Tinakpan ko ang taenga para mabawasan ang ingay na naririnig. Vacant namin sa English kaya ang mga kaklase ko ay parang nasa palengke na naman. Kung ano ano ang mga pinaguusapan.
" May bagong transfer daw, Senior.. maganda raw." Nakuha nila ang atensyon ko dahil alam ko na kung sino ang tinutukoy nila.
" Huh?, Talaga sino?." Kumunot ang noo ko ng umepal si Wave na dumaan lang sa tabi ng mga nag-uusap. Umupo pa siya sa gitna ng mga 'yon. Napakachsimoso.
" Si Allyssa raw.." si Aleck ang sumagot.
" Gago tol?! Totoo?. Si Allysa 'yong sikat na basketball player?". Hindi makapaniwala si Wave, naisigaw niya 'yon sa buong classroom. Kaya ang ilan na busy sa ginagawa ay napatingin sa kanya.
At dahil sa sinabi ni Wave nakatikim siya ng unexpected batok galing kay AJ. Alam kung malakas iyon dahil lumagapak talaga.
" Bobo?, Volleyball player pre!, Volleyball!" Sigaw sa kanya ni AJ. Natawa narin ako sa nangyari. Napakamot pa si Wave sa ulo at nakakunot ang noo na nakatingin kay AJ, parang inaalam niya kung totoo ang sinabi ng kaharap. Napakamot na lang sa kilay ang ilan sa mga nakikinig.
Iniwas ko na lang muli ang paningin at hinayaan silang magchismisan doon. Para tuloy kaming nasa palengke, nakakabanas na nga dahil ang section lagi namin ang laging maingay.
Habang nakatingin sa kawalan, I saw Enid entering our room. Lumabas siya dahil bibili siya ng snack, nakasimangot siya ngunit napalitan iyon ng ngiti ng makita akong nakatingin sa kanya. I smiled back at her. Lumapit siya sa akin at inabot ang snack na binili niya. Kinuha ko naman 'yon.
Tahimik kaming kumakain ng lumapit sa amin si Apollo. Umupo siya sa bakanteng upuan na nasa harapan ko. Nakangiti siya sa akin, ngumiti ako ngunit ng makitang hindi matanggal ang ngiti niya habang nakatingin sa akin ay nakaramdam ako ng ilang.
Alam kung hindi maipagkakaila na mayroon ding magandang itsura naipagmamalaki ang isang 'to. But, I'm not ready to entertain new affection. I avoided my gazed.
" Busy ka ba mamaya?", Maya- maya ay tanong niya, napabaling ako kay Enid na kumakain lang din habang nakatingin kay Apollo. I once glanced back at Apollo and he still looking at me, he wasn't smiling anymore.
" Uhmm.. W-why?". I asked back. Mukhang natuwa pa siya ng magsalita ako.
Well hindi naman ako talkative na katulad ni Enid at Wave at minsan lang ako makipag interact sa mga kaklase ko. Hindi ko alam kung ayaw ko ba sa kanila o nahihiya lang talaga akong makipag close sa kanila.
He chuckled a bit,." Practice kasi mamaya ang Varsity, pwede ka bang manood?". He said softly which made my brows furrowed.
" Bakit need pa ni Eli manood?". Si Enid ang sumagot.
Indeed, I agreed.
Why did I need to watch them?, Wala naman akong alam sa basketball. Wala akong hilig sa sports maliban sa Chess. At kung manonood man ako mabobored lang ako. At isa pa, baka hapon na ang practice nila. Alam kung sabay kami ni Ed na uuwi.
" Wala, pang palakas ng loob ganoon." He answered. Natawa pa siya sa huli.
" Oh baka magpasikat gano'n?". Napakamot sa kilay si Apollo ng sarkastiko siyang sagutin ni Enid. Natawa na rin ako.
Hindi na iyon pinansin ni Apollo at binalik ang tingin sa akin. His brows rose, like he's waiting for my decision.
It took me seconds thinking.And I sighed. "Anong oras ba?". Instead of declining his invitation I asked. Mukhang nakahinga siya ng maluwag. He left his weight and smile at me.
" Mga 3 ng hapon siguro." He sounded not sure but I nodded.
Natuwa siya, akmang magsasalita pa sana siya ng dumating na ang lecturer namin. Napilitan tuloy siyang bumalik sa upuan niya.
I want to build a new relationship with my new classmate. I think tama na ang ilang buwan na pag aadjust. I want to be friends with them. Kaunti lang ang circle of friends ko noon sa dati kung school, at gusto kung mabago 'yon. I want to have a bigger one.
I was busy listening when Wave reach my sight. Kahit side view lang ang nakikita ko ay halata na bad trip ito. Dahil makikita ang kunot ng noo. Nakatingin lang siya sa harapan at parang naiinip siyang tingan ang nasa harapan.
