" Gosh kinakabahan ako.!" Naghehesterya na sabi ni Enid.
Nasa backstage kami at maya
maya lang ay magsisimula na ang pageant. Gusto kung matawa kay Enid pero naaawa ako. Kanina pa kasi siya palakad lakad sa buong campus dahil iyon ang duty niya as former Vice president. Oo former, dahil kanina ay ni - announce na ang mga new elect officer. As expected si Wave ang new president ng school, and I'm also glad that Ed was won also.Naisip ko na baka masyado ng
nacha- challenge si Ed sa mga expectations nina Mama. Dahil
kung hindi siya nacha- challenge ay hindi siya mapapasali sa mga bagay na ito. Until now hindi ko alam kung bakit ang taas taas ng expectation ni Mama kay Ed, pero sa akin naman ay hindi. Dapat nga ay ako ang pinagtutuunan ng pansin ni Mama dahil hindi gaano kaganda ang mga grades ko, I mean maganda naman siya pero walang panama kung icocompare ko sa mga achievements ng kapatid ko.Expectations can be a stressor to someone. Mahirap gawin ang isang bagay lalo't may nag eexpect sa paligid mo. Iyong tipong ito ang kaya mo pero hindi iyan ang expected nila na makakaya mo.
" Okay get ready, you can do it. Just always chin up and smile. You're beautiful indeed." I encourage Enid.
Huminga siya ng malalim at nagulat pa na magsalita na ang MC. Natawa na lang ako at inayos ang ilang hibla ng buhok niya. I was proud to myself dahil maganda ang pag aaply ko ng make up kay Enid, it's means May natutunan ako sa cosmetology.
I was forced to choose Cosmetology. I want to be a Architect someday. That time I want to choose drafting instead of cosmetology but Mom forced me to shift in Cosme.
" This is it." Mahinang bulong sa ni Enid at umakyat na sa stage dahil magsisimula na ang production number nila. Lumingon pa siya sa akin kaya binigyan ko siya ng thumbs up.
Umalis ako sa backstage at pumunta sa unahan para tingnan ang performance ni Enid. Ngunit hindi pa ako nakakarating ng may humablot sa kamay ko. Dahil madilim na ay hindi ko masyadong naaaninag ang pagmumukha ng lintek na humablot sa akin. Gusto kung sumigaw pero ayaw kung maging center of attention, kaya nagpahila na lang ako.
" Saan mo ba ako dadalhin..?" singhal ko kay Wave matapos maaninag ang pagmumukha nito, nasa labas na kami ng gym at nakakalayo na kami sa ilang estudyante na nanonood ng pageant.
" Uwi na, gabi na tapos hindi ka pa uuwi." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Tumigil ako sa paglalakad at nagpabigat dahilan para matigilan siya. Nakakunot ang noo niya ng bumaling sa akin.
" What do you think you are?, Tatay ba kita?". Nilagyan ko ng nakakainsultong tawa ang boses ko.
Mas lalong kumunot ang noo niya at nagsalubong na ang makakapal na kilay.Pero hindi ako nasisindak kahit nakakatakot ang awra niya. Right?, Wala namang dahilan para sabihin akong umuwi at mas lalong wala siyang karapatan. He was only my classmate and no other thing than that. And ngayon he is acting like a brother.... Acting like a boyfriend which is not true.
" Oo hindi mo ako Tatay pero ako ang SSG president kaya kapag sinabi kung uuwi ka na, uuwi ka na."
" At bakit ako lang?, At isa pa naroon pa si Ed sa loob."
" Alam ko, pero gabi na at kailangan mo ng umuwi." Naging malumanay na ang boses nito, natigilan naman ako. Nang hindi ako makasagot ay hinila niya na naman ako hanggang sa makalabas na kami ng Salcedo.
