Kabanata 14

2 0 1
                                    

Can I call you baby? Can you be my friend?.

Can you be my lover up until the very end?

Let me show you love, oh, no pretend

Stick by my side even when the world is caving in, yeah

Nanlaki ang mga mata ko ng kantahin ni Wave iyong ng nakatingin sa akin!, Take note nakatingin sa akin!.

MAPEH namin ngayon, at pinakanta kami isa isa. Nakakakaba dahil may dala dalang kahon si Mrs. Rabaria at binubunot doon ang mga pangalan ng sunod na kakanta. At kinakabahan ako dahil hindi pa nabubunot ang pangalan ko!.

Pero parang may kung ano sa boses ni Wave na nagpawala ng kaba ko. Diba dapat kabahan ako dahil ang ganda niyang kumanta at ang boses ko ay parang inipit na palaka.

Nagpatuloy lang sa pag istrum si Wave ng guitara, kantang hindi maitatangging paborito ko. Nag iwas ako ng tingin sa kanya at kunwaring nilaro ang ballpen na hawak ko.

I need somebody who can love me at my worst

Know I'm not perfect, but I hope you see my worth

'Cause it's only you, nobody new, I put you first

And for you, girl, I swear I'd do the worst

His voice is mellow. Ang gandang pakinggan at hindi nakakasawa. Gusto kung humarap at salubungin ang tingin niya, ngunit kinakabahan ako sa kung ano ang magawa ko.

Tahimik ang buong classroom at ang tanging boses at tunog lang ng guitara ni Wave ang maririnig. Nagulat pa ako ng makita ang ilang mga estudyante na nakatingin mula sa labas. Malamang ay naaliw din sila ng boses ni Wave.

Oh, oh, oh, don't, don't you worry

I'll be there whenever you want me

Nang matapos na siyang kumanta ay kasabay no'n ang pagtunog ng bell. Kaya nagpaalam na si Mrs. Rabaria at sinabing next meeting na lang daw kakanta ang ilan kasama na ako. Nakahinga naman ako ng maluwag at kinabahan na rin at the same time.

Dahil vacant ang sunod na subject, lumabas ako saglit para hanapin si Enid. Kanina ko pa kasi siya hindi mahagilap, at mukhang hindi pumasok sa MAPEH class namin. Simula ng nag aral ako rito, ngayon lang nangyari na nag-cut siya ng class. Maganda ang record niya sa school, at hindi ko alam kung bakit hindi siya pumasok kaninang MAPEH time. Impossible namang natatakot siyang kumanta?. Nakakagulat dahil ang mga naunang subject naman namin ay pinasukan niya, pero hindi siya pumasok ng MAPEH time.

" Sa'n punta mo?". Napalingon ako kay Wave ng humabol ito. Tumigil ako sandali at tumingin sa kanya bago malakas na bumuntong hininga.

Ano naman na ang kailangan ng lalaki na ito ngayon?. Feeling ko tuloy ay mangungulit na naman siya sa akin ngayon. Magkakainisan na naman kami, usual na nangyayari sa amin kapag mag kasama kami. Ewan ko rin ang lakas din ng amats ng isang 'to.

" Hahanapin si Enid." Matino akong sumagot sa kanya.

" Oo nga noh, 'di ko siya nakita pumasok ba siya?." Nakatingin na kung saan na sagot niya. Umirap ako at hindi sumagot. " Hoy!, ano?". Umirap pa ulit ako.

Ang tanga niya naman sobra, alam na nga niyang hindi pumasok tinanong niya pa.

" Ewan ko sa 'yo". Minadali ko ang paglalakad. Ngunit humabol siya hanggang sa magpantay ulit ang lakad namin.

" Alam mo Em, ang ganda mo kapag nagsusungit ka, Em." Napahinto ako roon, casual lang naman ang pagkakasabi niya ngunit iba ang naging impact sa akin. Napatigil din tuloy siya sa paglalakad at tiningnan ako ng nakakaloko.



" Are you trying to flirt me!?". I was taken aback, Hindi ko sinasadya na malakasan ang boses ko. Kaya ang ilan sa mga estudyante na nakatambay sa hallway ay napatingin sa amin.


" Hoy puso mo, flirt agad 'di ba pwedeng nakikipagkaibigan lang?". Mayroong naglalarong ngiti sa labi niya ng sabihin ang mga bagay na 'yon.



I bit my lower lip and avoided my eyes. I felt little bit ashamed dahil sa mga matang nakatutuk sa amin.

I don't know what to feel and what to react. Kaya imbes na sagutin at patulan ang mga pinagsasabi ni Wave ay lumakad ako ng deretso. Iniwan siya roon, hindi ang pagkuha ng atensyon ng karamihan kung bakit ako naglalakad sa hallway ngayon, ang dahilan ko kung bakit ako naglalakad ngayon ay para hanapin si Enid.


Napahawak ako sa dibdib, again I felt something strange inside it. Parang mayroong nagrarally sa loob. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang naging epekto ng simpleng sinabi niya. Nakakabaliw.











It took me 10 minutes of walking until I found Enid. Silently sitting in a grass and thinking deeply. Muntik pa siyang napatalon ng umupo ako sa tabi niya, natawa tuloy ako. Hindi ako umimik at sinabayan siya sa pagtanaw ng kung ano sa malawak na field na ito.





" Bakit?". Siya na ang bumasag sa katahimikan namin. My brows furrowed, nilingon ko siya at mas kinunutan ng noo.


Nagtataka dahil sa tanong niya?.

Bakit?




" Bakit tanong ko sa 'yo?". Natawa kami ng malakas ng sabay naming kantahin 'yon.


" Hindi ka pumasok sa MAPEH class " I said the obvious.




" Gagi, alam ko kasing magpapakanta si Ma'am kaya ni-ghost ko siya." Natawa na lang ako sa sinabi niya.





Sa maikling sandali pa lang na nakasama ko siya, unti unti ko nang nasasaulo ang ugali niya. Enid is very transparent alam mo kung kailan siya nagsisinungaling at nagsasabi ng totoo. Kinuwento ko na lang tuloy sa kanya kung ano ang nangyari sa MAPEH time kanina. Sinabi ko rin na wala parin siyang takas dahil mayroon pa bukas, at isa pa ako sa kakanta bukas.





Iyon na lang ang kinuwento ko kaysa buksan ang bagay na bumabagabag sa kanya. I know she's not ready to share what her problem was, is. But I'm willing to wait and understand her in every time I could. As a present friend, even though we can't consider each other as a 'best' friend, at least as a friend we can be in each other in our ups and downs.



" Halika na." Siya na mismo ang naunang tumayo. Tumayo narin ako at sumunod sa kanya.





WAVES OF AFFECTION (Buenaventura Series #1)Where stories live. Discover now