Weeks and weeks had past. As of now okay naman ang buhay ko. Wala pa namang nangyayari sa school na masama, I'm not wishing for it anyway. Nakaupo ako habang hinihintay ang announcement para sa papalapit na Nutrition Month. Busy nadin ang iba dahil sa mga activities na gagawin at dinagdag pa ang Election for new SSG officers.
Nakaupo lang ako sa bleacher habang hinihintay na may magsalita sa speaker na nakapalibot sa buong campus. Wala si Enid at busy sa mga responsibilities niya as current Vice president ng SSG.
Kinuha ko ang libro na nakuha ko sa library kanina. Actually, in not inclined reading some story. Kahit sinasabi nila na every stories that they read teach them a lot. Iyong tipong walang impossible pagdating sa libro, ang gwapo ay nahuhumaling sa pangit at ang mga mayayaman sa mahihirap. Pero para sa akin, mas lalo lang tayong pinapaasa ng mga kwento na sana mangyari rin sa atin ang mga bagay na iyon. Ang bagay na tulad ng naiwan lang ni Cinderella ang sapatos niya ay nahanap niya na ang Mr. Right niya, hindi man lang naisip ng mga mambabasa na kung kay Cinderella kumasya ang sapatos bakit natanggal sa Paa niya?.
Iyong iniisip nila na magugustuhan sila sa kabila ng anyo nila, katulad ni Belle na nagkagusto sa Beast. Diba?, mga stories na pinaasa tayo, aasa tayo na baka mahalin din tayo ng mga taong pinapangarap natin. Mahalin tayo sa kabila ng kung anong itsura natin. Ang hirap umasa sa mga bagay na sa pelikula at istorya lang nangyayari.
Ilang readers na tanggap ang mga istorya na kahit hindi happy ending. Well, I do believe that everyone deserves a happy ending but not all can have it.
Mas masaya parin talaga ang mga bagay na nangyayari sa realidad. Iyong tipong hindi ka lang sa libro kikiligin, iyong tipong hindi ka aasa na sana maging mala wattpad ang kwento niyong dalawa. Iyong true kiss at hindi binabasa. Hindi man lang nila naiisip na baka nacoconcious ang mga character dahil feeling nila ay may nanonood sa kanila habang gumagawa sila ng kababalaghan, mga readers nga naman.
Hindi ko alam ang mga binabasa ko sa librong nakuha ko. I'm not use to read some love story before, or anything... genres. Hindi ako mahilig magbasa dahil ang mga free time ko ay inuubos ko sa paglalaro ng chess. Yes, chess is my sports since I was grade 5. Gusto ko iyon dahil hindi nakakapagod at naeexercise ko ang mental health ko, well indeed that sometimes it's a kind of stressor.
" Ikaw pala ang Transferee?." Napaangat ang tingin ng may magsalita sa harap ko. Napataas ang kilay ko ng sa unang dapo palang ng mata ko sa kanila ay hindi na maganda ang awra.
Mag iisang buwan palang ako and good thing ay wala pa akong nakakaaway. At ngayon ay mukhang magkakaroon na ako, I mean sa ayos nilang nakataas ang kilay at nakakrus ang braso at dinagdag pa ang mga labing akala mo ay kinulayan ng pinturang kulay red.
" Uhmm, yes?" I managed to be casual.
" Englisera?." Natatawang sabi ng kaharap ko ngayon, sa huli ang maikling tawa ay naging mahabang halakhak na sinabayan ng mga kasama niya.
" Syempre taga Maynila." Usisa pa ng isa.
Kung naroon ako sa Manila ngayon ay naririnig ko na ang tawag sa kanila. Iyong pangalan na nagsasabi nang pagiging chismosa iyong 'Marites' na sinasabi nila.
" Excuse me, I need to go.." palusot ko para makatakas sa kanila. Wala naman akong kasalanan para takasan sila ah..
Ngunit ng dumaan ako sa tabi nila ay hinila niya ang braso ko kaya napabalik ako.
" Huwag kang bastos kinakausap ka pa, hindi ba?." Ayon na ang galit sa mukha niya. Nakaramdam ako ng kaunting kaba dahil ngayon lang ako nainterogate ng ganito.
" Hindi mo ba ako kilala?." Galit na sigaw ng isa sa akin, napapikit ako dahil sa mukha ko pa mismo niya sinigaw ito. Napapapikit akong umiling.
Minsan ay nakikita ko siya rito sa Campus pero hindi ko siya kilala.
YOU ARE READING
WAVES OF AFFECTION (Buenaventura Series #1)
RandomWave Russel Asuncion love Elisha Maud more than everything in the whole universe. He is so being Frank in his feeling. He saw the bright side with her. Until the illusion break that sympathy of him. Because little that he knows, like the Waves that...