" So group yourselves according on what color you coir." Napatingin ako sa papel na maliit pero nakarolyo.
Binuksan na nila lahat iyon at hinahanap na nila ang mga kagrupo nila. Bago buksan tiningnan ko ang kulay na nabunot ni Enid at kulay Red iyon. Naroon sa loob ko na nagbabasakaling na sana ay magkagrupo kami. Pero parang gumuho ang mundo ko ng makitang kulay Green ako.
Tumayo na silang lahat at pumunta sa mg kagrupo nila. Nagulat na lang ako ng lumapit sa akin si Apollo at pinakita ang papel niya. Mukhang natuwa pa siya ng makitang magkagrupo kami. Ngumiti ako ng tipid at tumayo na rin. Lagi na lang kaming magkagrupo ni Apollo, noong nakaraan ay kagrupo ko rin siya.
Hinanap namin ang mga kagrupo namin, at hindi ko alam kung bakit parang nadismaya pa ako ng makitang nasa kabilang grupo si Wave. Hindi ko talaga alam kung bakit ganoon ang naramdaman ko!.
" Ngayon gagawa kayo ng role play, mga sikat na linya ni Vilma Santos sa kanyang mga pelikula." I gasped. Mukhang hindi lang ako ang nabigla dahil ganun din ang ilan, ang ilan naman ay mukhang masaya pa ata.
" Si Val puro na lang si Val si Val na walang malay?!" Kahit ilang metro ang layo namin ay dinig na dinig ko ang sigaw ni Wave. Napasapo na lang si Sheena sa noo dahil napatingin sa grupo nila ang lahat ng mga kaklase ko. Mukhang ang mga kagrupo pa ata ni Wave ang nahiya, pero siya wala lang. Nakasimangot pa siya habang nakatingin sa mga kasamahan niya, mukhang hindi nagustuhan ang reaksyon ng ilan.
After meeting about sa role play namin, kasabay no'n ang pag tunog ng bell. Lunch na kaya tumayo kami ni Enid para pumunta sa canteen. Palabas na sana kami ng classroom ng higitin ako ng kung sino. Hindi ako nakapag-react agad kaya nabitawan ko si Enid.
Nagulat na lang ako ng kaladkarin niya ako palabas ng classroom. Narinig ko pa ang sigaw ni Enid, at gusto ko siyang batuhin ng sapatos ng marinig ang panunukso niya.
Biglang kaming lumiko hanggang sa ilalim ng hagdan papunta sa second floor. Walang ibang tao roon at siguradong walang makakakita kung sakaling may gawin ang taong ito sa akin.
" Ano ba!".singhal ko sa kanya, nabitawan niya naman ako. Nang humarap siya sa akin ay may Kung ano sa loob ko, parang naroon na naman ang mga paruparo.
" Ingay mo noh!?". He scratched his brows a little.
" Wave?, A-ano.. I mean what do you need?". Nilagyan ko ng kaunting taray ang boses.
" Anong sinabi ni Apollo sayo kanina?". He asked out of context, I sighed.
Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis. I mean this is my own life, ano naman ang karapatan niya para sabihin ko sa kanya kung ano ang pinaguusapan namin ni Apollo. And of course mayroon sa loob ko na natutuwa, dahil tunog na nagseselos siya.
At doon nagsimula ang mga agam agam ko sa isip. Did I literally fall in this guy?, Totoo ba talaga?.
" Wala ka ng pakialam doon, that's my personal life Wave. At Isa pa bakit ba gusto mong malaman?". Kahit kinakabahan ay sinubukan kung sabihin iyon ng deretso.
" Gusto ko lang malaman, ano ba.. ano ba sinabi sa iyo?". Hindi ko alam pero parang naroon ang pagtitimpi sa boses niya. Na kapag hindi ko pa binigay ang hinihingi nya ay makakatikim na ako ng sapak.
" Ano naman ang karapatan mo?". Ngunit matapang nga siguro ako at hindi nagpadala sa kung anong tono ng boses ni Wave. Huminga ako ng malalim. " He was inviting me to watch their practice, ayon lang naman.." I said softly, sinabi ko na dahil nakakaramdam na ako ng gutom.
Natahimik siya at matagal na hindi nakapagsalita, nakatingin lang siya sa akin at parang may malalim na iniisip.
And after a long silence, he said the words that make my heart wild.
" Liligawan kita ".
YOU ARE READING
WAVES OF AFFECTION (Buenaventura Series #1)
CasualeWave Russel Asuncion love Elisha Maud more than everything in the whole universe. He is so being Frank in his feeling. He saw the bright side with her. Until the illusion break that sympathy of him. Because little that he knows, like the Waves that...