Chances in Between
RomanceCHANCES IN BETWEEN "We were...lovers" Mia and Keith were college sweethearts and they were a popular couple in their school. They both exceled in academics and clubs, Mia as a campus journalist and Keith as an active student body officer where in th...