Disclaimer: This is a work of fiction, names, characters, businesses, places, events, and incedents are either the products of Author's imagination or us in fictitous manner. Any resemblance to actual people, living or dead, or actual events is purely coincedental.
****
Prologue
Malaki, mabilis, maingay ang bawat hampas ng alon na siyang makikita sa malawak na karagatan ng isla Marines. Ang lugar na hindi ko inaasahang mararating at maaapakan ko.
Suot ang shade pinagmasdan kung mabuti ang ganda ng isla. Malapit na ang yatch na sinasakyan namin kaya matatanaw na ang makulay na isla.
" Excited?." Napalingon ako kay Eduardo ng magsalita siya. Napapikit pa siya dahil sa lakas ng ihip ng hangin, umaliwalas ang mukha niya dahil nililipad ang kaunting bangs na humaharang sa mukha niya.
" Why would I?, Hindi ako sanay sa isla." Masungit na sabi ko.
Ngayon pa lang ay iniisip ko na ang itsura ko na naninirahan dito sa isla ng Marines.
Pinanganak at lumaki ako sa Manila. Nasanay sa sibilisasyon at ingay ng paligid na naroon. Kung gugustuhin mas nais kung manatili sa lugar na nakasanayan ko, manirahan doon hanggang sa matapos ang buhay ko. Ngunit gusto ng mga magulang namin na rito na manirahan. Dito sa lugar kami magsisimulang muli, makikisama sa sitwasyon dito. Ang pagpapatayo ng hotel ang dahilan kaya naisipan ng mga magulang namin na rito na manirahan.
" Malay mo rito Kana makakahanap ng ipapalit mo sa kanya?."
Napakagat ako sa labi ng maalaala na naman si Ronnie. Maganda ang relasyon naming dalawa noon, ngunit ng ibalita ko ang plano naming manirahan dito naghiwalay kami. Sinabi niyang baka hindi namin kayaning pareho ang isang ugnayan na malayo kami sa isa't isa, long distance relationship na sinasabi nila.
Noong una hindi ko tanggap ang paghihiwalay naming iyon. Nakakapanghinayang ang ilang taon na pinagsamahan namin na matatapos lang dahil sa kadahilanang hindi namin kaya ang ugnayan na malayo sa isa't isa.
Ibang pakiramdam ang dulot sa akin ng iapak ko ang paa sa tubig, pagkatapos kung bumaba ng yatch. Napapikit pa ako matapos damhin ang samyo ng hangin. Tama nga sila higit na mas maganda sa pakiramdam ang hangin sa probinsya.
" Shizz.. no internet connection!" Napalingon ako kay Abby ng marinig ang tili nito hawak niya ang cellphone niya at tinataas ito sa ere na parang sa paraang iyon ay makakahanap siya ng Cignal.
Napabuntong hininga ako, kung sakaling kami pa rin ni Ronnie ngayon. Mas mahihirapan pa kami sa kumikasyon namin sa isa't isa lalo na't wala pa palang cignal sa lugar na ito. Hindi ko alam kung kaya ko bang mag adjust sa bagong environment na gagalawan ko.
Natawa ako ng sabunutan ni Caren si Abby, napatili pa siya at hinabol si Caren para makaganti. Kaya nauwi sila sa habulan sa mababaw na parte ng tubig. Nangingiti akong umiwas ng tingin at natanaw ko si KD na ngayon ay nagbubuhos ng alcohol sa kamay niya matapos humawak sa railings ng yatch. Napailing ako sa kaabnormalan ng Buenaventura'ng ito, napakasensitibo.
" Are you good Em?." Nginitian ko si Mama ng magtanong siya, tumango ako tinapik niya naman ang balikat ko at tumalikod upang kausapin ang mga portero para ibaba nag mga bagahe namin mula sa yatch.
Mula rito sa kinatatayuan ko at matatanaw ang isang lumang bahay. Hindi gaanong makita kung gaano kalaki dahil sa ilang punong humaharang dito.
" Let's go." Tinapik ni Eduardo ang balikat ko at nagpatiuna sa paglalakad. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago sumunod sa kanila. Natatawa pa ako sa tuwing maririnig sa likod ko ang reklamo ni Abby sa tuwing sumasama ang buhangin sa tsinelas na suot niya. Maririnig din ang kung anong sumpang binibitawan ni Caren dahil sa ingay ni Abby.
YOU ARE READING
WAVES OF AFFECTION (Buenaventura Series #1)
RandomWave Russel Asuncion love Elisha Maud more than everything in the whole universe. He is so being Frank in his feeling. He saw the bright side with her. Until the illusion break that sympathy of him. Because little that he knows, like the Waves that...