" Nasaan si Antonette?." Tanong ko kay Enid, last subject na namin itong umaga pero nakakapagtaka na hindi ko nakita si Antonette. I mean I didn't see her around, I'm just thinking if it's normal to her to take absent.
" Ewan ko.." nagkibit balikat na sagot nito, nagpatuloy na lamang kami sa pagpunta sa canteen para sa lunch.
Hawak ko ang science workbook ko, ng may biglang dumaan at nabangga ang balikat ko. Nagulat ako sa nangyari kaya nabitawan ko ang libro. Pinulot ko ito at tiningnan ang kung sinong nakabangga sa akin.Mabilis na tumaas ang dugo
ko. That displeasing guy is really getting into my nerves. Dahil sa sumusubra na siya at alam kung sinadya niya talaga na banggain ako ay hinabol ko siya. Nang maabutan ko siya malakas na hinampas ko sa ulo niya ang libro na nagdulot ng malakas na ingay sa hallway.Narinig ko ang daing at ilang gasped ng mga estudyanteng naka-witness ng scene. Nakahawak sa batok si Wave ng humarap sa akin. Kitang kita sa mukha niya na masakit ang pagkakahampas sa kanya. Well the science workbook is really shaggy, big time.
" Ang sakit no'n ah, bakit mo ginawa 'yon!'." Sigaw niya mismo sa muka, sa mismong mukha ko. Napapikit ako dahil sa sigaw nito.
" Because you bumped me and you didn't bother to say sorry!". Hindi ko na napigilan ang sariling sigawan din siya. I know we're now getting some attention of some students around us.
" Pero masakit.!" He shouted again, I'm expecting him to hit me or something but he turned his back away from me.
Nang mawala na siya sa paningin ko bago lang ako nakaramdam ng niya dahil sa ilang pares ng mga matang nasa akin ang paningin. Yumuko na lang ako at maya maya lang ay muntik na akong mapatalon ng may humawak sa balikat ko.
" Halika na, hayaan mo na si Wave katulad ni Antonette may saltik din 'yon." Napangising sabi ni Enid, tumango ako at sabay kaming pumuntang canteen.
Hindi ko maintindihan ang lalaking iyon. Nakakapagtaka na maraming nagkakagusto at humahabol sa kanya, hindi rin naman maipagkakaila na may mukha siyang ipagmamalaki. Pero sa akin at napaka antipatiko niya at ang bastos niya.
Somehow, I remember Ronnie. Mabilis kung hinampas ang ulo ng siya na naman ang maisip. Kailangan ko na siyang kalimutan. Ang mga bagay na tapos na at hindi na pwedeng balikan ay dapat ng kalimutan. If I really wanted to look forward for tomorrow I should stop thinking him, I should move on.
" Sandwich at softdrink lang " mabilis na tumango si Enid at pumunta roon sa counter matapos akong tanungin kung ano ang gusto kung kainin. Ako naman ay naghanap ng kung saan pwedeng pumwesto.
Dahil breaktime maraming katulad kung estudyante ang kumakain ngayon. Naghahanap ako ng mauupuan ng sa hindi inaasahan ay nahagip ng paningin ko ang masamang tingin ni Wave sa akin habang kagat ang straw ng plus juice.
Iniwas ko na lamang ang paningin, nilingon si Enid na ngayon ay naghihintay parin dahil matagal ang kahera, hindi lamang kasi siya at marami rin ang bumibili.Sa huli napagpasyahan na lamang namin na sa classroom na lang kumain. Ewan ko ba, until now hindi parin ako sanay.
Nakakamiss talaga ang buhay na pinanggalingan mo. Iyong tipo na gustuhin mo mang manatili roon ngunit may mga bagay na hindi natin inaasahan na darating, and it will force you to change your pace. Siguro ay may dahilan kung bakit kami, ako nakarating sa lugar na ito.
Siguro naisipan ng tadhana na kailangan ko ring makita ang ilang magandang bagay na ginawa ng Diyos. Siguro ay gusto ng tadhana na kailangan kung malaman na hindi habang buhay ang permanente. Or maybe there is some reason, and that's still unknown.
Nang mag ring ang bell dali daling nagsitakbuhan ang mga kaklase ko papasok. Natatakot na baka madatnan sila ng next subject teacher na nasa labas. Huling pumasok si Wave at ang isang lalaking minsan ay kasama rin niya. Sinadya kung ilayo ang tingin sa kanya ng makitang nakatingin na siya sa akin. Marahil ay ang ginawa kung paghampas sa kanya ang dahilan ng madilim na tingin nito sa akin.
YOU ARE READING
WAVES OF AFFECTION (Buenaventura Series #1)
De TodoWave Russel Asuncion love Elisha Maud more than everything in the whole universe. He is so being Frank in his feeling. He saw the bright side with her. Until the illusion break that sympathy of him. Because little that he knows, like the Waves that...