Tahimik lang kaming naglalakad, walang nagsasalita at mukhang parehong walang balak na basagin ang nagyeyelong katahimikan. Nang dahil sa katahimikan muli kung narinig ang hampas ng alon sa malapit na dalampasigan. Tumigil ako sa paglakad at iniba ang rota, papuntang baybayin. Naramdaman ko namang sumunod sa akin si Wave.
Napayakap ako sa sarili matapos damhin ang simoy ng hangin. May mga bonfire pa at malamang ay gawa ng ilan sa mga nagbabakasyon dito. Tumayo ako malapit sa hindi pa natitigil na apoy ng bonfire. Sa ganoong paraan ay tinanaw ko ang ilaw na nagmumula sa kabilang isla at mga yatch. At ang tanging tunog lang ng hampas ng alon ang maririnig.
Hindi ako sanay lalo't tahimik lang si Wave, hindi typical sa kanya. Lumingon ako at nakitang malalim ang iniisip niya habang pinagmamasdan ang paghampas ng alon sa dalampasigan.
" Ayos ka lang?". Tanong ko, at upang basagin ang nagyeyelong katahimikan sa pagitan namin.
" Ewan?, Bakit ba tayo nandito?." Nayayamot na tanong niya. Umirap ako sa kawalan at inisip ang dahilan kung bakit kami nandito, bakit nga ba kami nandito?.
Maybe dahil mayroong
hipnotismo ang dagat at hinila kami papunta rito. Siguro gusto ko lang makapunta sa lugar kung saan nagtatagpo ang langit at dagat." Wala lang, ngayon ko lang kasi nagawa ito." Iyon na lang ang naging sagot ko sa malabong dahilan kung bakit kami nandito.
" Alam ang wierd pero gustong gusto ko talagang nakakakita ng alon." Napalingon ulit ako sa kanya nang magsalita siya.
Tumaas ang kilay ko, wierd?. Wala namang masama kung mag Adore ka sa alon. It's up to you, if what kind of things you wanted to adore.
" Paano naging wierd?, Ako I adore ocean, kasi rito mo lang makikita na magtagpo ang karagatan at kalangitan. " Nakangiti ako at hindi maalis ang tingin sa malawak at madilim na karagatan.
" Ang sabi kasi ni Lolo Ismael, ang ganda raw ng alon tingnan tuwing hahamapas sila sa dalampasigan, sunod sunod at hindi tumitigil. " Nilingon ko siya ng nabanggit na naman niya ang lolo Ismael niya.
" Alam mo ikaw sinungaling ka eh." Nakakrus ang mga brasong tuluyan ko siyang hinarap. Nagulat naman siya at tinuro ang sarili. Natawa ako ng kaunti dahil sa naging reaksyon niya.
" Ako?, Paano ako naging sinungaling?". Sa boses niya ay hindi niya matanggap na sinabihan ko siya ng sinungaling. Totoo naman eh, sinungaling siya.
" Diba ang sabi mo ikaw ang pinaka gwapo sa apo ni Lolo Ismael, eh ikaw lang naman ang nag iisang apo.!" Singhal ko sa kanya.
" Kaya nga ako ang pinakagwapo dahil ako lang ako apo." Frustrated na sigaw niya,. Napasapo ako sa noo at natawa dahil grabe na siya mag react.
" Halika na.." aya ko sa kanya, nagulat ako ng hawakan niya ang braso ko kaya napalingon ulit ako sa kanya.
" Pero sa lahat ng nakilala ko, ikaw ang pinakamaganda." Biglang sabi niya.
Para sa akin ay pambubula lamang iyon pero hindi ko alam kung bakit iba ang dulot. Nakakakilabot.
YOU ARE READING
WAVES OF AFFECTION (Buenaventura Series #1)
CasualeWave Russel Asuncion love Elisha Maud more than everything in the whole universe. He is so being Frank in his feeling. He saw the bright side with her. Until the illusion break that sympathy of him. Because little that he knows, like the Waves that...