My phone keeps on ringing pero hindi ko kayang kuhain ito at sagutin.
I'm lying now in my bed habang tuwid at bagsak na nakahiga, humihinga nang malalim, at hinahayaang umagos ang luhang akala ko'y hindi na lalabas pa. Sabi nila, hindi lalabas ang luha mo kapag tuwid kang humiga na nakaharap lang sa kisame, pero haka-haka lang pala 'yun, kasi ako ang patunay na lalabas at lalabas ang luha kung hindi mo na kaya.
Ipinikit ko ang mata ko, trying to clear my thoughts but it didn't help lalo na at may mga nagfla-flashback na alaala sa utak ko. I cover my eyes using my arms, and slowly... nakatulong naman ito. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa ginawa ko. Nagising na lang ako na halos hapon na at nakatulugan ko na ang pagkain ng tanghalian.
Mabigat ang pakiramdam ko pero nagawa ko namang bumangon. Nakaupo lang ako sa gilid ng aking kama habang nakatingin sa bintana, tanaw ang papalubog ng araw.
Napatingin muli ako sa cellphone ko at tahimik na itong nakatapong sa mesa. Kinuha ko ito at nakita ang 5 missed calls at 2 messages from Jen. Binuksan ko ang message niya.
Jen: M, I'm sorry. I already told him na huwag na akong sunduin but he insisted. Pasensya ka na kung tumawag ako.
Jen: May mga pasalubong ako para sa'yo, I'll bring it to your house tomorrow.
Napapikit ako nang mabasa ang mensahe niya.
Honestly, ayoko nang ganito. Ayoko ring iparamdam kay Jen na hindi pa ako okay, well I thought I am already, pero sa nangyari ngayon? I can't lie. Jen is... she's kind, she deserves peace of mind, she deserves to love freely, pero alam kong dahil sa'kin, she can't.
Napahinga ako nang malalim, I composed myself and I started typing a reply to her.
To Jen: Sorry J, nagkaproblema kasi sa gas stove ko kanina kaya napatay ko 'yung call pero okay na naman, naayos na. Nakatulog din ako kaya ngayon lang ako nakareply sa message mo. By the way, wala na ako doon sa bahay si Nanay Miling na lang ang tumatao doon.
I tried to make up a convincing story and I hope hindi makahalata si Jen at paniwalaan na lang niya ang alibi ko.
Wala pang tatlong minuto nang makareceive ako ng reply mula sa kaniya.
Jen: Hala! Buti ok na, ingat ka ha?
Jen: Wala ka na pala dun sa bahay, saan ka ngayon? para diyan ko na lang dalhin.
She's too persistent. Hindi ba obvious na ayoko munang makipagkita sa kaniya? Kasi malamang sa malamang--
Jen: Ako lang pupunta, promise. I want to talk to you rin.
Well, hindi naman sinungaling si Jen at madali siyang pagkatiwalaan. If hindi niya isasama 'yun, much better, pero pwede bang hindi na kami magkita? Naaawa lang ako sa kaniya, sa sarili ko, sa sitwasyon ko.
To Jen: Nasa Taguig ako, starting na ako sa OHP. Tanda mo pa 'yung Isabella Cafe? Doon na lang tayo magkita, dinner, libre mo.
I tried to sound ok sa message na isinend ko kasi ayoko talagang mag-alala pa si Jen. She did a lot of favor for me, she's been to genuine and sincere from the beginning, kaya as much as possible I want to be ok...
BINABASA MO ANG
Chances in Between
RomanceCHANCES IN BETWEEN "We were...lovers" Mia and Keith were college sweethearts and they were a popular couple in their school. They both exceled in academics and clubs, Mia as a campus journalist and Keith as an active student body officer where in th...